Prologue

836 31 23
                                    

Prologue.

"Ang bango ng libro,"

Muli kong inamoy ang libro ko naka ngiti akong pinagmamasdan ito, sa wakas naka pagpublish din ako ng libro.

"Seryoso ka girl? Ngayon talaga yung event mo?" Si Yazie katawagan ko habang naka upo sa couch sa kuwartong ito. "Oo 'yun yung sabi ng editor ko, biglaan nga eh akala ko pa naman sa susunod na buwan pa ko," muli kong inangat ang libro ko. "Pero ang ganda ng libro ko!"

"Bakit ngayon pa kasi di tuloy kami maka punta dyan dahil abala sa trabaho, masyadong biglaan naman kasi." inis nito.

Bumukas ang pinto ng kuwarto at dumungaw doon ang editor ko. "Azalea punta ka sa kabilang kuwarto papakilala kita sa mga Author!" She giggled that's why I smiled at her. "Sure! Pupunta ako maya maya." Ngumiti lang ito at muling sinara ang pinto.

"Hoy babae! May kasama kang mga Author sino-sino mga 'yan?" tanong ni Yazie tila narinig ang usapan. "Mga sikat na Author mga Idol ko noon." I sound excited. My ghod.

Kailan pa ko hindi nanabik sa ganitong event, actually this is my first time! Pinapangarap ko lang ito noon pero ngayon? Dream come true!

Joke! Wala pa rin palang pag babago naka pagpublish lang ako ng libro ewan ko nga kung may makikilala sa'kin na readers eh!

"Mga sikat? Siraulo ka ba? Gaga ka! Ang alam ko self-pub. lang  yung ginawa mo sa libro mo ano itong kasama ka sa event oo alam kong ipapakilala ka nila na soon to be published author at next month ire-release yung book mo pero anong kalokohan 'yan!" mahabang alintana nya at mukhang nag pipigil ng inis.

"Pag nalaman ito ni Bright susugurin ka talaga nya! Sino ba kasi yung Editor mong 'yan mukhang sinasabutahe ka di porke bago ka lang at hindi sikat ipapakilala ka na sa mga sikat na writer!"

"Bakit? Maganda nga yun eh ipapakilala na nila ako at kasama ko pa mga sikat!" I giggled again.

She hissed. "Gaga ka ba? Hindi mo ba ramdam o manhid ka lang tagala tara dito lumabas ka sa cellphone mo pasapak lang ng kunte!" inis nya. "Azalea Gail Santos! Di ka tanga uy! Mga sikat kasama mo maraming mga readers sila! Yes may point na ipakilala ka para naman makilala ka nila, pero ang point ko lang ayaw kita ipahiya. Like grrr di ko ma explain!"

I laughed so hard. "Yeah I know thank you sa concern Yazie!" tumayo ako at kinuha ang chanel na sling bag ko tumingin muna ko sa salamin I'm wearing off shoulder dress color Red and a flat shoes. Not bad.

"Sige na ibaba ko na ito, tinatawag na ko ng editor ko." she hissed again. "Tsk. Ano pa ba magagawa ko kundi ang suportahan ka! Sige na enjoy. Mag ingat sila sayo." natawa ako sa huling sinabi nya at binaba na ang tawag.

Lumabas na ko sa kuwarto at dumeretso sa kasunod na kuwartong linabasan ko.

Huminga ako ng malalim at baghagyang pinaypay ang aking sarili. My ghod girl chilax nag mumukha kang natatae. Kumatok muna ako bago ko ito binuksan.

"Hi!" I smiled to everyone.

Lahat sila tumingin sa'kin mga sikat na author mga hinahangaan ko noon. Noong pahanahon na kolehiyo pa lang ako and this time! Shit! Makakasama ko sila haharap sa maraming tao! Oh my ghoodd! Ok kalma.

"Yes?" bati ni Ms. Lory isa sa mga hinahangaan kong manunulat ngumiti ako at may hinanap wala dito si Liza ang Editor ko puro manunulat lang dito. "I'm Azalea Gail Aspiring writer. Amm sabi kasi sa'kin ng editor ko tumungo daw ako dito kaso mukhang wala sya, kayo lang."

Tumaas ang isang kilay nya at maarteng tumayo. "Owww hindi ka sikat?" na pawi ang ngiti ko doon at nakita syang ngumisi. "Sorry, bago ka lang?" she changed her question.

In Engraving The Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon