3: Alter Ego?

38 3 0
                                    

#DobichenCW3



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Deactivate account ⦿

Delete account


With uhog on my face, throbbing chest, and a life-death dilemma, naalala kong nanginginig na pinindot ko ang unang option. Deactivate lang muna.

Temporary pause lang naman e, babalik rin naman kasi ako kapag humupa na ang bangungot. Kapag burado na ang mga alaala nila sa akin at sa nangyaring 'yon - na hindi ko naman entirely fault - oh well, let's not dwell on that. After I reclaim my peace, I swear, I won't make any digital noise or footprint. Sisiguraduhin kong iisipin nilang patay na ako kahit ang totoo, lurker nalang ako.

That's the original plan.

Pero ngayon?

Gusto ko nalang i-delete lahat, pati buong existence ko! Shutangimers!

Flashback 0.05 seconds ago . . .


"Ghost Prince?!" Gulat na bulalas ko.

Kasunod noon ang malakas na singhap ko nang mas nagulat ako sa sariling sinabi. I immediately swatted my mouth with my shaking hands, kasunod ang mariin kong pagpikit at pag-iiwas ng tingin.

Nakakahiya kang babae ka, Sienna!

Braincells, dali! Mag-isip ka agad ng plano para takasan 'tong kahihiyan na ginawa mo.

Ano bang pwedeng gawin?

(1) Himatayin sa harap niya. Kung hihimatayin ako, no choice siya kundi kalimutan ang sinabi ko at humingi ng tulong, kaya magkakagulo ang buong barangay dahil ang Babae Galing Maynila ay hinimatay sa tapat ng mansion ng Brgy. Ferreras' celebrity family - teka wait! Pinapalala ko lang ang issue plus, pag-uusapan pa 'ko lalo.

Erase, erase!

Ano ba . . . (2) Mag baliw-baliwan? (3) Kunwari may kausap na 'di ko nakikita? (3) Mag-twerk?

Halos ipukpok ko ang dalang Pyrex sa noo nang maubusan ako ng idea. Buti nalang lahat ng mental turmoil na 'to ay 2 minutes nang nakakalipas sa loob ng isip ko at 0.0001 second naman sa totoong timeframe.

Nakita ko kung paano niya tinagilid ang ulo while intently staring at me as if he's listening kahit wala naman akong binabanggit na kung ano. Ilang sandali pa, he rested his side sa gilid ng kanilang gate, humalukipkip at inayos ang itim na thick-framed glasses niya. Bahagya siyang yumuko at dinala ang kamay papalapit sa kanyang labi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cerulean WindWhere stories live. Discover now