MGD 44 - Ceremonial Farewell

Start from the beginning
                                    

Bumukas ang pinto at dumating ang babaeng mahal ko, kaagad ko s'yang tinulungan sa mga buhat buhat n'ya. "I miss you.." bulong ko sa kanya at mas niyakap n'ya ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung anong pinakain n'ya sa akin at lubos lubos na minahal ko s'ya.

"Clingy mo ah?" puna n'ya sa akin at ngumiti. Sabay kaming nagpunta sa tabi ni Trish. Pareho namin s'yang pinagmasdan.

"Best friend naman.." she sighed. Alam kong nasasaktan ang girlfriend ko dahil na rin sa kalagayan ng best friend n'ya. "Umiiyak ka na naman?" tanong n'ya at pinahid ang stain ng luha nito.

Kanina, nabanggit ni Dominique na may isinagawang test ang mga doctor simula kagabi at kinakabahan kaming lahat sa resulta.

Nanatili s'yang nakatahimik at nakatikom ang bibig, "Bakit ayaw mong kausapin kami?" tanong ko at umiling lang s'ya sinabi ko.

Bumukas ang pinto at dumating ang dalawang doctor, "Hi, Mr. And Mrs. ...?" pagbati sa amin ng doctor.

"Gonzales po." nakita ko ang pamumula ng mukha ni Stephanie dahil sa sagot ko. Alam kong hilig n'ya ang mag-ingay, ang tumili at humiyaw pero hindi n'ya magawa iyon dahil mas nangingibabaw pa rin ang lungkot. "Bakit po?" magalang na tanong ko.

Sumeryoso ang tingin n'ya sa amin habang binuklat ang isang folder. Sinen'yasan n'ya kami na lumayo kay Trish.

"The patient is undergoing the condition of Aphasia.." he said at nanatili kaming nakatahimik dahil hindi namin alam kung ano ang bagay na iyon, "..this is a communication disorder that results from a damage or injury to the language part of the brain.." pagpapatuloy n'ya.

"Kaya hindi s'ya nakakapagsalita?" tanong ni Steph at tumango silang dalawa. "Pero wala naman sira sa utak 'yung kaibigan namin ah?" tanong n'ya ng deretso at tinakpan ko ang bibig n'ya.

"Mrs. Gonzales.." bati ng doktor ay napanganga na naman s'ya. Ang sarap pakinggan, "...aphasia is caused by a stroke, a brain injury, brain tumor, brain infection or dementia.."

"So anong cause ng sa kaibigan ko?" tanong ko.

"On her case, the patient is undergoing a traumatic brain injury.." he said, "... it is caused by a blow or other traumatic injury to the head or the body.."

"Sa kaso ng pasyente, ito ang nangyari sa kanya. Ang nag-trigger sa sakit n'ya ay 'yung violence which cause the traumatic brain injury. Masyado s'yang natrauma dahil sa mga nangyari sa kanya. About 20% of traumatic brain injury is cause by violence." he explained, "Tho, hindi naman malala ang sakit n'ya. Aphasia was catergorized to 5 categories; expressive, receptive, anomic, global and primary progressive. On her case, she is undergoing to a expressive aphasia."

"Hindi madigest ng brain cells ko, doc." sabi ni Stephanie, "So, masyado s'yang natrauma kaya nagkaroon s'ya ng sakit?" tumango ang doktor sa sinabi n'ya.

"She knows what she wants to say yet she has difficulty on communicating others." the doctor explained, "That's the condition of having an expressive aphasia." napatango na lang ako habang pinagmamasdan na natutulog s'ya.

"Sinabayan pa ng grief ang sakit n'ya, masyadong depressed ang pasyente dahil sa pagkawala ng kapatid n'ya. Hindi natin alam kung kailan s'ya makakapagsalita dahil nasa sa kanya na iyon." Iniwan kami ng dalawang doktor at bumalik kami sa pagkakaupo sa tabi n'ya.

"I think, mas makakatulong kung isama natin s'ya mamaya?" tanong sa akin ni Stephanie, ang tinutukoy n'ya 'yung libing ni Tristan.

"Baka mas lalong makasama sa lagay n'ya?" tanong ko ng may pag-aalala.

