Bumuntong hininga lamang siya at hindi na kumibo. Nasa pintuan na si Kuya Zoel, nakangiting nag-aantay sa'kin.

"Kuya!" Excited akong lumapit sa kaniya. Ngumisi siya at sinalubong ako ng yakap.

Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo. "Ready?"  Tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tumango. "Zoel, ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Alam mo namang..." Si Daddy.

Naiiling akong humarap sa kaniya. "Daddy, I'll be fine..." Ngisi ko 'tsaka humalik sa pisngi niya. Kagabi pa siya nag-aalala sa'kin, eh. Kahit ilang beses kong sabihin na magiging maayos lang ako, hindi ko pa rin siya makumbinsing mapanatag ang loob.

He sighed again. "Call me, Victoria. Hindi ako nag-aalala sa wala." Seryosong sabi niya.

Tumango ako. "Yes, Daddy." Naglakad na ako ulit palapit kay Kuya. Ngumiti siya at inakbayan ako bago nilingon si Daddy.

"Ako na ang bahala sa kaniya, Tito...." Sabi ni Kuya bago kami nagtungo sa kotse niya.

Pinasakay niya muna ako front seat bago umikot papunta sa driver seat. Nakadungaw lang naman sa'min ang seryosong mga mata ni Daddy. At kumaway nalang ng makita ang unti unting pag-alis namin. May mga bodyguards naman si Kuya na nakasunod sa'min. Kailangan niya ang mga 'yon lalo na't nasa pulitika na siya ngayon.

"Nandoon na sila Mommy sa airport. Parating na daw sila Tita Tricia." Sabi ni Kuya.

Tumango ako at lumingon sa labas ng bintana. "Sana hayaan ni Tita na makausap ko siya saglit, Kuya." Iyong huling pagkikita kasi namin sa bahay ni Mommy Jane ay galit na galit siya sa 'kin, kaya sana kaya niya na akong harapin at kausapin ngayon ng hindi nagwawala.

"I hope so..." Buntong hininga niya.

40 minutes ata ang naging byahe namin. Walang traffic at medyo mabilis magmaneho ang Kuya kaya kaagad din kaming nakarating sa Airport.

May nagbukas ng pinto ko, nang tingnan ko 'yon ay isa pala sa mga bodyguard ni Kuya. Inalalayan ako nitong makapasok sa loob, ganoon din ang ginawa kay Kuya no'ng iba.

Pinagtitinginan kami ng mga tao. Iyong iba pa'y nakilala si Kuya at panay ang kuha ng pictures sa'min. Ngumiti lang ako sa mga nakatingin habang ginigiya ako ni Kuya papunta sa kung saan.

"Nandito na sila..." Bulong niya.

Tiningnan ko naman ang sinasabi niya. Napasinghap ako at lalong kinabahan nang makita si Tita Tricia. Nakaputi itong damit at fitted jeans, naka-takong din siya at nakatali ang buhok. Kausap niya si Lola at Mommy Jane. Mukhang seryoso din ang usapan nilang tatlo. Saglit akong napayuko. Kakayanin ko ba ito?

"Are you okay? Gusto mo bang umurong?" Alalang tanong ni Kuya.

Mabilis naman akong umiling. "Matagal ko 'tong inantay, Kuya. Kailangan ko rin 'tong gawin para sa sarili ko." Malungkot akong nag-angat ng tingin sa kaniya.  "Kuya, gusto ko nang mabuhay ng payapa at kahit papaano maging masaya."

Napapikit siya at hinila ako para yakapin. "You will, Aria. Gusto ko ring maging masaya ka...." Bulong niya.

Kumuha ako ng lakas sa yakap niya. Kailangan mong magpakatatag, Victoria. Gawin mo 'to para sa sarili mo at para na rin sa katahimikan ng mga magulang ni Samantha. Palayain mo na ang sarili mo sa mga humahadlang sa'yo para maging masaya.

Always unwanted 💯Kde žijí příběhy. Začni objevovat