KABANATA XXVII: Pagkakataon

Start from the beginning
                                    

"Alam ko naman, mas mabuti na 'yon para makapagpahinga muna si Dahlia."

Tinapik ang balikat nito kasabay ang paglabas naming pareho sa isang bahay, isa sa mga sets ng pelikula, upang tumungo sa mga artista para sabihing magpapatuloy na ang nasimulang taping kanina.

"Okay, let's continue the taping," sugo ko. "Jason, Sam, na-internalize niyo na ba 'yung mga lines niyo?" pagbigkas ko nang lumapit ako sa kanilang dalawa.

"Yes Direk," tugon naman nilang pareho.

"Tara, let's start. Sayang 'yung oras," wika ko.

Tumango naman silang pareho kasabay ang pagbalik naming lahat sa loob ng bahay upang simulang muli ang taping.

Kitang-kita na handa nang muli ang mga crew ganoon din ang staffs maging sina Jason at Sam. Binigyan muna ito ng mga direktiba bago rumolyo ang mga kamera.

"Jason, Sam, you know what to do," sabi ko sa kanila.

"Yes Direk," bigkas ni Sam at tumango naman si Jason.

"Sam, manggagaling ka sa kwarto ni Gio since you already took him to sleep. Magtataka ka, when you'll see Jason holding those contract papers which will be about the offer in London, okay?" direktiba ko kay Sam.

Tumango naman si Sam kung kaya kitang-kita namang naiintindihan niya ang eksena.

"At ikaw J, you will be sitting in your chair while checking your contract, right? Nagulat ka na lang nang sa hindi inaasahan Sam will surprisingly see you holding suspicious papers," direktiba ko kay Jason.

"So that will be the root of the confrontation. Just act naturally. Alam kong forte niyo na 'yang confrontation scenes and that's one of many reasons why we pitched the two of you, you're very good at it."

Napangisi na lamang silang pareho na tila bang hindi sila naniniwala.

Ngumisi na lang din ako at nagsalita. "J, Sam, take that as a compliment, and also a motivation."

"We believe in you, Direk!" bigkas pa ni Jason na nagpatawa sa aming lahat.

"And so do I," sabi ko pa.

Napailing na lamang ako at ngumisi. Tumungo na sa control upang simulang obserbahan ang eksena sa screen na nirorolyo ng mga kamera. Lahat na ay handa ganoon na rin ang pagbigay ko ng hudyat.

"Go to your positions. Internalize lang tayo. Take one. Cameras are rolling in three, two, one. Action!" sigaw ko pa't nagsimula na ang pagrolyo ng mga kamera.

Kinuhanan ng kamera ang paglabas ni Sam sa kwarto ng bata. Agad itong tumungo sa kung nasaan si Jason. Ganoon din ang sabay na pagkuha ng kamera sa perspektibo ni Jason na kung saan tintingnan nito ang mga papel na hawak niya.

"Okay, cut and hold. Continue the scene, action!" direktiba kong muli.

"Love? A-Ano 'yan?" unang salita na ibinigkas ni Sam.

Agad namang naigtad si Jason na tila bang pinipilit na itago ang mga hawak-hawak na papel kung kaya ay hindi nagawa nang nakikita sa mga mata ni Sam ang pagtataka.

"W-Wala, mga reports ko---" pagputol ni Jason nang tila bang kinuha agad ni Sam ang mga papel na hawak nito.

Binigyan agad ng direktiba si Jason na magmadaling tumayo sa kinauupuan nito upang hablutin ang mga papeles na kinuha ni Sam.

"L-Love, akin na---" utal muli ni Jason habang nakikita ang saktong rehistro ng mga mata.

Agad namang nagsalita si Sam nang natanaw ang magiging udlot ng komprontasyon sa eksena.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Where stories live. Discover now