CHAPTER 13 ~ Ice + Hinimatay = ? ~

Magsimula sa umpisa
                                    

"Baka alien nga yon!"-ice

"S-Sus...wag ka ngang nagbibiro ng ganiyan sumbong kita kay Autumn eh."

Mahinang tumawa ako sa sinabi ni Wynd...parang bigla siyang natakot. Tsk tsk...good luck talaga samin ni Autumn. Mukang pareho kaming napunta sa isa sa mga eccentric na tao sa BHO.

Speaking of that...si Mommy nga ang haba ng pasensiya kay Daddy. Siguro dahil mapagpasensiya talaga si Mommy..eh ako mainitin ang ulo ko.

"At saka pano naman papasok yon dito? wala yan!"-wynd

"Pano kung sakay sila ng UFO! tulungan mo ko! hindi nila pwedeng dalin si Summer sa Moon!"

"Kung sana sa moon lang yon eh plano kung sa pluto. Sabhin natin kay Papa dali baka alam niya kung saan pwedeng sumakay papunta sa pluto."

Hinilot ko yung sentido ko. Ang sakit nila sa ulong magkapatid. Puro kalokohan lang ata ang pumapasok sa utak nila..minsan naiisip ko..

Hindi kaya nagkapalit kami ng mga magulang? Para akong si Tito Pj...sila naman aprang si Daddy. Kung hindi lang ako late ipinanganak iisipin ko talagang may palitan na naganap.

Prenteng umupo ako don sa sanga na kinauupuan ko. Nakatingin lang ako sa itaas ng puno dahil wala talaga akong planong bumaba..

tinatamad ako.

Ano kayang gagawin ni daddy kapag nakita niya ako dito?

...

...

Shit!

Oo ng apala si Daddy. Baka mapagalitan ako non...minsan ko lang silang bigyan ng sakit ng ulo. Bihirang-bihira. At saka ayokong maging pasaway sa kanila...si Ice lang ang gusto kong inisin.

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon