"Nagaalala nga ako. Minsa nga ayoko na lang malaman niya kung sino ang pumatay kay Sachi..." malungkot na sabi ni Lance sa akin.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Pagod siyang ngumiti sa akin. "Ang sabi kasi niya sa akin, sa oras na mapagbayad niya ang totoong pumatay dito at makapaghiganti siya, wala ng rason para mabuhay siya, wala na si Sachi kaya para saan pa daw kung mabubuhay siya" patuloy na kwento ni Lance sa akin. Kita kong importante din si Piero para sa kanya, halata naman kasing hindi lang sila basta magkaibigan, para na din silang magkapatid.

"Ganuon niya kamahal si Sachi? Para isipin niya na wala na siyang rason para mabuhay sa mundo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Napatango tango si Lance. "Sachi is Piero's Great love" sabi pa niya kaya naman napaiwas na lamang ako ng tingin.

Hindi lumabas si Piero sa kanyang kwarto. Kaya nga kahit nung kumain kami ni Lance ng hapunan ay kaming dalawa lang. Pasado alas dose ng madaling araw ng ginising ako ni Lance mula sa pagkatulog.

"Babalik na kayo sa Condo, babalik naman ako ng bulacan" sabi niya sa akim kaya naman napakisot ako ng aking mata.

"Si Piero?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa labas na" turo niya sa akin.

Kaagad kong inayos ang sarili ko bago ako lumabas. Kagaya kanina pagdating namin ay seryoso pa din ang mukha nito, tahimik at halatang walang balak na makipagusap.

"Una na ako!" Paalam ni Lance sa amin ng masigurado niyang naisara na niya ng mabuti ang bahay.

Tinanguan lamang siya ni Piero bago ito pumasok sa sariling sasakyan. "Sumakay ka na" tamad na utos nito sa akin kaya naman kaagad kong sinunod iyon.

Ni hindi ko siya magawang lingonin habang nasa byahe kami. Tahimik sa labas, wala na halos traffic at iilang sasakyan na lamang din ang makikita sa kalsada.

"Kailan darating sina Doctor Vicente dito sa pilipinas?" Pagbasag na tanong niya sa aming katahimikan.

"Hindi ko alam, wala namang sinabi sa akin si Papa nung huli naming paguusap" malumanay na sagot ko sa kanya.

Napangisi si Piero. "So you talked, binalaan mo ba siya sa gagawin ko sa oras na magkita kami?" Panghahamon niya sa akin.

Mabilis akong napailing. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon sa kanya. Magbabayad naman kami pag nagkapera na kami" paninigurado ko pa dito.

Sandali niya akong nilingon bago niya muling itinuon ang atensyon sa kalsada. "Depende sa makukuha ko sa kanya" seryosong sagot niya sa akin.

Muli kong pinagmasdan si Piero kasabay ng pagalala ko sa sinabi ni Lance kanina. Gusto na niyang mamatay, para makasama na si Sachi. Hindi ko akalain na ganuon ka grabe magmahal ang isang katulad ni Piero gayong ang tingin ng lahat sa kanyang ay walang puso.

Kaagad akong tumawag kay Papa ng sumunod na araw. Nakakuha ako ng tiempo ng umalis si Piero. Muli akong nagtungo sa may payphone. Pagkatapos ng ilang ring ay kaagad na may sumagot ng tawag, pero nabigo ako ng hindi iyon si Papa.

"Wesley?" Tanong ko sa sumagot sa kabilang linya.

"Amaryllis, Love ikaw ba yan?" Masayang tanong nito mula sa kabilang linya.

Mariin akong napapikit dahil sa tuloy tuloy na pagsasalita nito. Ni hindi ako makasingit dahil paulit ulit lang din ang sinsabi nito. "Bumalik ka na dito" pakiusap pa niya sa akin.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now