Kabanata 43

420 9 0
                                    

Kabanata 43

His pov

"Tame my sister." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni David.

"You say what?"

"You heard it."

Umismid na lang ako sa kaniya, yung babaeng iyon? Yung maldita at pala away noon? Hindi ko yata makakalimutan na sinuntok ako ng babaeng iyon matapos ko silang isumbong kay David.

Kasalanan ko ba? Sinabi ni David na kapag nakita ko daw ay papayagan niya akong ligawan ang kapatid niya sa mismong birthday niya. Hindi ko naman akalain na susuntukin ako ng isang iyon, tss.

--

Kachat ko ngayon si David at Lance. Ililipat ako sa section 1, makakasama ko si Chelsea. Kumunot ang noo ko nung sinabi ni David na lilipat din siya bukas.

Lance; lilipat ka pala bukas eh.Liligawan mo na ba?

Damon: No way bro.

Lance: oh come on, lilipat ka na nga bukas e.

Damon: yeah, still ayoko doon.

Lance: nag s-seen lang si David oh

Hindi ko na lang pinansin iyon, nag offline din si David. Maya maya lamang ay nagchat na siya

David: slr, pinakealaman ni Chelsea

Parang nagbago ang isip ko, matitiim ko bang makasama ang maldita na iyon? Ilang beses ko siyang naka encounter sa school at talagang masasabi mong maldita. Hindi mo mabibilang kung ilang beses ba iikot ang mata niya.

Biglang may lumapit na lalaki sa kaniya at binigay iyong bulaklak. Bahagya akong napangisi, so you like flowers huh. Pero agad nawala ang ngiti ko nung sinundan ko siya ng tingin, damn she throws it!

--

Nandito ako ngayon sa labas ng section one, kasama ko ngayon si Sir Enrique. Ang naglipat sa akin dito, nauna siyang pumasok at sinenyasan na pumasok ako. Pagkapasok ko ay nagtilian ang mga babae, agad hinanap ng mata ko ang babae na iyon, nasa bandang likod.

"He is from section two, Damon Foncio."

Napangisi na lang ako ng makita kong umirap na naman ang malditang yon.

"Have a seat, Mr. Foncio"

Doon ako umupo sa may bandang likod, sa tapat niya mismo. Napatingin na lang ako sa likod ng may kumalabit sa akin, kaibigan siguro ni Chelsea.

"Hehe, can I get your number?"

"Sure."

Kinuha ko ang cellphone niya at inilagay ang number ko.

Bigla akong humarap kay Chelsea, gusto ko lang inisin.

"Do you want to get my number, too?"

Tinuro niya ang sarili niya kaya tumango ako.

"No thanks, I have my number"

Umirap ito at bahagya akong ngumiti. Tangina, paano ko naman papaamuhin ang isang ito?

Agad din akong tumayo ng pinatawag ako ni David.

"You know how to tame my sister, bantayan mo."

--

Niyaya ako ngayon nina David na pumunta sa party ni Ate Leina. Nag ayos na ako at sumama. Kasama si Chelsea eh

"Ate Leina."

Niyakap naman ako nito. Niyaya niya kami sa labas, kumunot ang noo ko ng makita ko ang daming pagkain sa plato ng babae na yon. Pagkatapos nilang kumain ay umupo kami sa mga pagitan nila. Niyaya ni David si ate Leina, hinila naman ng dalawa si Lance kaya kami ang natira rito.

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now