Chapter 25 The Harassment

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ma’am, you’re suppose to say that to them dahil hindi po sila makikinig sa akin dahil isa lang po akong intern, kayo po ang boss nila at makikinig po sila sayo.”

“Ikaw ang may complain sa kanila kaya sa kanila mo yan sabihin.”

“Ma’am, baka naman po hindi rin sila nakikinig sayo kaya ayaw mo silang kausapin. Mawalang galang na po ma’am pero bakit hindi po kayo magstart maging boss. Pumasok po kayo na hindi lasing tapos gawin niyo ang trabaho niyo.”

“Who are you to tell me that?!” sinara niya ang magazine at tinabi ito sa mesa.

“Kung hindi pa ako nagsalita ng ganun sa inyo, sa tingin niyo po ba makikinig kayo sa mga sinasabi ko? Kailangan ko ito for my grade pero kung ganito rin naman po ang trato niyo sa akin, hindi naman po yata tama yun. Sinasabi ko lang po ang gusto kong sabihin kahit medyo hindi maganda sa pandinig niyo pero ang isang kritisismo ay hindi naman kasamaan sa tao, ito ay isang salita na pwedeng tanggapin at gawing instrumento para mapabuti ang ano mang kamalian sa inyong sarili.”

At gusto ko mag thank you sa Famas, pati na rin kay Kuya Germs at kay Dra. Vicky Belo.

“Okey, get out of my office at maghanap ka na rin ng ibang pwede mong ma-ojt.”

Patay!

“I understand ma’am.”

Lumabas na ako ng office at pumunta sa table ko para ayusin ang aking gamit at napansin ko ang tambak na papel na kailangan i-xerox.

Di ba pinapalayas na ako? Kailangan pa bang gawin toh?

Ginawa ko na lang and I decided na tapusin na lang lahat ng trabaho ko ngayon at bukas baka hindi na ako pumasok at maghanap na lang ng ibang internship na mapapasukan.

“What happened?” tanong ni Portia ng makausap ko siya sa phone during lunchbreak habang nakaupo ako sa aking desk table.

“Pinaalis na ako eh, maghahanap na lang ako ng ibang mao-ojtihan.”

“Pero Conrad! Yan ang kompanyang renefer ng school kung aalis ka diyan baka ikasira ng grade mo.”

“Nakausap ko kanina ang boss, at pinalayas niya na ako.”

“Ano bang ginawa mo?”

“Sinabi ko lang naman ang complain ko na bullying at sexual harassment ang ginagawa sa akin ng employees niya. I even warned her na Idedemanda ko sila.”

“Why did you say that? Alam mo bang intern ka lang?”

“But what am I supposed to do? Maging kampante sa paghawak  nila sa pwet ko? It is sexual harassment and it is illegal. I can sue them in federal court, supreme court, tennis court, basketball court and Victoria court! Kung pababayaan ko lang na gawin nila toh sa akin, wala na akong dangal! Paano kung hindi na pwet ang hawakan nila at yung sa harap ko na?”

“Eh di ipahawak mo, hawak lang naman eh!”

“Alam mo ikaw imbes na kumampi ka sa akin parang sila pa ang kinakampihan mo eh! What if hinawakan ng isang lalaki ang boobs mo! Anong gagawin mo?”

“It depends on how they touch it!”

“Portia!”

“Joke lang! Syempre magagalit ako! Kaso iba ka naman eh! Lalaki ka, babae ako. There’s a huge difference!”

“Pero hindi porket lalaki ako at babae ang humahawak ng matambok kong pwet hindi ibig sabihin nun na it’s not considered sexual harassment!”

“Okey fine!.... Let’s meet later? Maaga ka naman siguro kasi pinalayas ka na di ba?”

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon