Simula

1.7K 28 3
                                    

"Mom, are you kidding me!?" Singhal ko dahil lilipat daw si kuya sa school.

But knowing my kuya, babantayan niya lang ako.

"I'm not. Kuya mo ang may gusto na lumipat doon para samahan ka." Mom said while smiling. Gross.

Kuya went from boys school. Aish

"Oh come on." Irap ko at nakita kong pababa pa lang siya ng hagdan kaya naman agad ko siyang sinalubong. "Totoo ba?" Pinaningkitan ko siya ng mata.

Isang ngisi ang sumilay sa labi niya bago ito magsalita. "Yep."

Napapadyak na lang ako sa inis, naman oh.

Dumiretso ito sa kusina at nag uusap na sila ngayon ni mama.

"David, I know you just want to tease your sister." Sabat ni Daddy, ipaglaban mo ang anak mo, daddy!

"No dad. Sawa na ako na puro lalaki ang nakikita ko.." Singhal ni kuya

"Dad, bakla siguro yan" sabi ko habang tumatawa.

Sinamaan naman ako ng tingin nito pero binelatan ko lang siya, hmp.

"Naayos ko na papeles ko dad, makakapasok na ako doon bukas." Bigla itong ngumisi sa akin kaya naman sinamaan ko din siya ng tingin. No way!

Agad akong umupo sa tapat niya at sinipa siya sa ilalim ng mesa

"A-aray!"

Napatingin sila mommy at daddy sa kaniya habang ako ay nagpipigil ng tawa. Kasalanan niya yon, seryoso pala siya doon anak ng tupa naman oh. Makakasama ko na naman siya!

Ilang taon din ang lumipas. kasama ko siya lagi pumasok. Same school, yeah. Lagi niya akong binabantayan, psh.

"Chels!" Sigaw niya habang hinahabol ako

"Ano ba!?" Sigaw ko din sa kaniya

"Sino si Marco!? Sinasabi ko sayo, sasabihin ko yan kina daddy!"

"Kuya, kaibigan ko yon" singhal ko

"Kahit na. Gusto ko ang mga kaibigan mo babae." Sabi niya sa akin

Kaya until now, wala akong guy friends since lagi siyang nakabantay sa akin. Ayaw niya baka masaktan daw ako dahil lang doon, and I think it wont gonna happen. Tinuruan pa niyan ako sa self defence hmp, he's always like that.

Matapos naming kumain, umupo ako sa sala at nag bukas ng T.V. Agad kong kinuha ang remote at itinago sa likod ko, nilipat ko sa Myx.

"Hoy babae, ang pangit naman ng pinapanood mo!" Sabi nito habang umuupo sa tabi ko.

"Ikaw kase pinapanood ko kuya."

Sinamaan lang ako ng tingin nito at nilabas niya ang cellphone niya at may tina-type doon. Sinubukan kong sumilip pero wala ako masyadong makita dahil pinatay niya agad ang cellphone niya! Hot apples yung name sa gc, may kababalaghan siguro doon.

"Gotcha!" Sigaw niya habang winawagayway ang remote na nakuha niya sa likod ko, bakit ba tumingin ako doon.

Nilipat niya agad sa NBA at wala na akong masabi dahil malay ko pa sa paglalaro ng basketball.

"3 points!" Sigaw niya.

Habang nanonood siya, kinuha ko agad ang cellphone niya.

"Hoy!"

Agad na akong tumakbo at sinara agad ang pinto ko.

Bubuksan ko pa lang sana na may nag pop na message. Apples yung naka display picture doon, so I immediately open it.

Hot apples? Pfft. Saan galing yon?

Damon: No way bro.

Lance: oh come on, lilipat ka na nga bukas e.

Damon: yeah, still ayoko doon.

Lance: nag s-seen lang si David oh

Agad ko nang pinatay ang cellphone ni kuya at lumabas ng kwarto. Success! Iniwan ko ang cellphone niya sa labas ng kwarto niya at agad pumasok ng kwarto. Papasok na naman ako bukas, stress!

Nag ii-scroll lang ako sa fb ng makita ko ang post ni Leira.

Boyfriend check!
3 mins ago. 53 like this.

Biglang nag pop up yung gc namin kaya naman tinignan ko agad.

Leira: inggit kayo ano?

Grace: wala naman e! Kadiri ka talaga

Chelsea: ulol, wala ka ngang jowa!

Leira: mga pakshet kayo

Grace: Kami nga wala, ikaw pa kaya?

Leira: Mauuna si Chelsea! HAHAHAHA

Nag sent ako ng emoji na umiirap.Pinatay ko na agad ang cellphone ko at nagbabad sa bath tub. Makakasama ko na naman yung mga baliw na yon, aasarin na naman ako dahil kay kuya. Humanda siya sa akin bukas, aasarin ko din siya ano!

Agad na akong nagbihis at lumabas, dumiretso agad ako sa sala.

"Hoy!" Pangalan ko ba ay hoy? "Tulungan mo ako kumain ng popcorn.." sabay turo nito sa tabi niya. Ang dami naman!

Umupo na lang ako doon at kumain nga kami.

"Kuya! Ayaw ko na nga" reklamo ko, kanina pa kami nakain.

"Isa na lang. Say ah.."

Umirap na lang ako at kinain yon, naman oh. Pinapataba talaga ako.

Hindi ko talaga gusto ang ideya ni kuya na samahan niya ako sa school damn it. Paniguradong bantay sarado na naman ako sa school dahil kay Kuya.

Pagtaas ko ay naabutan ko na nag r-ring ang cellphone ko.

[Yow, girl. May lilipat na guy sa atin bukas..] ang boses ni Grace ay halatang walang pakialam kung sino man 'yon.

"Bakit sinasabi mo sa akin?"

[Wala lang. Baka interested ka lang naman..]

"Duh. Tingin mo ba ay gaganyan pa ako sa lalaki? The hell I care!"

[I heard he's from section two..]

"And?"

[He is your kuya's friend.]

"His name is what?" Tumataas na ang kilay ko rito.

[Damon.]

She ended the call. Wait, what? Damon, who?

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now