Betrayal (part 1)

99 4 9
                                    

I have a boy bestfriend, his name was Ryle. We're best buddies since we were kids.

Lagi kaming gumagala mapasaan man sa bario namin. Lagi kaming kumakain ng street foods, akala pa nga ng iba magjowa kami dahil sa closeness namin.. pero hindi.

"Aya kamusta may bebe kana ba?" Tatawa tawang tanong ni mokong

"Ta*na mo. Wala nga eh sanaol kasi sayo gwapo."

Nagpapogi naman siya sa harap ko "kadiri ka!"

"HAHAHAHA" tawa niya. Bigla namang tumunog ang cellphone niya kaya dali dali niyang kinuha yon, "Teka nagtext si Mika. Papunta na raw siya! May date kami ngayon eh"

Napangiti naman ako mapait, "Sige! Sanaol nalang may girlfriend. Ingat kayo"

"Inggit ka?" Tanong niya. Hinampas ko siya at pailing-iling na tumawa

"Asa"

Nakipag apir siya sa akin bago nagpaalam na aalis. Tiningnan ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

-

Naglalakad ako sa hallway dito sa uni nang may makasalubong akong babae. Mukhang hirap na hirap siya sa mga dala niya kaya tinulungan ko na.

"Hala thank you!"

"Walang anuma- Mika?"

Ngumiti siya. Siya nga.. girlfriend ni Ryle.

"Ikaw pala Aya." Sabi niya na ikinagulat ko naman. Ipinakilala pala ako ni Ryle sa kanya.

"Y-yeah. Saan mo dadalhin to? Andami naman." Tanong ko

"Inutusan ako ni Ma'am Nieves. Sa office niya raw."

"Okay." Don ko lang napansin ang suot niya. She's not wearing our uniform, nakasuot siya ng white dress na bagay sa puti niya ding balat. Ang ganda niya, bagay talaga sila.

"By the way, you look good today" puri niya. Napangiti nalang ako, "T-thanks."

"MIKA!" napatingin ako sa harap nang may sumigaw.

"Uy andito ka din bes." Pansin niya sakin. Tumango naman ako. "Akin na yan mukhang mabigat" kinuha ni Ryle sa akin ang mga papel at kinamusta si Mika.

Naramdaman ko naman na kailangan ko nang umalis kaya nagpaalam nako sa kanila.

Tumalikod nako at naglakad papaalis. Napahawak na din ako sa dibdib ko. This feeling again. 'Stupid' I mentally cursed myself.

-

'Aya pedeng pakicheck kung naiwan ko dyan sa bahay niyo yung wallet ko?' Text sakin ni Ryle.

Hinanap ko naman yung wallet niya kung saan. Nang makita ko sa sofa, ni text ko na si Ryle na naiwan niya nga rito.

"Bwesit naman oh. Gusto ko pang matulog eh!" Reklamo ko nang magtext siyang ibigay ko nalang daw sa kanya.

Nisend niya sa akin ang location niya kaya nagpaalam nako kay mama na pupuntahan ko muna si Ryle.

Inayos ko ang buhok ko pagkababa ng tricycle, andito siya sa loob ng isang restaurant. Pumasok ako at nilibot ang paningin ko.

Nakita ko siya, nakablack na t-shirt. Simple lang pero ang astig niyang tingnan. Lalapitan ko na sana siya nang mapansin ko kung sino ang kasama niya.

Aalis na sana ako nang sumigaw siya na parang walang hiya! "Aya! Aya I'm here!"

Napasapo nalang ako ng noo at nahihiyang naglakad papunta sa gawi niya. Lahat ng mata naputa na sa amin dahil sa ginawa niya! Nakakahiya.

"Tanginamo. Oh" Bulong ko at inabot sa kanya ang wallet niya. Tumingin ako sa katabi niya at ngumiti, "Hi Mika."

"Hello Aya!" She replied.

Pinanood ko lang silang mag usap the whole time. Nakakaramdam na naman ako ng weird na feelings kaya nagpaalam na naman akong aalis.

"Aalis kana agad? Kararating mo lang ah"

"G*go date niyo to gagawin mo pakong third wheel. E kung sinapak kita?"

"Fine fine. Oh pamasahe thanks ulit" binigyan niyakong pera na kinuha ko naman agad.

"Mm. Enjoy your date." Ngumiti ako sa kanila bago tumayo at naglakad palabas sa restaurant.

-

Nakahiga lang ako sa kama ko dito sa condo ko while stalking a certain person.

Bigla naman siyang nagchat kaya nagpanic ako

Mika Francisco sent you a message

Mika: Hi!

Aya: Hello?

Mika: Hahaha wala lang. Wala akong makausap, ikaw?

Aya: anong ako?

Mika: You replied

Aya: Im.. bored.

Mika: Ah haha well same. Topic?

Aya: ikaw unang nagchat dapat may dala ka

Nag usap kami about kay Ryle. Naiinis ako pero sige nalang, wala naman akong magagawa. They're so inlove with each other. I should know.

-

"Hi!" She greeted when she entered the coffee shop.

She took a seat, "Nag order kana?"

I nodded, "Order kanang iyo."

"Ah later na! How are you?"

"Fine. Ikaw? You look good in that dress." Puri ko.

"Thanks. Ikaw din! Pinaghintay ba kita? Nagcall pa kasi si Ryle kanina habang papunta ako dito."

Tumango lang ako. Ayokong pakinggan mga sweet moments nila ng bestfriend ko.

"Order kana muna." I said na sinunod niya naman.

She said magkikita kami ngayon and pumayag naman ako. Hindi ko alam kung bakit pero dahil bored ako go nalang. Gusto ko din naman.

Nag usap lang kami about stuffs. She told be about herself, nag enjoy naman akong makinig.

"Thank you for today." Nakangiting aniya.

-

Mika: I'll call. Can I?

Mika's calling...

"Hello?"

'Hi Aya! Sorry wala akong makausap eh.'

"Si.. Ryle ba?"

'He's busy. Anyway avail ka tomorrow? Im bored."

Pag bored ako na pala ang takbuhan?
"Sure. What time?"

"9! See you!"

-

Lagi na kaming nagkikita ni Mika since then, ako sinasabihan niya about sa kanila ni Ryle. Mas lalo lang akong nasasaktan. I know mali to pero di ko na kaya. I can't do this anymore.

"Mika?" Tawag ko sa atensyon niya, she hummed in response. Naglalakad lakad kami ngayon dito sa may park. Bored na naman daw siya.

"Diba sabi ko sayo may isang thing na hindi mo pa alam about me?" Yes. Parang bestfriends na din ang turingan namin, pero mali e. Parang niloloko ko lang sarili ko.

"What is it? Sasabihin mo na ba now?"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya, "Sana walang magbago satin pag nalaman mo na ang totoo." kinakabahan kong saad

"Mika, Im a Lesbian. Im a Lipstick Lesbian."

Nagulat naman siya pero hindi pako tapos, I smiled weakly.

"I know this is stupidly wrong but I like you."

You. My bestfriend's girlfriend.

Hindi siya nagsalita at bigla nalang tumakbo paalis. Hindi ko na siya hinabol pa. Napayuko nalang ako at hinayaan ang mga luha kong tumulo.

Short Stories Compilation✔︎Where stories live. Discover now