Chapter 4

24 4 4
                                    

Maagap ako ngayong nagising, bumaba agad ako sa aming kusina at hindi pa ata gising si papa kaya ako ang nagluto ng ulam, nagluto ako ng bacon, ham, egg at friend rice

habang inaayos ko ang hapag kainan nakinig kong pababa na rin si papa ng hagdan

"good morning papa!" sabi ko habang nag aayos

"good morning aking prinsesa" sabi niya

"kain na po tayo papa, nagluto po ako" sabi ko naman at umupo na ako

"aba anak! ang ganda ata ng gising mo" panlolokong sabi ni papa

"syempre papa! ngayon na lang ulit tayo nagkasabay sa breakfast eh, kamusta po sa casa?" tanong ko

"ayun, ang dami kong inaasikasong papers para sa mga bagong kotse ang hirap nung iba at galing pang ibang bansa" sabi ni papa 

"kaya niyo pa po ba pa? magpahinga po muna kayo" ang sabi ko 

"ayos na ayos ako anak para sa kinabukasan mo" sabi niya 

kumain kami ng agahan at nagtanong si papa tungkol sa pageant na sinasalihan ko

"kamusta naman yung pagsali sa pageant?" tanong niya

"ang hirap pa hahahaha, hindi ako sanay mag heels" sabi ko

"kayang kaya mo yan anak, wala sa pamilya na ito ang nasuko sa laban" sabi niya na tila ay nangloloko

"opo pa hahahaha, maghahanda na po muna ako sa pagpasok" sabi ko 

nag ayos na muna ako ngayon at ini handa ang bag ko sa pagpasok, nag start na ang preparation para sa foundation week namin ewan ko ba dito sa school namin kakapasok pa lang foundation week na agad 

nagsuot na lang ako ng high waist pants, color white na crop top and nike airforce 1 ayos lang naman na mag freestyle kasi preparation lang naman 

inihatid ako ni papa sa school and sobrang saya ngayon ng paligid, yung iba nagtatayo ng booths yung iba nagsasabit ng bandiritas, last na taon ko na ito sa school na ito at susulitin ko na

"Camille!" 

napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Clara na naka jeans, oversized t-shirt and white converse, ang ganda talaga ng kaibigan ko

"bakit, ang ingay mo na naman" mahina kong sabi pero sapat na para makinig niya

"naito yung heels oh, tsaka baka mamaya ay wala ako gagawa kasi ng promotion para dito sa foundation week, kailangan ako dun, gusto mo sama ka sakin para di ka mag isa" sabi niya

"wag na nakakahiya naman, sa room na lang ako" sabi ko

"may practice ata kayo bukas para sa pageant, pero pupunta din naman ako sa room mamaya, uuna lang muna ako sa promotion team" paalam niya

"ingat ka ha, bye!" sabi ko sa kanya

"ikaw ang mag-ingat, chat mo na lang ako ha, bye!" sabi niya sabay alis papunta sa room na yun

dumiretso muna ako sa room namin at nag iingay lang sila wala naman atang gawa ngayon

"hi Camille, may pwede ba kaming maitulong sa inyo ni Deimos para sa pageant?" tanong nung president namin na si Mina

"di ko lang alam Mina eh, pero meron kami ngayong handler, siguro yung support sa pinakang pageant hahaha, 10% audience impact din yun eh" sabi ko

"yun lang ba? ang dali lang nun, kayang kaya namin yun HAHAHAHA" sabi niya

"salamat Mina, i a approach ka na lang namin kung ano yung pwede niyong maitulong" sabi ko

nakalipas na ang ilang oras and 10 am na wala pa rin si Deimos na aking ipinagtaka, pumunta na lang ako sa canteen at kumain mag isa

The Comeback: Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now