Chapter 2

23 4 3
                                    

Maagap akong nagising dahil sa sakit ng ulo siguro dahil na rin sa pagpapa ulan ko kagabi

agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bag ko na mula kagabi ay hindi ko pa binuksan. Nakita ko ang maraming messages mula kay Clara na tila ay nag-aaalala

"Camille asan ka na ba, hindi ko na alam isasabi ko kay tito"

"Sinabi ko nag bo bonding tayo kasi ngayon na lang ulit tayo nag kita"

"Umuwi ka na gabing gabi na"

"ang lakas ng ulan, umuwi ka na nga"

hindi ko alam kung anong nangyayari sakin siguro ganon talaga pag nag-mahal ka ng sobra sa isang tao napaka hirap magpa-alam

sobrang sakit ng ulo at nahihilo na rin ako

*tok tok tok*

"pasok pa" 

"anak, anong oras ka na naka uwi, napasarap siguro ang kwentuhan niyo ni Clara ano?" ang tanong saking ni papa

"ahmm.. o-opo pa" sabi ko sa kanya na hindi man lang makatingin sa mata niya kasi mugto ang aking mga mata

"mag agahan ka na anak, luto na ulam" sabi niya sakin habang umupo sa kama ko

"mamaya na po pa, masakit po ang ulo ko" ang sabi ko

"hay nako anak, nagpa ulan ka ano?" lumapit sa akin si papa at tiningnan kung mayroon akong lagnat

"may lagnat ka anak, wag ka na munang pumasok ngayong araw" 

"ayaw ko po pa... papasok po ako, kaya ko naman po" ang sabi ko na hindi pa rin tumitingin kay papa

"ayaw mong papilit eh, sige, basta i text mo ako, pag masama ang pakiramdam mo, aalis na muna ako ha, pupunta na muna ako sa shop, ingat anak" sabi ni papa sakin at tuluyan na siyang umalis sa kwarto ko

pagka labas ni papa tumulo na naman ang mga luha ko sa pag-alala sa nangyari kagabi, pilit kong itinatatak sa isip ko na baka kailangan niya lang ng space or kailangan niya lang ng pahinga. 

kahit sobrang sama na ng pakiramdam ko minabuti ko pa ring pumasok ngayong araw dahil ayaw ko naman na mag mukmok ako sa bahay at umiyak mag hapon, mas maayos na rin na nagiging busy ako para di ko masyadong iniinda yung sakit

pumasok ako sa SMA ng 6:15 am at kaka unti pa lang ang tao na narito, pumunta muna ako sa mini park at umupo ako sa may patio dito, hinang hina na ko dahil sa sama ng pakiramdam pero minabuti ko na umupo muna dito

pagkarating ko sa patio, agad kong kinuha ang cellphone ko at ini text si Drei

"Drei, kausapin mo naman ako"

"mahal na mahal kita, please wag mo akong iwan"

"balik na tayo sa dati please"

"iintindihin kita, wag mo sanang isipin na di kita iintindihin"

naghintay ako ng ilang minuto pero di pa rin talaga nag reply si Andrei, siguro nga tama na hindi na ako magpapaka tanga sa kanya

*kring kring*

agad kong binuksan ang cellphone ko at nakita ko ang text ni Andrei

"Huwag mo ng ipilit pa Camille please, lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo, akala ko ba naniniwala ka na pag wala na, paalam na, please tama na, wag ka na ring pumunta sa bahay, nag desisyon na ako Camille, at yung desisyon na yun papanindigan ko talaga, maging masaya ka sa sarili mo kasi di na ako yung taong magpapasaya sayo, magtiwala ka sakin para ito sa ikabubuti mo Camille, mahal kita kaya ginagawa ko to, nagmamaka awa rin ako sayo na tama na, ayaw ko na eh, buo na yung desisyon ko, sorry pero tapos na tayo"

The Comeback: Until We Meet AgainOnde as histórias ganham vida. Descobre agora