Chapter 21 : Darren

Start from the beginning
                                    

“No! My son is not crazy, bata lang siya na nagkakamali!” Giit pa ni Alice.

“We are not saying that he’s crazy, we just want to help him and your other son, Jared. Alam po namin na naglalabas-pasok si Jared sa hospital dahil sa kuya niya.“ Nag-iingat man sa kanyang sasabihin, nais ng guro na mamulat ang ina sa katotohanan. “And just last week, Jared went missing. Mabuti nalang at hindi siya tuluyang napahamak nang iligaw siya ni Darren sa gubat. Misis alam ko pong mahal na mahal niyo ang mga anak niyo pero kung patuloy kayong magbubulagbulagan sa mga ginagawa ni Darren, maaring mawala sa inyo hindi lang si Jarred kundi pati narin si Darren.”

 Umiling-iling si Alice habang humihikbi. Gustuhin man niyang makipagtalo at Ipagtanggol ang panganay na anak, wala siyang magawa dahil alam niyang tama ito at maging siya mismo ay natatakot narin sa anak at sa ano mang kayang gawin nito. Dali-daling lumabas si Alice ng opisina at nagulat siya nang makita ang anak sa tapat ng pinto.

Walang kamalay-malay si Alice na nakikinig pala si Darren sa usapan nila.

“Anak? Nakikinig ka bas a usapan naming mga matatanda?” Tanong ni Alice habang nagpupunas ng kanyang luha.

“Hindi po Mommy.” Nakangiti man, nakakuyom naman ang kamao ni Darren na tila ba galit na galit.

“Darren, mahal na mahal ka namin nina Daddy at Jarred, tandaan mo palagi yan.” Paalala ni Alice at lumuhod upang maging magkapantay sila ng anak. Hinalikan ni Alice ang noo nito at niyakap ng mahigpit habang nagpipigil ng luha.

“Mrs. Flavier sandali—“ Hinabol ng guro ang ina ngunit hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang makitang kasama nito si Darren.

Walang nagawa ang guro kundi panoorin ang mag-inang umalis. Ngunit bago pa man makalayo, lumingon si Darren at tiningnan ng masama ang guro bagay na labis na nagbigay ng kilabot sa gurong nais lamang na tumulong.

Sa pagsabit ng alas-otso, pinatulog na ni Alice ang panganay na anak. Muli, hindi mapigilan ni Alice ang kanyang sarili na maiyak habang pinagmamasdan ang natutulog na si Darren.

“Saan ako nagkulang? Anak mahal na mahal ka namin.” Mahinang sambit ng ina habang hinihimas ang ulo nito.

Hindi nagtagal, lumabas si Alice upang tawagan ang asawang buong araw niyang gustong makausap.

“Honey, kamusta si Jared? Pwede na ba siyang makalabas diyan?” Tanong ni Alice sa asawa habang pinipigilan ang sariling umiyak muli.

“Pwede na daw makalabas si Jared ayon sa mga doctor pero siya mismo ayaw umuwi, natatakot siyang makita ulit si Darren.” Sagot ni Carlos habang pinagmamasdan ang bunsong anak nilang si Jarred na natutulog sa kama ng hospital na may mga sugat at bali sa katawan.

“Kamusta na si Jared? May sinabi ba siya tungkol sa nangyari?” Tanong ng asawa.

“Wala, hindi nga siya halos makipag-usap sa akin. Honey, nag-aalala na ako sa kanya. Kamusta kayo diyan?” Tanong na lamang ng ama.

Nasapo ng ina ang kanyang ulo at napakagat sa kanyang kuko, “Pinatawag ako ng teacher ni Darren kanina, may ginawa na naman daw siya.” Nagdadalawang isip nitong sambit.

“Ha?! Na naman?! Honey sundin na kaya natin ang sinabi ng mama mo na ipa-check si Darren sa psychiatrist?” Suhestyon ng ama kahit labag man din ito sa kanyang kalooban.

“Our son is not crazy Carlos! Bata lang siya!” Giit ni Alice na mas pumapangibabaw parin ang pagmamahal sa kanyang anak.

“Alice, para din sa mga anak natin ito.” Pakiusap ni Carlos kaya hindi na napigilan ni Alice ang kanyang sarili at tuluyang naiyak.

 Nanginginig ang mga paang lumakad si Alice para puntahan ang kanyang anak na si Darren nasa kwarto nito .

“Carlos pwede ko bang makausap si Jarred? It’s been two days. Miss na miss ko na siya.” Pakiusap nito sa asawa kaya agad namang ginising ni Carlos ang anak na si Jarred at ipinakausap ito sa kanyang ina.

“Hello Mama!” bati ni Jarred sa ina sa kabila ng antok.

“Jarred Baby, miss na miss na kita, okay ka lang ba diyan?” Tanong ni Alice na tuluyan ng naiyak nang dahil sa pangungulila sa pamilya niya.

“Mama miss ko na nadin po kita, wag na pong mag-iyak ma.” Bulol man, pilit paring nagsasalita ang bata.

“Hindi umiiyak si Mama anak, may sipon lang ako.” Palusot ng ina.

“Pagaling ka po ah? Love na love po kita. Kelan ka po bibisita?” Sabi pa ni Jared sa mama niya.

 “Mahal na mahal kita Jared remember that okay?”

Pinupunasan ni Alice ang luha niya ng bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang likod. Sa isang iglap, hindi siya nakapagsalita, sa halip ay umungol nalang siya dahil sa matinding sakit… Napatingin siya sa likuran niya. Nakita niya si Darren na nasa likod niya na nakangisi.

“D-darren?” Mahinang sambit ni Alice habang unti-unting umagos ang dugo mula sa kanyang bibig. Ilang sandali pa’y tuluyan ng bumagsak si Alice sa sahig na duguan.

“Mommy?” Tanong ng batang si Jarred kay Alice nang hindi na ito magsalita.

“Hello Jarred kamusta ka na?” Nanlaki ang mga mata ni Jarred nang marinig ang nakatatandang kapatid na sumagot sa kabilang linya.

“Kuya! anong ginawa mo kay mommy?! Diba sabi mo paghindi ako magsumbong hindi mo sila sasaktan?” Tuluyang naiyak ang kawawang bata.

Nagulat si Carlos sa sinabi ni Jarred kaya dali-dali niyang hinablot ang cellphone.

“Darren what did you do to your mother?! Natatarantang sigaw ni Carlos ngunit hindi na sumagot si Darren. Dali-daling tumawag si Carlos ng pulis at pinapunta sa bahay nila.

“Jarred stay here, everything’s going to be okay.“ Paalam ni Carlos sa anak at agad hinalikan ang noo nito. Walang nagawa si Jarred kundi ang sundin ang kanyang ama.

Nang makarating si Carlos sa bahay nila kasama na niya ang mga pulis. Nagulat siya nang maabutan niya ang kanyang asawang wala nang buhay at nakaupo sa harap nito si Darren. Hawak pa nito ang kutsilyong ginamit sa pagsaksak sariling ama. Ngumisi ito at napatingin sa kanyang ama.

“Welcome home papa.”

END OF CHAPTER 21

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now