Pasensya na, Señor Aurelius, ngunit hindi magiging tama na magustuhan ang isang katulad ko. At hindi rin tama na magkakagusto ako sa iyo.

Kinabukasan, nagising akong namumugto ang mga mata. Hindi ako nakatulog nang maayos buong gabi dahil hindi pa rin nawala sa aking isip ang nangyari kahapon at noong nakaraang mga araw.

"Ang ganda niyo naman po, Señorita!" puri ni Marisol, isa siya sa mga katulong na tinulungan akong mag-ayos para sa okasyong ito.

Alas singko magsisimula ang kaganapan kung kaya't alas kuwatro pa lamang ay handa na ako. Sinigurado ko talagang matatakpan ng kolorete sa mukha ang namumugto kong mata. Mahaba na ang aking pilik mata kaya hindi na gaano ito pinag-aksaya ng panahon, mas naging depina naman ang aking kilay dahil sa inilgay rito.

Naging kulay rosas rin ang aking pisngi dahil sa kolorete pati na rin ang aking mga labi. Kaunti lamang ang nilagay rito dahil natural na kulay rosas ang mga labi ko.

Maayos na nakatirintas ang mahaba kong buhok sa likuran at kinulot pa ito sa dulo.

"Iiipit po ba itong aksesorya sa iyong buhok?" nilabas ni Marisol ang binili kong aksesorya na kasama na rin sa aking suot.

"Sí, siguraduhin mong nasa pinakataas iyan upang makita ng lahat..." tumango naman si Marisol at dahan-dahang isinabit iyon sa aking buhok. Inilagay niya iyon sa pinakagitna kung nasaan madaling makita ng lahat.

Sinuot ko na naman ang kuwintas, na siyang pinakahuling alahas na isusuot ko.

"Ang ganda niyo po, Señorita! Mukha po kayong reyna ng Espanya!" pambobola pa ni Marisol kung kaya't sabay naman kaming tumawa.

Pinagmasdan ko ang aking itsura, mas mabigyang-diin ang aking leeg kaya nakakaagaw-pansin ang malaking kuwintas na kulay pilak. Kumikinang rin ang ibang alahas na suot ko.

"Hawakan niyong mabuti iyan! Naku, papagalitan tayo ni Señorita Estefania kapag malukot iyan kahit kakaunti lamang!" narinig kong suway ni Marisol sa dalawang katulong na inilabas ang aking isusuot. Sobrang laki niyon kaya medyo nahihirapan itong dalhin ng aking mga katulong.

"Halika na, Señorita, isusuot na po natin ito sa iya..." aya pa ng isa sa mga katulong ko kung kaya't tumayo na ako at lumapit sa kanila.

Pinasuot nila iyon sa akin mula sa ibaba kung kaya't kinuha ko ang magkabilang gilid nito at itinaas iyon nang makapwesto ako sa gitna nito.

Tinulungan naman ako ng aking mga katulong at dahan-dahan iyong ginawa upang hindi masira ang aking buhok at kolorete na inilagay sa mukha.

"Napakaganda!" sabay-sabay nilang sabi nang maayos ko na ngang naisuot iyon. Umikot-ikot pa ako, mabuti nalang at mataas ang heels na suot ko!

Naalala ko pang nahirapan ako sa pagsasanay na suotin iyon sa nakaraang tatlong araw mag-isa rito sa kwarto. Ilang beses pa akong natapilok at natumba nang nahihirapan akong maglakad. Mabuti nalang at mukhang nasanay na ako pagkasuot ko kaninang umaga. Muntik na sana akong sumuko at balak na sanang bakya nalang ang susuotin.

Matangkad na ako kung kaya't mas lalo lang akong tumangkad dahil sa aking suot. Nakita kong muli ang aking repleksiyon sa salamin. ¡Me veo jodidamente hermosa!

Aking Gunita (Book 1 of Reincarnation Duology)Место, где живут истории. Откройте их для себя