CHAPTER 4

11.7K 193 1
                                    

TIME CAN'T heal wounds.

Hindi ko alam kung totoo ba ang naririnig ko sa iba na gagaling din ang sugat sa puso nila pagdating ng panahon. Narinig ko pang sabi ng isa kong kaklase, 'time can heal this pain and every wound he cause me.'

Hindi ako naniniwalang time can heal wounds beacuse it can't.

Ang sugat sa puso ni mommy ay nandon pa rin kahit lumipas na ang maraming taon. Kasinungalin lamang 'yon.

Ang galit sa puso ng tao ay hindi na ata gagaling. Siguro kung gumaling ang kay mommy baka maniwala pa ako.

"Okay na daw si sky..."

Nag-angat ako ng tingin sa mga junior na malapit lang ang pwesto sa table ko kaya naririnig ko kahit ang mga bulungan nila. Napangisi ako. Kahit sa mga junior sikat siya, iba talaga ang dating ng isang skyrile villafontia.

"Buti naman. Nakakatakot kasi siya kapag galit o may problema." Rinig ko pang bulungan nila.

Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Nasa library ako ngayon dahil vacant namin, ganito ang gawain ko kapag walang ginagawa. Mas gusto ko kasi ang katahimikan dito. I can find peace here.

Tungkol naman kay sky...alam kong okay na siya dahil nakikita ko na ulit ang mga ngiti niya. Siguro na-solve na niya kung ano man ang problema niya noong isang araw. Thats good for him.

Nang masilip ko sa orasang pambisig na malapit nang mag-time para sa second subject ko ay mabilis na akong nagligpit ng gamit. Sinigurado ko munang nasa bag ko na lahat ng nilabas kong gamit bago ako lumabas ng library.

Dumaan muna ako sa locker ko para ilagay don ang ibang gamit at libro ko. Hindi ko naman kasi kayang dalhin lahat sa sobrang dami. Madalas kasi ay ang sketch pad at isang babasahing libro lang ang dala mo. I can survive the whole lonely day with that.

"Excuse me..."

Napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa locker nang may kumalabit sa'kin. Kumunot ang noo ko. This is the first time na may lumapit sa'kin.

Nang harapin ko siya ay pamilyar ang mukha niya sa'kin kaya alam kong hindi siya transferee. "Why?" Takang tanong ko.

Alanganin naman itong ngumiti. "Hmm...i just want to give you this." Aniya atsaka nilahad sa harap ko ang hindi kalakihang tumbler.

Lalong nangunot ang noo ko at tinitigan ko lang ang inaabot niya. Muli akong nagtaas ng tingin sa kaniya. "Ano 'yan?"

"I-Its for you..." Napayuko ito.

"Who?"

"H-Huh?"

Napabuntong hininga ako at kinuha sa kamay niya ang tumbler. "Sinong nag-utos sa'yo na ibigay mo 'to sa'kin?" Alam ko naman kasing hindi siya lalapit sa'kin ngayon at aabutan ako ng tumbler kung walang nag-utos sa kaniya.

"Sino?" Ulit ko nang hindi na siya kumibo.

"I-I need to go..." natatarantang sabi niya. At nang akmang aalis na siya ay kaagad kong hinawakan ang kamay niya. "Kanino galing 'to?" Seryosong tanong mo.

Napayuko naman 'to. "Kay kuya s-sky po...." Mahinang sagot niya.

Napasinghap ako atsaka na siya binitawan. Hinayaan ko na lang siyang umalis dahil nasagot na rin naman niya ang mga katanungan ko.

Tiningnan ko ang tumbler na hawak ko. Hindi ito ang tumbler ko pero ang laman ay katulad ng gawa kong vegetable shake.

Kumunot ang noo ko. What's with him?

Para saan 'to?

PAGKATAPOS ng klase ko ay diretso uwi na ako sa bahay. Gusto ko sanang bisitahin ulit si daddy pero hindi ko pa kaya, medyo masakit pa ang katawan ko. Atsaka baka mapansin niya ang mga pasa ko, malinaw pa naman ang mga mata niya pagdating sa'kin.

I don't want him to worried. Gusto ko panatag lang ang loob niya habang inaantay ang araw ng paglaya niya.

"Tatay seth!"

Napangiti ako nang maabutan si tatay seth sa hardin. Nagdidilig ito ng mga halaman nang madatnan ko siya.

"Oh..ria." Nakangiti niya akong hinarap. "Kamusta kana? Dalawang araw ka ring nagkulong sa kwarto mo, ah?" Alalang tanong sabi niya..

"Ayos na po ako." Ngisi ko. Tiningnan ko ang mga alaga niyang rosas. Lalong dumami ang mga bunga non. Magaling kasing mag-alaga si tatay seth ng mga halaman kaya nabubuhay ang mga ito.

"Nga pala aria, malapit na ang birthday ng mommy mo diba? May handaan bang gaganapin rito?"

Napatigil ako. Otomatikong nabura ang ngiti sa labi ko. "Hindi ko po alam." Tumalikod ako sa kaniya, ayokong makita niya ang lungkot sa mga mata ko. "B-Baka sa mansiyon na naman ho ni lola gaganapin." Mahina kong sabi.

Sa totoo lang ay wala akong alam sa mga plano nila. Hindi naman nila ako sinasali roon. Its for their family, and i am not part of it.

Napabuntong hininga na lamang ako at mabigat ang loob na nagpaalam kay tatay seth. I never been felt being a de guzman. My mom hate me, my lola, my auntie's and uncle's and even my cousins. They all hate me. They all hate my existence.

"Ayoko nga, Mama!"

"Tumahimik ka linda at napaka-ingay."

Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng ingay mula sa kusina. Kumunot ang noo ko at mabilis na naglakad papunta doon.

What happened?

Umawang ang labi ko nang maabutan ko si manang na matalim ang titig sa kausap, na kasalukuyang humahagulgol na. Hindi ko ito kilala at hindi pamilyar sa 'kin ang mukha niya. I guess, ngayon lang ito pumunta rito.

Nasa mid-20 na ang babae sa tingin ko. Napatingin ito sa'kin at nanlaki ang mga mata. Tumayo siya ng tuwid at mabilis na nagpunas ng mga luha.

"Andyan kana pala. Nagugutom ka ba?" Bumaling ang tingin ko kay manang nang tanungin niya ako.

Nakatalikod siya sa'kin at nag-hiwa ng mga rekado para sa lulutuin mamaya. Nahihiyang humakbang ako papasok, tutal nandito na rin naman ako mabuti pa'y kumuha nalang rin ako ng meryenda.

"Pasensiya na po sa abala." Mahina kong sabi. Ngumiti ako sa kausap ni manang kanina nang sulyapan niya ako. Ngumiti rin naman siya pabalik. I guess hindi niya pa ako kilala kaya hindi niya pa ako hinuhusgahan.

"Kung nagugutom ka kumuha ka nalang ng pagkain diyan at nang makaalis ka na rito. Nakakaistorbo ka." Malamig na wika ni manang. Napakagat labi na lamang ako at tumango.

"Mama, siya ba 'yong anak ni ma'am jane?" Rinig kong bulong nong babae kay manang.

"Oo kaya manahimik ka diyan at hindi pa tayo tapos mag-usap." Matigas na bulong ni manang.

Napabuntong hininga na lamang ako at tahimik na lumabas ng kusina pagkatapos kong kunin ang kailangan ko.

Umakyat na ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto ng makapasok ako. Binaba ko na muna sa study table ang sandwich na ginawa ko atsaka tinabi don ang tumbler na binibay ni skyrile.

Napangiti ako habang pinagmamasdan 'yon.

Perfect combination.

"I hope this would be the last skyrile baka kasi hindi na ako makawala kapag pinagpatuloy mo 'to."

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now