Clara's POV
lumipas na ang ilang linggo at nailibing na rin si Deimos, sa mga panahong iyon hindi umalis si Camille sa tabi niya at kami naman andito kami para pagaanin ang kanyang loob
walang ibang ginawa si Camille kung hindi ang umiyak, gigising siya at iiyak at iiyak siya para matulog
hindi niya rin kinakain ang mga pagkain na binibigay namin sa kanya
minsan magigising na lang daw si tito na wala si Camille sa kwarto niya
alalang alala na rin ang nanay niya at si Amanda kaya minabuti na muna nila na tumira kina tito at hindi naman ito naging problema sa kanila
palaging pumupunta si Camille sa puntod ni Deimos o kung hindi doon ay sa falls or sa park
ngayon ay Dec. 24 at Christmas eve ngayon, andito ako sa kina Camille, dito ako magpapasko, naging close na rin kami ni Amanda, mabait siya gaya ng mommy niya, si Camille naman ay nasa loob lang ng kwarto niya at hindi pa lumalabas
kasalukuyan na naghahanda si tita ng noche buena
"Amanda, hindi pa rin ba nalabas ang ate mo?" tanong ko
"hindi pa... lumabas yan kahapon, pumunta siguro siya puntod ni kuya Deimos... umuwi siya agad pero parang hindi na rin siya galing sa iyak" ang paliwanag niya
"Clara, Amanda tawagin niyo na muna si Camille" utos samin ni tito
agad kaming kumatok sa kwarto ni Camille, hindi niya ito binubuksan pero pagpihit ko ng doorknob ay bukas naman ito, naka harap lang si Camille sa salamin na walang emosyon sa kanyang mukha
"Camille, kakain na daw tayo, bumaba ka na" tawag ko sa kanya
"busog pa ako" paliwanag niya
"anong busog ate, hindi ka nakain, please para sa unang pasko na magkakasama tayo" sabi naman ni Amanda
napabuntong hininga na lang si Camille at sumunod naman sa amin
kumain na lang kami ng noche buena at masaya ang lahat bukod kay Camille
pagka-ubos niya ng pagkain ay umakyat na lang ulit siya nagkatinginan na lang kaming lahat at agad ko siyang sinundan
"Camille" tawag ko sa kanya
"bakit?" tanong niya
"ano yun? hindi pa tapos ang noche buena, naalis ka na?" tanong ko sa kanya
"antok na kasi ako, tutulog na ako" paliwanag niya at hihiga na siya
agad ko siyang nikayap
"Camille alam kong di ka ayos, alam kong nasasaktan ka, pero andito kami, please iiyak mo yan makakatulong yan" sabi ko sa kanya
"ano ba Clara! hahaha hindi naman ako naiiyak, ayos na ko Clara, wag niyo na kong intindihin" sabi niya na tinatagkal ang pagkaka yapos ko sa kanya
"please... kilala kita Camille, alam kong masakit pa, wala namang pumipigil na umiyak ka eh"
"kayo ang mapilit anong i iiyak ko? eh hindi na nga ako naiiyak, ayos lang pati ako, wag niyang na kong intindihin please lang, antok na ko Clara, tutulog na ko" sabi niya at humiga na siya
wala akong nagawa kung hindi pagmasdan na patulog na ang kaibigan ko
pansin ko na suot niya pa rin ang hoodie na pagmamay-ari ni Deimos
alam ko na pinipilit lang ni Camille na maging ayos, pero alam naman ng lahat na hindi siya ayos
nang makita ko si Camille na tulog na ay lumabas na ako sa kwarto niya
YOU ARE READING
The Comeback: Until We Meet Again
Teen FictionSa buhay natin, maraming tao ang dumadaan at umaalis, may ilang nananatili pero kung minsan lilisanin ka pa rin, totoong walang permanente sa mundong ito. Maraming hadlang at balakid sa gusto at pangarap ng isang tao, minsan mapapa ayaw ka na lang a...