prologue

12 0 0
                                    

trust the universe
written by akira zyndril
prologue

Simula pa noon, I've always found school very annoying. Sino ba naman may gustong pumasok sa paaralan diba? School is tiring and draining anyway. A good thing about today is that we're celebrating Science and Math week kungkaya't walang pasok. The Student Council of Wilson High prepared activities for us to celebrate the International Science and Math Week.

Kasama ko ngayon sa paglalakad papuntang dorm si Dean. Wilson High is a boarding school. Hindi naman required lahat na magdorm, the only ones who stay at the dorm are the students who lives far from Wilson High.

Nagtatawanan kami ni Dean dahil sa mga pangyayari sa mga activity kanina nang mamataan naming sa may damuhan ng open field ang magkakaibigang medyo sikat sa Wilson. Napatingin agad ako sa kasama ko at iminuwestra ang apat kataong magkakasama. May pagtingin kasi si Dean sa isa sa kanila.

"Holy shit, pare! Ang ganda talaga ni Tatiana!" Parang bakla na kinikilig si Dean habang nakatitig kay Tatiana.

Tatiana Lavender Rios. Paano ko nga ba naman makakalimutan ang babaeng 'yan? Unang pagtapak ko sa paaralang ito nang magtagpo ang aming mga landas.

Naaalala ko noon, late ako nagising kaya late rin ako nakapunta sa school. Transferee pa naman ako, dapat talaga hindi ako nagpuyat noon, eh. Papasok ako sa gymnasium ng paaralan nang mabangga ko ang isang magandang babae. Mataas ang kanyang medyo wavy na buhok. Matangos ang ilong, maputi at higit sa lahat, mapapatitig ka talaga sakanya dahil sa kanyang mga mata. She had beautiful eyes. Nakatulala pa rin ako noon sa kanya nang bigla niya akong sininghalan.

"Ano ba naman 'yan!? Pwede ba!? Alam kong nagmamadali ka, nagmamadali rin naman ako! Pero sana naman tumingin ka sa daan! Bulag ka ba?" sabi nito bago ako inirapan at nagmamadaling tumakbo papunta sa clinic.

Napailing-iling nalang ako noon bago ako pumasok sa gym. Umabot ng humigit kumulang tatlong oras ang orientation. Naganap rin kanina ang tinatawag nilang sectioning kung saan inassign na kami sa magiging klase namin.

Nalaman ko rin na kaya pala nagmamadali yung babaeng nakabangga ko ay dahil inatake ng hika ang kanyang best friend. Kaya pala nasinghalan ako kanina. Importante pala ang kanyang pakay kaya madaling-madali siya.

Sumapit ang gabi, nasa dormitoryo na halos lahat ng mga taga-malayo. Ipinatawag kami ng landlady. May meeting at orientation ata. Saka mag-iintroduce yourself daw kami para makilala naming ang mga makakasalamuha namin sa dormitoryo. Nasa may bandang likuran ako kasama ang aking mga roommates. Nagkukuwentuhan ang iba sapagkat sila'y matagal na sa paaralang ito't magkakilala na noon pa man. Tahimik lamang akong nagmamasid. Ang tanging kakilala ko rito'y ang aking roommates at hindi pa kami ganoon ka close para makipagkuwentuhan ako sakanila. Kinuntento ko ang sarili sa pakikinig sa mga nag-iintroduce sa harap.

Nang tumayo sa harapan ko ang babaeng nakasalamuha ko kanina, napokus ang atensiyon ko roon. Hindi ko alam kung anong meron pero interesado ako sakanya. It was her feisty attitude that made me want to know her more.

She had this uninterested, bored face as she stood up in front. Pinagsasabihan siya ng landlady pati na rin ng kanyang mga kaibigan na ngumiti ngunit nanatiling blanko at walang emosyon ang kanyang mukha. I guess standing in front of a crowd wasn't her thing at all.

She opened her mouth to speak. Her voice was sweet and pleasing to the ears. "Hi. I'm Tatiana Lavender Rios. Tatiana or Ash for short. Obviously, taga malayo ako kasi I'm staying in the dormitory. I've been studying at Wilson since elementary kaya this is nothing new to me. I'm open to meeting new people though it doesn't seem like it because of my bitchy resting face. Uhh, I hope we all get along at hindi natin mapasakit ang ulo ni Miss Agatha." Nag-peace sign siya bago umalis sa harapan. Ang tinutukoy niyang Miss Agatha ay ang landlady namin.

Trust the Universe | OnholdWhere stories live. Discover now