Chapter 8

13 4 1
                                    

"Camille!" napa sigaw si Amanda dahil sa pagka out of balance ko

"ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin

hindi ako nakasagot pero nagtititigan lang kami ng babaeng nasa harap ko, ang matagal ko ng hinahanap, ang nanay ko

walang naimik sa aming tatlo at parehas lang silang nakatitig sa akin

bumalik ako sa katinuan makalipas ang ilang segundo

"A-amanda, uuna na muna ako, sumama ang pakiramdam ko, uuwi na muna ako salamat" paalam ko sa kanya

tumakbo ako sa hallway ng ospital kahit nakasuot ako ng heels, wala akong pakialam, hindi ko rin alam kung saan ako dadalhin ng pagtakbo ko

nakalabas na ako ng ospital, sobrang sakit sa puso, matagal kong hinintay ang araw na ito pero bakit kung kailan andito na ko sa sitwasyong ito pinangunahan ako ng galit, nung nakita ko ang mukha niya, kitang kita ko kung gaano siya kagulat na nasa harapan na niya ang bata na iniwan niya para lang sa propesyong tinatahak niya ngayon

pumunta ako sa falls kung saan si Deimos ang nagturo sa akin nito

tanaw na tanaw ko na naman kung gaano kapayapa dito, na kung pagmamasdan mo ito ay tila nakatakas ka sa iyong mga problema

tinagkal ko ang aking pantalon, shirt at heels at ang natira na lang ay aking aking cycling shorts at sando, pumunta ako sa tubig at sinubukan kong umupo sa batuhan kung saan nabagsak ang tubig

ngayon walang makaka alam na umiiyak ako dahil basa rin naman ako, pakiramdam ko, isa na namang dagdag ito sa problema ko, hindi ko alam bakit ba nakita ko pa siya, pero ang mas masakit pa yung nakita na niya yung anak niya na iniwan niya pero nang makita niya ito, wala man lang siyang ginawa kung hindi titigan ako

napaka tagal ko ng hinintay ang pagkakataon na mayakap ang ina ko, pero ang hirap hirap bakit ganito? bakit masakit?

wala na ba akong choice sa buhay?

dapat ba palagi akong nasasaktan?

tanda ko ang lugar na ito, kung saan sinabi sa akin ni Deimos na mahal niya ako, ang lugar kung saan sinabi niya ang sakit niya, na dalawa hanggang limang buwan na lang daw ang itatagal niya pero ngayon 6 na buwan na simula ng isabi niya sa akin yun, may pagkakataon pa kaya para makita ko siya?

this life is a mess, lahat na lang tinarantado ako

umalis ako sa batuhan at tinungo ko ang malalim na parte ng talon

sinubukan kong lunurin ang aking sarili dahil alam ko naman na wala ng pag-asa buhay ko

naka mulat ako sa ilalim ng tubig at nagsisimula ng dumilim ang paningin ko

nang may bumulong sa akin na pamilyar na boses

"pakinggan mo ang ina mo gaya ng pakikinig mo sa papa mo" 

hindi ako nagkakamali pero boses iyon ni Deimos, pinipilit kong umahon pero tila manhid na ang katawan ko at hindi ko matulungan ang sarili ko, ang huli ko na lang na natatandaan ay tuluyan ng nagdilim ang paningin ko

---------

Third Person's POV

nangangahoy ang mag-asawa malapit sa may talon ng may mapansin ang babae sa tubig

"Diyos ko po! Abner! may nakalutang na dalaga sa talon" ang sigaw ng ale

hindi nagdalawang isip ang lalaki na sagipin ang babae at ng maiahon niya ito ay wala itong malay

nilapatan nila ito ng CPR ngunit hindi pa rin nagigising ang babae

"anong gagawin natin Delia?" 

The Comeback: Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now