Suddenly, Anda grinned wide. "Hayy! Iba talaga ang kamandag mo, Paris," sabi niya bago tumawa. Bahagyang napakunot ang noo ko dahil sa pagkakalito. I didn't get what she said. In the end, I just ignored it. Sakto rin naman kasing nakita ko na si Ezzio sa ibaba ng bleachers.

Nakasuot na siya ng jersey. 'Yon nga lang, pang-basketball ang suot niya. Naka-basketball shoes din siya. May sweatband siya sa ulo, para siguro hindi maging sagabal ang buhok niya kapag naglalaro at para na rin hindi masyadong mapawisan ang noo niya. It pushed his hair back kaya naman kitang-kita ang kabuuan ng mukha niya. Everything about him seemed new to me. Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng basketball jersey. Ngayon ko lang rin nakitang hindi tinatakpan ng buhok ang kaunting parte ng noo niya. But he still looked great, nevertheless.

Naramdaman ko ang pag-init ng magkibala kong pisngi nang makitang suot-suot niya pa rin ang hemp bracelet na binigay ko. Pwede namang huwag niya muna 'yong isuot!

Suddenly, he turned his head to my direction. I blinked when our eyes met. Kagat-kagat niya ang ibabang labi nang tumingin sa'kin. He stopped biting his lip ang smiled. Mas uminit lang ang pisngi ko nang kumindat siya.

"Ayayay," napabaling ako kay Sam at nakitang umiiling-iling ito habang nakatingin rin kay Ezzio. "Z Martinez is whipped, Anda."

"Ha?" tanong ni Anda, hindi naiintindihan ang biglang pagtawag ni Sam sa pangalan niya. Masyado kasi siyang abala sa pagre-retouch ng makeup, habang ako naman ay klarong klaro ang pagkakarinig sa sinabi ng babae.

"Tsk! Sabi ko ang ganda mo, Anda!" umiirap na sagot ni Sam. Anda flipped her hair.

"I know! Kaya nga 'Anda' ang name ko, 'di ba? Kasi it sounds like 'Ganda'!" she jokingly replied. Lumabas pa ang pagka-conyo niya kaya napatawa na rin lang kami ni Sam.

It didn't take long when I finally saw King down the other side of the court. Doon na ako sinimulang kabahan dahil mukhang wala na talagang makakapigil sa kanila. Pareho silang desidido na gawin ang laro.

Iilan lang ang nandito para manood. Halos barkada at kakilala lang nilang dalawa. I swallowed hard upon seeing the two of them meet at the center circle of the court. Base sa nakikita ko, mukhang nag-uusap sila. King was wearing their team's jersey. Ang bola ay nakaipit sa palapulsuhan at sa balakang niya. Halos parehas lang sila ng height. Mas matangkad nga lang si Ezzio ng konti. I found it weird seeing the two of them together.

Hindi pa man nagsisimula ay todo cheer na sina Sam. Sinisigaw na nila ang pangalan ni Ezzio. Pero sa ibang parte ng bleachers, may mga babae rin na nagchi-cheer na para kay King. Ang mga lalaki naman ay tahimik lang at tinitingnan kong ano ang mangyayari. I did the same. Kalmado lang akong nakatingin pero ang totoo, kabado na ako para sa isa roon.

Lecheng Ezzio! Ba't pa kasi nag aya!

Nagulat ako nang ibinigay ni King kay Z ang bola. Tinanggap niya 'yon bago naglakad papunta sa free-throw line. He stopped right there and made the ball bounce on the floor and back to his hand. He did that for a couple of seconds before positioning himself to shoot. Doon ko lang naintindihan. Ganyan nila balak simulan ang laro. Kung maka-shoot si Ezzio, sa kanya ang bola. Kung hindi naman, kay King 'yon mapupunta.

Pigil hininga akong naghintay na magshoot siya. At nang ginawa niya na, napasok nga ang bola sa ring!

"Nice one!" sigaw ni Anda.

That's how the whole thing started. Sinimulan nang dumipensa ni King, pinipigilan si Z na makashoot ulit. Naibsan ang kaba ko pero may konti pa ring natitira dahil sa galaw pa lang, mukhang alam na alam talaga ni King ang ginagawa niya at halatang bihasa siya sa laro. Hindi mapagkakailang napakalaki ng advantage niya.

Head Over Heels For Ezzio (Villaverde Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora