Kabanata 8

260 23 1
                                    

Kabanata 8

"Hindi mo pa ba nahahalata? Gusto kita, Estefania!"

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. A-ano raw? Gusto niya ako? ¡Imposible!

"Huwag mo akong lokohin. Hindi dapat basta-basta sinasabi ang katagang iyan," pinatili ko pa ring malamig ang aking boses. "Noong isang linggo palang tayo nagkakakilala. Impossibleng gusto mo na kaagad ako sa maikling panahon na iyon."

Nagpumiglas ako upang bitawan niya ang aking kamay ngunit nagmamatigas siya at mas hinigpitan lang ang hawak sa akin.

"Nasusukat na pala sa araw kung paano mo magustuhan ang isang tao," puno ng bigo ang kaniyang boses. "Hindi ba dapat binabase mo ito sa iyong naramdaman at hindi sa kung ilang araw kayong magkasama?"

Iniwas ko ang aking tingin. Isang pagkakamali ito—ang lahat ng 'to.

"Kalimutan mo na kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin, kahit totoo pa iyan o hindi."

Alam kong sa nagdaang mga araw ay tila ba parang napakadali ko lang madala sa pusok, hindi ko na hahayaang madala niya ako sa ganito.

Importante sa akin ang mga katagang iyan at kung madali lang para sa kaniya ang sabihin iyan ay hindi niya pinapahalagahan ang ganoong klaseng mga salita.

Hindi ka dapat nagsasabing gusto o mahal mo ang isang tao kung hindi naman pala totoo ang iyong nararamdaman. Hindi ito ordinaryong salita lamang na pupwede mong sabihin dahil gusto mo lang.

Ano ba ang gusto niya? Gusto niya bang mahulog ang loob ko sa kaniya kaya kung anu-ano nalang ang lumalabas sa kaniyang bibig?

"Estefania, wait..." Mabilis na akong umalis at hindi na siya hinayaan pang sumunod sa akin. Pumunta ako sa pinakamalapit na pinto, sa may bandang kusina. "Estefania!"

Nilingon ko siya ulit, umaasang sa huling pagkakataon na ito.

"Hindi ako isang puta, Señor, na pwede mong paglaruan ayon sa iyong gusto," mahinahong boses ang iginamit ko. "Kung sinasabi mo lang na gusto mo ako upang makuha ang aking loob ay nagkakamali ka."

Akmang magsasalita na siya ngunit pinigilan ko siya gamit ang pagtaas ng aking hintuturo, senyales na tumahimik siya. Ako lamang ang magsasalita rito.

"Ikinagagalak kong makilala ka, Señor Aurelius, sa kabila ng ating masamang simula. Ngunit tama na ang saya. Mas mabuti pang hindi na tayo magkita pang muli..." tumalikod na ako at pumasok sa kusina.

Agad kong sinarado ang pinto upang hindi na siya sumunod.

Dahan-dahan akong umakyat sa aking kwarto, hindi alam ni kuya na lumabas ako kaya todo ingat ako ngayon. Nakarating naman ako sa aking kwarto nang hindi siya nakikita, mukhang umalis siya kahit pa takipsilim na.

Napasandal ako sa aking pinto nang sinarado ko iyon. Hinawakan ko ulit ang aking dibdib, kanina pa malakas ang tibok nito.

Alam kong hindi tama ang ginawa ni Señor Aurelius ngunit hindi ko naman intensyon na pagtulakan siya at sabihing ayaw kong makita siyang muli.

Hindi ko inaaasahang sasabihin ko iyon. Mukhang natakot ako sa banta ni kuya na hindi na niya ulit ako palalabasin ng bahay kung patuloy kaming magkikita ng gobernador-heneral.

Aking Gunita (Book 1 of Reincarnation Duology)Where stories live. Discover now