15 - CPR

15K 378 14
                                    

           "BAKA matunaw na si Xelena sa kakatitig mo sa kanya, Xenon

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

"BAKA matunaw na si Xelena sa kakatitig mo sa kanya, Xenon." Untag ni Timothy na isa din sa mga groomsmen ni Darren. Nasa reception na sila ng kasal ng kanyang kakambal at dahil siya ang maid-of-honor ay automatic na naging bestman si Xenon kaya halos magkasama sila kahit saan at kahit sino ang tatanungin ay mahahalatang nakasunod lang palagi sa kanya ang lalaki. Nagpanggap siyang hindi napapansin iyon dahil hindi pa naman niya ito sinasagot hindi dahil sa gusto niyang gumanti sa mga pang-re-reject nito sa kanya dati, well, partly.

"True, may magaganda rin naman sa tabi-tabi pero kung makatitig ka kay Doc Xelena ay parang siya lang ang nakikita mo." Nanunudyong wika ni Kc ang pinsan ni Pamela.

"Eat." Sinubuan niya si Neon na masaya namang kinakain ang Mac and cheese nito. Sa bata nakatuon ang kanyang pansin lalo pa at hindi naman ito nababantayan ng maayos ni Xenon dahil tinutulungan din nito si Darren sa mga bisita. Bilang bestman ay assistant ito ng groom at ganoon din siya. "Yum?" tanong niya sa bata. Sobrang gwapo nito sa suot nitong maliit na tuxedo at naka-ayos din ang buhok. He looks like a mini-version of his uncle.

"Yummy." Pinahid niya ang dumi dulot ng cheese sa gilid ng labi ng bata. Kinausap na rin niya si Neon na hindi siya ang mommy nito at mukhang alam naman iyon ng bata at mukhang nasanay na itong tawagin siya ng mommy at kahit si Xenon ay walang problema sa pagtawag ng pamangkin nito ng daddy. The child needs a parent, he longs for it. At napamahal na rin siya sa bata kaya na-attached na siya dito.

"Aww, such as cutie family. Kailan kayo magpapakasal?" nakangising tanong ni Czarina.

"Next month." maagap na sagot ni Xenon.

"But mommy is going to marry me, Dad." Singit ni Neon. Napapansin din niyang nag-aaway na ang dalawa sa kanyang atensyon.

"You are too young for your, Mom."

Sumimangot si Neon dahil sa sagot ng uncle nito. "No, you are ugly."

"You look just like me that means you are ugly too." Kumibot-kibot ang labi ng bata at namamasa na ang mga mata nito. Kaya hinampas niya ang braso ni Xenon dahil inaway na naman nito ang pamangkin nito.

"Huwag kang maniwala sa daddy mo, he is ugly but you are not." Alo niya sa bata na agad namang nagpayakap sa kanya.

"Natalo ka ni Neon, Xenon. Wala kang panama sa bata." Pang-aasar ni Timothy dito. Ngumiti lang si Xenon at saka inayos ang nagulong buhok ni Neon. Kahit na inaasar nito ang bata ay alam naman nila kung gaano nito kamahal ang pamangkin nito. At dahil sobrang lapit lang nila at karga niya si Neon kaya hindi siya agad nakakilos ng hawiin nito mula sa kanyang mukha ang ilang hibla ng buhok na nagkalat sa mukha niya.

"Ay, sheyt. I need a man in my life right now, as in now na." biglang bulalas ni Kc. "Excuse me, maghahanap lang ako ng lalaki dito."

Black Magic : HEAL (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora