MGD 44 - Ceremonial Farewell

Start from the beginning
                                    

"Trish was with Iana." he said at kumunot ang noo naming lahat, "They betrayed us." he said.

"Sinasabi ko na nga ba e!" gigil na sabi ni Quencess, "Nag-effort pa akong mag-bake ng brownies para bigyan 'yung maldita n'yong kaibigan as peace offering, tapos ganito pa ang eksena?" she uttered.

"Pero nasaan si Terrence?" nakakapagtaka kasi dahil sobrang bilis nilang kumilos kung ganoon. Pero bakit naman gagawin ni Iana ang bagay na iyon? They are friends, right? 

"Look! May nakita akong sulat sa salamin ng kwarto ni Trish!" sigaw ni Kurt sa amin at ipinakita ang phone n'ya. Mas lalong nanindig ang balahibo namin noong nabasa namin, "Terrence has been kidnapped too." he said.

Lahat kami ay nagpapanic dahil sobra naman ang ginawa sa kanila. "Suot ba ni Terrence 'yung wrist watch ng grupo?" tanong n'ya sa amin at nagtinginan kaming lahat. Medyo maayos na ang lagay ni Liam at kasalukuyan s'yang nakaupo.

"Hindi ko alam." sagot ko sa tanong n'ya.

"Oo suot n'ya!" sagot ni Kurt at dumating naman si Tristan. Nakangiti s'ya habang may hawak na isang sobre.

"What happened?" he asked. "Bakit kayo nandito sa bahay namin?" dagdag na tanong n'ya. Sinabi namin na nawawala 'yung kapatid n'ya at 'yung kaibigan namin. Dahil sa nalaman n'ya ay nabitawan n'ya ang hawak n'ya, "Shit naman!" napahawak s'ya sa sintido n'ya.

"If he wore our watch, that means, we could track him. Diba may gps 'yon?" sabi ni Kurt at tumango si Dominique.

Si Quencess ang nag-drive para kay Russel, gamit gamit nila ang kotse ko habang kami naman ay nasa kotse ni Tristan. Hindi kami mapakali dahil hindi namin alam kung anong posibleng mangyari sa kanila.

Noong malapit na kami sa pulang marka sa screen ay napahinto kami sa isang gubat. Halos madilim na ang langit at talagang nakakatakot ang paligid. Tinawagan ko rin si Steph kanina at sinabing magpadala ng pulis kung saan kami ngayon.

"Maghiwa-hiwalay tayo." sabi ni Tristan sa amin, biglang nawala 'yung signal sa sa watch ni Terrence kaya mas lalo kaming naalarma. "Mas maganda kapag nakakalat tayo, mas madali natin silang makikita." payo n'ya at tumango kaming lahat.

Iyon ang huling sinabi sa amin ni Tristan bago s'ya namatay. Then the rest was history. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na s'ya. Kitang kita ko kung paano n'ya minahal 'yung kapatid n'ya.

Habang naglalakad ako sa hallway ng ospital bitbit ang isang basket ng mga prutas ay hindi ko magawang ngumiti. Siguro, hirap na hirap na si Master ngayon. Kung ako siguro ang nasa kalagayan n'ya ay hindi ko siguro kakayanin. Lalaki ako pero hindi ako kasing lakas n'ya.

Noong binuksan ko na ang door knob ng kwarto ay nakita ko s'ya na nakahiga habang nakatulala sa kisame, umiiyak na naman s'ya.

Napailing na lang ako habang nilapag ang basket sa tabi n'ya, "Kamusta ka na?" umupo ako sa tabi n'ya. Nasa kwarto ni Trish si Dominique na nakaupo sa isang sulok. Parating na rin si Stephanie maya maya. Habang si Tito King naman ay nasa bahay nila mamaya na kasi ang burial ni Tristan.

Hindi s'ya sumagot sa tanong ko, "Alam kong namimiss mo s'ya. Ganoon rin kami, master." malungkot na sabi ko. Hinawakan ko ang kamay n'ya pero nanatili s'yang nakatitig sa kisame. "Hindi matutuwa si Tristan sa ginagawa mo. Diba malakas ka?" sabi ko sa kanya. "Everything will be alright." tumayo ako sa pagkakaupo ko at tumabi kay Dominique.

"Umuwi ka muna, bro. Ako muna ang magbabantay." tumango s'ya sa sinabi ko, halos lahat kami ay puyat dahil salit salitan kami sa pagbabantay sa kanya. Minsan, dumadalaw si Tito King dito pero hindi s'ya nagtatagal ng matagal dahil kay Tristan.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now