2

2 0 0
                                    

trust the universe
written by akira zyndril
chapter two

Kinaumagahan, binati ako ng sobrang busy na hallway. Pagtapak ko pa lang ng STEM Building, kitang-kita ko ang mabibilis na kilos ng mga estudyante. Makukuha mo agad na sila'y may hinahabol na mga deadline. Aligaga ang iba sa mga dalang papel na para bang nakasalalay roon ang buhay nila.

Tinahak ko ang daan patungong classroom, mabuti nalang talaga't natapos ko ang mga proyekto ko last week. Kahit may event ang Wilson last week, napagpasiyahan kong tapusin ang mga proyektong ibinagay sapagkat alam kong naka-due iyon sa linggong ito.

Nang makaupo ako sa designated na upuan ko, agad akong napahikab. Napagpasiyahan kong matulog na muna. Malapit na ang exams, and the teachers are giving us time to make our requirements kaya hindi sila pumasok sa mga klase namin.

I haven't got enough sleep. I didn't even know if I really slept. Tatiana has been running on my mind since yesterday. Iyong pag-iyak niya, ang mga salitang binitawan niya, ang ipinapakita niyang attitude sa iba at ang mahina niyang side na tinatago niya, pati na rin ang pag-agos ng dugo sa ilong niya at ang paghihirap niya sa paghinga...ay walang sawang nagpaikot-ikot sa isipan ko magmula pa kagabi.

Sinubukan kong magresearch sa mga posibleng sakit niya. Agad din naman akong sumuko nang milyon-milyong resulta ang lumabas sa internet kagabi habang nagreresearch ako. There are too many illnesses that had those symptoms. Hindi ko rin talaga malalaman kung ano ang sakit niya lalo na't wala akong masyadong alam.

Kahit may pagdududa ako sa sinabi ng mga kaibigan niyang stress at asthma lamang iyon, I - we (me and her friends) have no choice but to trust her. She's the only one who knows her condition as of the moment. She told her friends that it was nothing to worry about, baka nga ay hindi talaga naming kailangang mag-alala para sa kanya. She's strong and I know for sure she can handle what is being thrown at her now.

Gaya nang sabi ni Sam kagabi, sila nga ang nagbabantay kay Tatiana sa hospital ngayon. Nakibalita ako kay Peter at Joanna dahil pakiramdam ko'y responsibilidad ko siya sapagkat ako ang nakakita sakanya kahapon sa ganoong estado.

Tatiana's parents, Mr. Tony Rios and Mrs. Leona Rios, are busy for the whole week. Nasa New York raw ito para sa buong linggo dahil may sinalihan na isang business trip. They won't be back until Wednesday next week. Pinakiusapan ng mga magulang ni Tatiana sina Sam at George na bantayan muna ang kanilang anak sa ospital.

The three of them are excused, naiintindihan ng school principal ang sitwasyon nila, lalo na't isa sa biggest stockholder ng Wilson ang mga Rios. May yaya naman si Tatiana pero ang sabi raw ng magulang niya'y mabilis lang naman raw kung maadmit si Tatiana. Hindi na raw kailangan doon ang yaya ni Tatiana.

Sa totoo lang ay naiirita ako sa mga magulang ni Tatiana. Para kasing mas importante para sa kanila ang pera kaysa sa sarili nilang anak. I really couldn't understand rich people. They disregard the ones they love in exchange for money. I swear to never associate myself with people like them in the future.

Napaigtad ako nang maramdaman kong may humawak sa akin. Nakapalumbaba kasi ako sa desk ko, handa na para matulog sana.

I looked up only to see my friend, Dean. He looked somewhat frustrated and lost. Siguro dahil sa nangyari kay Tatiana. He really is serious with her.

"Bro," he called. Tiningnan ko siya, ibig kong sabihin na ipagpatuloy niya ang pagsasalita. "Wala raw teachers ngayon, puslit tayo. Bisitahin natin si Tatiana sa ospital."

Agad akong napatango. Tumayo ako at dinala ko ang bag ko. Lumabas kami ng classroom at pumuslit na rin kami palabas ng campus. Dean booked a grab. Grade 11 pa lang kami, I am still 17 and so is he. Bawal pa kaming magdrive.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Trust the Universe | OnholdWhere stories live. Discover now