"It will help her to adjust." she said.

Hinintay naming magising si Trish, halos humupa na ang mga sugat sa kanyang mukha, mga galos sa braso pero hindi pa rin huhupa ang kalungkutan n'ya.

"May pupuntuhan tayo." mahinahong sabi ni Stephanie sa kanya. Tumingin s'ya sa amin ng walang kaemo-emosyon. Kanina noong natutulog s'ya ay tinanong namin ang doktor kung pwede na s'yang ilabas, pumayag naman ito dahil mabuti na rin ang lagay n'ya.

"Pupuntahan natin si Tristan." pagkabanggit ko sa pangalan na iyon ay dahan dahan s'yang umupo sa kama n'ya. Hinawakan n'ya bigla ang kamay ni Steph at itinuro ang suot n'yang hospital gown.

"Mabuti pa at palitan mo na s'ya ng damit para makapunta na tayo kay Tristan." sabi ko at lumabas na ako ng kwarto.

Bumukas bigla ang pinto at iniluwa niyo si Steph at Trish, pareho silang nakaitim na damit.

Tahimik kami na sumakay sa kotse ko, nasa back seat si Trish. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ni Trish sa mga oras na iyon, blako pa rin ang ekspresyon n'ya habang nakatingin sa bintana.

"Sigurado ka bang okay lang s'ya?" bulong ko kay Steph na nasa tabi ko.

"I hope she will be fine. Mas maganda ng gawin ito kaysa naman nandoon lang s'ya sa hospital, at least makita n'ya si Tristan kahit sa huling sandali man lang." tumango na lang ako sa sinabi n'ya at inihinto ko ang kotse sa harap ng isang simbahan.

Maraming tao sa labas ng simbahan at halos nakaputi lahat ng kalalakihan habang nakaitim ang lahat ng babae. "Trish..." napahawak s'ya ng mahigpit sa braso ko habang inaalalayan s'ya sa paglabas. "Okay ka lang ba?" tanong ko at pinilit n'yang tumango. "Tara na?" tumango s'ya sa sinabi ko at naglakad na kami papunta sa loob.

Bawat hakbang namin ay mas humihigpit ang hawak n'ya, para bang gusto n'yang sabihin na huwag s'yang iiwan dahil hindi n'ya kakayanin.

Nakatingin sa amin ang mga tao sa simbahan. Lahat siguro sila ay alam na ang nangyari. Mga tingin na nakakaawa ang binibigay nila. Siguro kung 'yung dating Trish ito ay magmamaldita s'ya dahil naiinis s'ya sa mga tingin nito. Pero iba ngayon, habang papalapit kami sa kinaroroonan ni Tristan ay hindi na napigilan ni Trish na hindi umiyak.

"Trish.." banggit ko sa pangalan n'ya. Sobrang awang awa na ako sa kalagayan n'ya, hindi ko alam kung ano ang makakapagpagaan sa loob n'ya.

Lumapit ang papa n'ya sa amin at inalalayan si Trish. Naiwan kami sa likod nila. Napagdesisyunan na lang namin na sundan na lang sila.

Tatlong hakbang na lang mula sa puting kabaong ay huminto si Trish sa paglalakad. Kaagad namang tinanong ni Tito King ang anak n'ya, "Kanina ka pa hinihintay ng kapatid mo." sabi n'ya. Alam ko na malapit ng maiyak si Tito pero pinipigilan n'yang gawin ang bagay na iyon. "Baka magtampo na si Tristan dahil ngayon mo lang s'ya dinalaw." dagdag pa nito.

Humakbang muli s'ya at ramdam mo ang bawat bigat sa paghinga n'ya, noong nasulyapan n'ya ang payapang mukha ni Tristan ay humagulgol s'ya sa dibdib ng papa n'ya. Patuloy s'ya sa pag-iyak at halos lumuha ang mga taong nakasaksi sa pag-iyak n'ya. Halos lahat ay nadala sa pinakita n'ya.

Alam kong marami s'yang gustong sabihin pero hindi n'ya magawa. "Everything will be fin—" pag-aamo ni Tito until Trish fainted.

******
RIP Tristan.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now