• Last Chapter •

3.1K 104 203
                                    

Last Chapter

Hiraya Akemi Saito

"In the name of the father..." simula ni Phoebe. Nandito kami ngayong dalawa sa stage. Bigla na lang kaming hinatak ni Sister Lourdes upang mag-lead ng rosary. Siya sa first, third at fifth mystery, at ako naman sa second and fourth.

Sa totoo lang, ayokong mag-lead ng rosary kaso parang ang samang tingnan na tinatanggihan ko ang pagdadasal. Sino ba namang hindi magba-back out kung ikaw ang magli-lead ng rosary sa harap ng lahat ng mga estudyante dito sa Saint Francis!

"Hail Mary full of grace the Lord is with you..." dasal ni Phoebe. Nasa tabi niya lang ako habang hindi pa ako ang may hawak ng microphone.

"Holy Mary, mother of God..." sagot naman ng libo-libong estudyante.

"Amen!"

Halos lahat ay napatingin sa malakas na sumigaw ng amen. Napa-iling na lang ako sa loob loob ko nang makita kong si Greg at Alfie 'yon. Medyo malapit sila sa stage kaya kitang-kita ko na nagpipigil sila ng tawa. Wala talagang pinipiling oras mga kalokohan nila. Tsk.

Nang matapos ang rosary, nagbalikan na sa kanya kanyang room ang mga estudyante habang ipinatawag naman si Alfie at Greg sa office ni Sister Lourdes. Buti nga sa kanila.

"Sikat na kayo ah. Leader ng rosary. Naks," asar ni Yuan nang makarating na kami ni Phoebe sa room.

Dito kasi parang isang malaking karangalan na ikaw ang mag-lead ng rosary. Ikaw ba naman ang mapili na iharap sa lahat ng Franciscans, edi kitang-kita ang pagmumukha mo.

"Ka-level na ni Precilla ah," sabi naman ni Felix. Si Precilla iyong freshmen representative. Madalas na mag-rosary ay ang mga kasama sa Student Council. Hindi ko alam ano ang trip ni Sister Lourdes at kami ni Phoebe napili niya.

"Whatever," irap ko at umupo na.

Ilang minuto pa nagsigawan na sila nang dumating si Greg. Tawa lang sila nang tawa. Ano'ng nakakatawa 'dun? Nagdadasal kanina tapos puro siya kalokohan? Katawa-tawa ba 'yun?

"Gago, dude. Si Alfie 'yon, hindi ako," rinig kong boses niya.

Ugh, so annoying.

"It's not even funny, Greg," sabi ko nang hindi ko na napigilan. Tawa kasi sila nang tawa. Napatingin silang lahat sa akin. Siguro sa isip nila ang KJ ko. Whatever, I don't care naman about them. "You think it's funny? Nagdadasal kanina. Hindi ba dapat ang focus natin sa Diyos? Praying is a sacred thing. You're very disrespectful and it's not something to be made fun of."

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Hindi malaman kung ma-ooffend ba siya or what. Pero isa lang ang alam ko, ngayon lang siguro may nagtama sa mga maling ginagawa niya. Spoiled brat. Mayaman, e. Sikat pa dito sa campus. Ano ba ang akala niya? Na batas siya dito? Mukha niya. I've known him for a long time at isa lang ang sigurado ako: annoying siya.

"Share mo lang?" tanong niya.

Hindi ko na napigilan, ibinato ko sa kanya ang binder ko. Tamang sagot ba 'yun? Ang dami kong sinabi tapos sasabihin niya kung share ko lang?!

"Oo, share ko lang!" sigaw ko.

Natahimik na ang mga ka-block namin dahil anytime mukhang magkaka-world war three na dito sa block namin. Nakita ko si Greg na nakahawak na ngayon sa ulo niya. May maliit na sugat sa noo niya dahil sa tama ng binder. Buti nga sa kanya!

"Aray, ha! Masakit 'yun ah!" react niya.

"Share mo lang?" sagot ko pabalik.

"Burn!" sabi ni Chiro. Nagtawanan lang sila habang ako badtrip na buong klase namin.

'Di MatanawWhere stories live. Discover now