Rainbow

52 11 8
                                    


May boyfriend ako dati sa RPW.

Jin ang pangalan niya. I loved him so much.

Higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko ang ibinigay ko sa kanya pero sakit lang ang isinukli niya sa akin.

Nakita ko ang Real Account niya at may Girlfriend na pala siya. Sobrang sakit.

Akala ko ako lang..

Pero hindi ko alam na habang may kami, may sila na pala.

Nagkaroon din ako ng pangalawang boyfriend sa RPW. Sinaktan lang din ako.

Nagkaroon pa ulit ako ng isa at isa pa.. pero sakit lang din ang nakuha ko

Mabuti nalang at nandyan ang mga kaibigan ko lalo na si Deib na laging nandyan sa tabi ko at nag papayo sakin kahit ang tanga ko minsan.

Inisip ko na Siguro hindi ko sa RPW matatagpuan yung lalaking para sa akin

When suddenly this rp'er came..

He's Junhui Wen. Jun port brp.

Naging ka rs ko siya. At sa loob ng tatlong buwan ay naging masaya ako sa kanya. Alam ko sa sarili ko na may nararamdaman na ako para sa kanya. Hindi lang siya bastang pang rp lang. Alam kong mahal ko na talaga siya. Ang Op ni Jun.. mahal ko na ang taong nasa likod ng rp account na iyon

Natatakot ako na baka malaman niya at layuan niya ako. Natatakot akong sabihin niyang pang rpw lang ako. Natatakot akong masaktan ulit.. pero walang magagawa ang takot na 'to. Kailangan niyang malaman ang totoo kong nararamdaman.

"Jun.."

Chat ko sa kanya. Kinakabahan ako

"Yes love??"

"Jun.. mahal na kita.. mahal ko na ang op mo"

Hindi siya nagreply

" Sorry.. sorry kung marupok ako.. ayos lang naman kahit hindi mutual ang nararamdaman natin para sa isa't isa.. naiintindihan ko namang pang rp lang talaga ako haha"

Typing na siya kaya kinabahan na ako

"Ok"

Tanging reply niya at hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko..

"Ok.. haha sorry talaga jun.. mahal kita, paalam"

Huling sabi ko bago siya ni block.

-

Ilang araw na ang nakakalipas mula nung ni block ko si jun at tumigil ako sa kaka rp

Valentines ngayon at ako lang ata ang walang ka date dahil halos lahat ng kaklase ko sobrang saya habang ako nakaupo lang sa gilid at tahimik silang pinapanood habang naglalandian este harutan.

May bigla namang dumating na delivery na nakaagaw pansin sa Adviser namin. Sakto gutom ako

May ipinasok ang delivery boy na malaking box sa loob ng room.

Akala ko naman pagkain na inorder ni ma'am.

Tumayo ako nang biglang bumukas ang box at napatitig naman ako sa laman ng box na iyon.

Isang Standee ni Wen Junhui na may hawak na bulaklak.

"Wag kang umiyak.."

Ay umiiyak pala ako? Teka..

Tumingin ako sa likuran ko at--

"J-Jun?"

"Ako nga love.. Happy Valentine's!"

Bigla ko siyang niyakap at niyakap niya din ako pabalik

"Akala ko wala kang pake sakin"

"May sinabi ba ako?" Natatawang saad niya at humiwalay naman kami sa yakap

" 'Ok' ang nireply mo sakin eh"

"Pero hindi ibigsabihin non ay wala na akong pake sayo.. may karugtong pa dapat yun eh.. ikaw kasi block agad?"

Hindi ko maiwasang kiligin kahit sa simpleng sinabi niya lang. Iba parin talaga kapag nasa harap mo na ang taong mahal mo.

Maging ang mga kaklase ko ay kinikilig

"Sorry naman.. ano ba dapat sasabihin mo non?"

"I want to be with you in real world. I want to hug you and kiss you. I want you. I like you. I love you."

"Hindi mo deserve yung sakit na binigay sayo ng dati mong mga ex. Nandito ako para ibigay muli ang saya sa iyo kaya hinding hindi kita iiwan. There's always a rainbow after the rain"

"Mahal na mahal kita Alexandra Picon. Mabuti nalang at hindi ka kagaya ng surname mo. I love you so much Love. I want to put a ring on your finger someday at hindi ko magagawa yon kapag nanatili lang tayo sa virtual world. Kaya ako nandito sa harapan mo ngayon upanh matupad ang isa sa mga pangarap ko.. ang makasama ka"

And then he kissed me on the lips.

Short Stories Compilation✔︎Where stories live. Discover now