H̶a̶p̶p̶y̶ Mother's Day

145 9 2
                                    

Today is my Grandmother's Birthday and Mother's day din ngayon.

3 Am nang gumising ako para ihanda ang mga ibebenta kong kakanin. Maliit lamang ang aming bahay, sapat na sa aming lima na magpamilya. Si Lola, ang ate Jennah, Kuya Marlon, ako, Rem, at Isabel.

Wala na kaming mga magulang kaya si lola nalang ang nag aalaga sa amin kahit matanda na ito. Dahil sa kaarawan ni Lola ngayon, dinamihan ko ang aking ibebentang kakanin para kumita ng malaki. Ibibili ko si Lola ng Cake at yung hindi mabebenta na kakanin ay idadagdag ko sa handa namin. Alam kong masaya na si Lola sa ganon.

"Lola magbebenta lang po ako neto" saad ko habang inaayos ang mga ibebenta ko

"Sige apo, mag iingat ka ah? Mahal ka ni lola."

"Opo lola." saad ko bago siya hinalikan sa pisngi

Buong araw akong naglako ng paninda ko sa buong bario namin, nakakaabot pa ako sa ilang palengke para lang marami ang bumili. Yung iba ay binibigyan lang ako ng pera kaya nagpapasalamat ako ng marami.

Nang maubos ang aking paninda ay pumunta ako sa isang malapit na Bakery shop. Sa laki ng aking kinita ay nakabili pa ako ng pandesal bukod sa Cake.

Nilagay ko ang mga iyon sa dala dala kong basket para isurpresa lang si Lola. Gayon na din ang mga kapatid ko, batid kong nagugutom na sila doon.

"LOLA!!" Biglang may narinig akong sigaw habang papauwi, alam kong sa bahay namin iyon nanggaling.

Sa sobrang kaba ko ay tumakbo ako papunta sa bahay. Nadatnan ko si Ate Jennah at Kuya Marlon nang nakahubad, hawak hawak pa ni Ate ang kumot niya. Nakatingin lang sila sa akin habang umiiyak.

"A-ano ang nangyayari?" Sobrang kabado kong tanong, "bat nakahubad kayo pareho?"

"Atee" umiiyak na tawag ng kapatid kong si Rem.

Napalingon ako sa gawi niya at nakita ko ang Lola ko.. nakahilata at nag aagaw buhay

Nabitawan ko ang basket na hawak ko at napatakbo kay Lola.

"La.. la wag kang bibitaw.. b-birthday mo ngayon la.. p-please la" I held her hand, umiiyak na ako ngayon dahil sa sobrang kaba. Anong nangyari? Bakit umabot ganito?

"LAAAAA!" Sigaw ko nang naramdaman kong hindi na siya humihinga. I became a crying mess at puro iyak na lamang ang maririnig sa buong tahanan namin.

-

"Ang sakit naman po ng pagkawala ng Lola ni Reiner sa Kwento mo ate"

"Mmm, sobra"

"Batiin mo na si Lola ate" saad ni Emma. Nginitian ko siya bago ibaling ang paningin sa lapida ni lola

"Happy Mother's Day, La"

"Ate Lynda, pupunta lang po ako kila Kuya Rem" tumango naman ako bilang pagsang ayon saka siya umalis.

My smile faded as I faced her tombstone. I stared at it before heaving a sigh, ang bigat sa pakiramdam.

"Hi la. Pitong taon na ang nakalipas simula nung iniwan niyo ako." Panimula ko.

Pitong taon na ang nakalipas pero masakit parin.

"Sorry la, ah. Ngayon lang ako nakabisita, busy kasi eh." I chuckled sadly.

"Lola oh.. dala ko po yung kaparehas na c-cake saka kakanin last 7 years na dapat ay k-kakainin natin."

"Kita mo yung bata kanina lola? Sobrang bait non." Nakangiti kong saad pilit na pinipigilan ang mga luha ko.

"Siya po si Emma.. anak ni Kuya Marlon at Ate Jennah. Binuhay namin siya lola kapalit ng pagkawala mo. T-tinuring namin siyang kapatid namin kahit na ang totoo ay hindi." Umiiyak ko nang saad, "la kung nasaan kaman ngayon sana payapa kana. Maayos naman kami Lola, e-engineer na ako.. umalis narin sila Ate at Kuya."

"Sayang lamang at wala kana para makita kung gano nako ka successful la."

I can't help but to cry. It still hurts after all these years. I still can't let go of the pain it caused me. It was hard, living alone and take all the responsibilities. I didn't imagine of losing her, I don't want to.

"Happy Birthday and Happy Mother's day Lola." I whispered and wiped my tears.

"I didn't expect that this day would also be your death anniversary."

Short Stories Compilation✔︎Where stories live. Discover now