Napahikbi ako. "H-Hindi naman kita bibitawan. L-Luwangan mo lang ang kapit sa'kin para makahinga ako. Kailangan ko m-munang mag-isip..." Tiningnan ko siya. "And you need to think too. Hindi pwedeng ako lang ang iniisip mo. Paano ang sarili mo? Paano ang ibang tao? Hindi umiikot ang mundo sa'kin, Skyrile. Ayokong maging selfish ka nang dahil sa'kin. May mga nasaktan tayo. May namatay sa lungkot. Kailangan nating....huminga ng tawad."

Inabot niya ang kamay ko. Hinayaan ko na siya sa pagkakataong ito. "Pasensiya na ha? I-Ikaw lang kasi ang nasa m-mundo ko.." Hinalikan niya ang palad ko. May luha na ring tumultulo sa mga mata niya. "At h-handa kong gawin kahit ano para sa'yo...at kung gusto mong lumayo muna ako..." Gumaralgal ang boses niya. "I'll do it...for you, baby. J-Just for you..."

Mas lalo akong naiyak. Ito ang gusto mo, victoria. Bakit ka umiiyak ngayon? Bakit ang sakit? I'm so sorry, Samantha. I felt...somehow, I failed you.

"Kumain ka na, Anak. Mula ng umalis si Skyrile...tulala ka nalang at umiiyak. Makakasama sa'yo 'yan." Si Mommy Jane.

Nang lumabas ng silid si Skyrile ay pumasok naman sila Daddy, Mommy Liezel at Mommy Jane, pero walang umimik sa kanilang tatlo. Ni hindi nga sila lumapit sa'kin maliban lang kay Mommy Jane ngayon. Hindi na siguro ito nakatiis sa higit dalawang oras na atang katahimikan namin.

"Anong gusto mo? Gusto mo bang pagbalat kita ng mansanas?" Tumikhim siya nang hindi ko siya pinansin o ni balingan ng tingin.

Mariin ang tingin ko sa mga daliring kanina ko pa pinipisil ng walang tigil. Para bang doon ko nilalabas lahat ng sama ng loob ko. Tutal namamanhid na rin naman ang pakiramdam ko kaya halos wala na rin akong maramdaman.

"Aria? Huwag mo namang pahirapan ang sarili mo...baka lumala lang ang kalagayan mo." Buntong hininga ko.

"Victoria." Malamig kong sabi.

"Ano? Anak?" Lumapit siya sa'kin. Lito at nagtataka.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Victoria ang pangalan ko."

Natulala siya at hindi alam kung aatras ba o hahawakan ako. Lumapit sa amin si Daddy at Mommy Liezel. "Victoria? Why are talking to her like that?" Tanong ni Mommy Liezel.

Muli akong nagbaba ng tingin sa mga daliri ko at pinisil 'yon. "She wants me dead. Pinapatay ko lang po si Aria tulad ng gusto niya."

Suminghap sila. "Victoria...ano bang sinasabi mo?" Gulat at litong tanong ni Daddy.

"Sinabi niya kay Skyrile na patay na ako...." Puno ng hinanakit akong nag-angat ng tingin sa kanila. "Daddy, 'di ba kapag sinabi mong patay na ang isang tao...ibig sabihin para sa'yo wala na talaga siya? Bakit ang sarili kong Ina gusto akong mamatay nalang?" Nag-init ang mga mata ko. "Oo nga pala....nakalimutan ko na ayaw niya sa'kin. Siguro nakakahinga siya ng maluwag kapag iniisip niyang patay na ako. Okay lang naman sa'kin 'yon, eh. Tanggap kong hindi niya ako mahal....pero bakit pati kay Skyrile, gusto niya patay na rin ako?" Naluluhang sambit ko.

"A-Ano?" Nanghihinang tanong ni Mommy Liezel. "You did that, J-Jane?"

Hindi naman siya umimik. Yumuko lang siya at nagsimulang umiyak. Para kay Mommy Liezel, sapat na 'yong sagot para sa kaniya.

"Paano mo nagawa 'yon?!" Sigaw ni Mommy Liezel. Pinigilan naman siya ni Daddy nang akmang lalapitan niya si Mommy Jane. "Hindi mo dapat 'yon ginawa! Alam mo ba ang hirap na pinagdaanan ni Victoria para mabuhay?! Tapos ikaw...I can't believe you!"

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now