CHAPTER 20

10.3K 196 5
                                    

NAALALA ko noong nalaman kong ikinasal na siya kay samatha, that was two years ago. At hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa mga memorya ko kung gaano karaming luha ang sinayang ko.

I was depress that time. Katatapos palang ng recovery ko at pinlano ko agad siyang kontakin pero nalaman kong ikinasal na siya.

That's bullsh*t!

Siya agad ang naisip ko nang gumaling na 'ko. Gustong gusto ko na siyang makita at makausap. Iniisip ko noon na baka hinahanap niya ako pero nabigo ako. Binigo niya ako. Ikinasal na pala siya at hindi....sa'kin.

"M-Mahal mo ba siya?" Iyan agad ang gusto kong itanong sa kaniya. Kilala ko siya, hindi naman siguro siya magpapakasal kung hindi niya mahal si samantha diba? Tinatanong ko lang dahil gusto kong marinig mula sa kaniya na nagmahal na siya ng iba.....kahit masakit.

"I-I'm sorry...." Namula ang mga mata niya at pilit na inaabot ang kamay ko.

Napapikit ako at binaba nalang sa hita ang dalawang kamay. Tiningnan ko siya. "Masaya ka ba?" Garalgal ang boses kong tanong. Masokista ako kaya ganitong klaseng tanong ang binabato ko sa kaniya.

"No." Diretsong sagot niya habang nakatiim ang bagang. "They all lied to me....." mahinang sabi niya.

"Y-You're already married." Puno ng hinanakit kong wika. "And it was painful as hell...." Nangilid ang luha ko sa gilid ng mga mata ko. Until, its still painful.

"I-I didn't...." Umawang labi niya at mabilis na pinunasan ang gilid ng mga mata. "Aria...." Napasinghap siya.

Tuluyan ng tumulo ang mga luha sa pisngi ko. This is too painful than i thought....hindi ko pala kaya. Akala ko kakayanin kong makaharap siya ngayon pero mahirap pala.

Hindi ko pala kayang tuluyang magtanong.....

"My name is victoria." Mariin kong wika habang pa-singhot singhot.

"I know..." napayuko siya.

Natulala ako saglit sa kaniya. Ang lungkot sa mga mata niya ay walang wala sa sakit at lungkot sa unti unting dumudurog sa puso ko.

"I-I need to go...." Nanghihinang wika ko.

Akmang tatayo na ako ng hawakan niya ako sa kamay upang pigilan. Pagod ang mga matang napatingin ako sa kaniya. Lumunok ako para mawala lahat ng nakabara sa lalamunan ko.

"M-May sasabihin ka p-pa? Kasi k-kung wala na...a-aalis nalang ako...."Mahinang sabi ko sabay bawi ng kamay ko sa kaniya.

This is really wrong.....

Hinihiling ko nalang na sana ay walang makakita sa amin o makapansin na kilala namin. Ayoko na ulit gumulo. Ayos na ako sa buhay ko ngayon kesa noon.

"I-I'm...." Nag-angat siya ng tingin sa'kin. Umawang ang labi niya at puno ng pagsisisi ang mga mata. "I-I'm still inlove w-with....you," He said.

Napasinghap ako at natatarantang tumayo. NO! Magugulo lang ang lahat kung ipagpapatuloy ko pa itong makikipag-usap sa kaniya.

I had enough! Ayoko nang umasa tulad noon. Alam kong walang mapupuntahan itong pagmamahal ko sa kaniya. Hihilain lang ako nito pababa....at worse, baka pati pamilya ko malugmok kasabay ko.

"I-I don't b-believe in you, a-anymore....." matapang kong tugon bago dali daling nag-martsa palabas ng coffee shop.

Sapo sapo ko ang dibdib ko nang makalabas ako ng coffee shop. Ang sakit. Ang sakit sakit.

Humugot ako ng malalim na hininga habang sapo sapo pa rin ang naninikip na dibdib. Nahihirapan akong huminga. Parang pinipiga at dinudurog ng pinong pino ang puso ko.

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now