"I'm sorry!" Puno ng pagsisising tumingin siya sa'kin. "S-Sorry...Anak.." Hikbi niya.

Nagpunas ako ng luha gamit likod ng palad ko. Nilingon sila Daddy. "P-Pwede po bang iwan ninyo muna kami? Pleasee..." Pakiusap ko.

Umangal naman si Mommy Liezel at nagmatigas pero nahila naman siya ni Daddy palabas. Naiintindihan niya ang gusto ko. Kailangan kong malinawan...dahil may namatay na pala ng hindi ko man lang nalalaman.

"G-Gusto ko pong malaman mula sa'yo ang dahilan kung bakit...gusto mong isipin ni Skyrile na patay na ako. Dahil po ba kay Samantha?" Tanong ko nang makalabas na sila Daddy.

Yumuko naman siya at tumango. "Patawarin mo ako, Anak. Napakalaki ng kasalanan ko sa inyong tatlo. Hindi ko kasi alam kung paano babawi sa'yo, eh. At kung mapatawad mo man ako...baka maalala mo rin ang mga ginawa ko noon nang dahil kay Skyrile. Natatakot lang akong sumbatan mo...." Nanghihina siyang umupo sa upuan na katabi lang ng kama. "Ayokong isipin mo na mas gusto kong p-patay ka nalang...ni hindi ko nga kayang isipin 'yon. Patawarin mo sana ulit ako. Natakot lang talaga ako..."

"W-Walang kinalaman si Skyrile....Minahal niya lang ako lalo na noong mga panahong kailangan ko ng pagmamahal. Hindi ninyo dapat siya dinamay. Hindi ninyo dapat hinayaang masaktan niya si Samantha!"

"S-Si Samantha...mahal na mahal niya si Skyrile at si Skyrile naman ay ikaw lang ang tanging mahal. Hindi ko alam kung paano aayusin ang lahat kaya ginawa ko 'yon. Umaasa ako na bak matutunan niya ring mahalin si Samantha..."

"Paano naman ako?" Nanginig ang boses ko at muling tumulo ang mga luha. "Tingin mo ba hindi ko mahal si Skyrile? Masasaktan din po ako..."

"I-I know, Anak..." Hikbi niya. "Kaya nga nagsisisi na ako. Hindi ko dapat pinahirapan si Skyrile...naisip dapat kita..." Puno ng pagsusumamong tiningnan niya ako sa mga mata. "Pasensiya ka na kay Mommy, Huh? Pasensiya kana talaga. Mahina kasi ako, anak. At naging selfish. Ako talaga ang may kasalanan, eh....ako rin ang nagtulak kay Samantha na magpakamatay dahil sa mga nagawa ko noon. At hanggang ngayon dala dala ko pa rin iyong guilt...."

"Patawarin mo ako kung dahil sa'kin nahirapan ka mula pagkabata. Ni hindi ko man lang napansin na may sakit at nang nalaman ko muntik ka nang mawala sa'kin. Pero hindi pa rin ako natuto....patuloy pa rin kitang nasasaktan kahit malayo ka sa'kin. Sana paniwalaan mo pa ako ngayon. Hindi ko gustong mamatay ang Aria ko...ang baby girl ko na wala nang ginawa kundi ang mahalin ako. Ang baby ko na hindi ako iniwan kahit nasasaktan. Ang baby ko na kahit nahihirapan dahil sa'kin mahal pa rin ako. Mahal na mahal ko ang baby ko....mahal na mahal kita, Aria. Sana mapatawad mo pa si Mommy..." Hagulgol niya.

Nakagat ko na lamang ang libre kong kamay para hindi lumabas ang mga hikbi ko. Hindi na ako nakapag-salita. Baka panginginig nalang din ng boses ko ang maintindihan niya. Pakiramdam ko hindi na ako makakahinga kung subukan ko mang magsalita ulit.

Ang sakit sakit. Nasasaktan ako pero alam ko na kahit anong gawin niya mapapatawad ko pa rin siya! Ang unfair no'n pero siya ang Mommy ko, eh. Hindi ko kayang magalit. Hindi ko kayang kamuhian ang mga taong mahal na mahal ko. Mas gugustuhin ko pa ngang ako nalang ang masaktan kaysa sila.

Ganito na ata talaga ako...paulit-ulit mang saktan, alam kong mapapatawad ko pa rin sila kahit anong mangyari. Hindi nga ata talaga ako marunong magalit sa mga mahal ko. Hindi ko kasi kaya. Parang ako 'yong nahihirapan...

"Anak....maiintindihan ko kung magalit ka sa'kin. Maiintindihan ko talaga at tatanggapin ko ng buong puso. Pero sana.....pagbigyan mo ako na maging Ina sa'yo. Gusto kong makabawi anak at iparamdam sa'yo na talagang nagso-sorry na ako."

Note:
Remember, ang buhay na meron tayo ay dapat pinapahalagahan natin. Ang diyos ang nagbigay nito sa'tin at siya lamang ang may karaptang bawiin 'yon. Sa lahat ng may problema diyan o pakiramdam nila'y nakakapagod nang mabuhay? Be Aria/ Victoria, manatili kayong matatag at masaya kahit pakiramdam ninyo'y pinagkakaisahan na kayo ng mundo. Don't be like Samantha, ang pagkitil sa sariling buhay ay hindi sagot sa lahat. Hindi nito mapapagaan ang buhay natin. Be brave! Don't let your own demon conquer you.

Thank you for reading!
Comment your thoughts! What do you think of this chapter? May mga tanong ba kayong gustong masagot sa kwentong ito? I-comment niyo lang po. Thank you again! Be safe, always!
#hindinaproofread
Ps: kung may mali man o tingin niyo'y imposibleng mangyari sa tunay na buhay, please, sariling kathang isip ko ito, huwag ninyo akong awayin hahahahahaha love yah ♥️😘

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now