1

7 0 0
                                    

trust the universe
written by akira zyndril
chapter one

It's Monday today. Tapos na ang Science and Math Week kaya balik na ulit sa normal classes ang lahat.

Today was a bit boring, though. Dahil kakaresume lang ng classes from a one-week break, puro discussions lang yung nangyayari. Well, we have surprise quizzes and paminsan-minsan may recitation, pero it's normal for teachers to give out those kind of activities.

I have a two-period free time after a long discussion sa isang major subject. Pumunta ako sa likod ng gymnasium -- kung saan may mga cottages at bench -- para magpalipas ng oras.

It's 12 noon . Sa mga oras na ito, marami-rami ang tao sa bandang ito ng paaralan. Not because they're cutting classes, but because most of the students from the ABM and HUMSS strand have free time at this time of the day.

Nakaupo lang ako sa isang cottage habang nasa tenga ko ang earphones. I slightly tapped my fingers on the table following the beat of the song I'm listening to.

It was peaceful even if a lot of students were passing in front of me. Their inaudible voices made it hard for me to get what they were saying but these students were clearly doing their best to make the most out of their free time.

Nakahanda na ako para umidlip sandali nang namataan ko ang grupo nina Tatiana sa katabi ng cottage na inuukupa ko. I watched them for a bit.

Nang maramdaman kong patingin na si Tatiana sa gawi ko ay agad kong ibinaba ang ulo ko. Makatulog na nga lang, baka mamaya'y mapansin pa nitong pinagmamasdan ko sila, eh.

I was slowly drifting to sleep nang may naramdaman akong umupo sa tapat ko. I did not bother to look up, though. Pumipikit na talaga ang mga mata ko kaya nagpadala nalang ako sa kadilimang bumalot sa akin.

An hour, more or less, after I went to a nap, nagising ako. I raised my head and I was shocked to see someone very familiar to me sitting in front of me.

Tiningnan ko ang katabi kong cottage at nakitang wala na sa paligid ang mga kaibigan niya. Nag-iisa siyang nakaupo sa harap ko habang nagbabasa ng libro.

I stared at her, puzzled. Maraming bakanteng cottage, pero bakit nandito siya sa cottage na ito?

She must've felt my stares kaya tiningnan niya rin ako.

"Oh, you're awake," she said at bumalik na naman sa pagbabasa.

I still have an hour left before my last class kaya minabuti kong tumambay nalang muna roon. Inilabas ko ang phone ko at naglaro nalang.

Ibinalewala ko nalang rin ang mga katanungan ukol sa pag-upo ni Tatiana sa cottage na ito. Hindi ko naman pagmamay-ari ang cottage, kaya okay lang na nandyan siya.

Nakapokus ako sa paglalaro kaya hindi ko na masyadong napapansin ang nasa paligid ko.

Ilang minuto pa ang lumipas nang makarinig ako ng mahinang pag-iyak. Maingat kong iniangat ang tingin ko at nakita kong namalisbis ang luha ng kaharap ko sa kanyang pisngi.

"Uh, okay ka lang?"

Ang gago. Malamang hindi 'yan okay, kita mo ngang umiiyak eh.

Pero baka kasi umiiyak dahil sa binabasang libro? Tiningnan ko ang libro niyang nakasara na, at ang smart phone niyang hawak-hawak.

Mukhang hindi nga ang libro ang dahilan ng kaniyang pag-iyak.

Tinitigan ko siya na para bang banyaga sa akin ang pag-iyak niya. Eh, banyaga naman talaga para sa akin. Katulad ng sinabi ko, ni minsan hindi ko pa nakita si Tatiana na umiyak o nagmukhang talunan at kawawa.

Trust the Universe | OnholdWhere stories live. Discover now