Kabanata 27

237 9 1
                                    

Kabanata 27

Ibinalik

It's monday! Alas-singko pa lang ay gising na ako kahit ang oras ng pasok namin ay seven. Masyado mo yatang pinag hahandaan, Chelsea. Napangisi na lang ako sa sarili ko dahil anytime ay babalik na ako sa dati.

Nagbabad muna ako sa tub habang ginagawa ang morning routine ko, duh? Ako malandi, haha. Isang oras din bago ko naisipang tumayo at mag ayos ng sarili.

Kinuha ko ang bag ko pati ang cellphone ko. Nakangisi akong bumaba sa hagdan at nagpaalam. Sasabay sana sa akin si kuya pero hindi na ako pumayag.

Nag abang ako ng taxi sa baba at malapit na din mag seven o'clock. Pagkadating ng taxi ay nag bayad na din ako at sinabing sa school ako bababa. Nag earphone na din ako habang nakatingin sa labas.

Pagdating ko doon ay doon ako dumaan sa pinaka entrance ng school. Taas noo akong naglalakad, the old me is back. Nagtitinginan ang tao sa akin at nagbubulungan. Oh well, ang ganda ganda ko!

"Ang taray na naman"

"Break na siguro"

"Ay pinag sawaan"

Umirap na lang ako sa pinagsasabi ng mga chismosang iyon at agad binuksan ang pintuan ng room. Aba iniluwal lang naman ng pintuan ang magandang ako. Gulat na gulat sina Leira dahil lagi naman akong late.

"Aga mo" hindi makapaniwalang sabi ni Leira pag kaupo ko sa tabi niya

Talagang hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Damon. Walang alam sina Leira at Grace sa mga nangyari kahapon. Ang nangyaring pagpapahinga ko ay nauwi sa kagaguhan.

"Change for the better." I said shortly.

I need to talk to Lexi later.

Pagkadating ng prof namin ay talagang nakinig ako. Well, change for the better nga e. Duh?

"Class dismiss"

Ito lang ang inabangan ko e, kaso maghihintay pa ako ng isang prof kaya nakikipag usap ako ngayon kina Leira.

"Ano nangyari kahapon?" Tanong ni Leira

"Nakasama ko si Raphael at Dylan" nilakasan ko pa ang boses ko

"Dala-dalawa pa ha"

"Pinuntahan ka daw ni Kuya Gio"

Tumango naman ako sa sinabi ni Grace at muling nagsalita. Mainis ka, mainis ka.

"Nilibre lang ako"

Naputol na ang pagkwekwentuhan namin nung biglang dumating ang prof namin. Kating kati na ang pwet ko na tumayo at kausapin si Lexi. Kanina pa ako irap ng irap sa inis. Feeling ko napakabagal magturo ng prof ngayong oras.

"Class dismiss."

"Kain tayo" aya ni Grace

"Mauna na kayo, may gagawin pa ako"

Agad akong tumayo at aalis na sana ng may humawak sa braso ko, tinignan ko lang siya at inalis ang hawak niya sa braso ko.

Malandi your ass.

Pumunta ako sa section 2 at agad tumaas ang kilay ko.

"Where is Lexi Reyes?" Tanong ko doon sa babaeng sobrang kapal ng make up, pwede ba talaga yan dito?

"Lexi! Si Chelsea!" Sigaw nito sa loob at kaya agad kong nakita si Lexi na papapunta dito

Agad itong ngumiti so do I.

"Sa garden tayo." Tumango naman ito at sumunod sa akin.

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa garden. Mas tahimik doon kaya doon na lang kami mag uusap.

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now