5 - SUTURE

13.6K 403 7
                                    

PAPASOK na sana si Xelena sa loob ng silid ni Neon nang matingnan niya ang repleksyon sa cellphone na hawak at wala sa sariling napahawak sa kanyang maiksing buhok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAPASOK na sana si Xelena sa loob ng silid ni Neon nang matingnan niya ang repleksyon sa cellphone na hawak at wala sa sariling napahawak sa kanyang maiksing buhok. Hindi niya maalala kung kailan iyong huling beses na nagpaiksi siya ng buhok at kung bakit niya ginawa ang bagay na iyon ay para na rin iligtas ang kanyang sarili. Kanina habang papasok sa silid ng anak ni Xenon ay narinig niyang kausap nito si Amor ang nakatukang nurse ni Neon. Tinanong ng nurse kung ano ang gusto nito sa isang babae at sinagot naman iyon ni Xenon na gusto nito ng babaeng mahaba ang buhok. Kabaliwan man pero nagpagupit nga siya ng buhok, hindi para dito pero para narin alisin sa utak niya na mag-isip na pwede siyang magustuhan ng lalaki dahil mahaba ang kanyang buhok. Habang maaga pa ay pinutol na niya ang ideyang iyon. Yes, she did it to save herself from herself.

Isang mahabang buntong-hininga ang kanyang ginawa bago binuksan ang pintuan ng bata, lalabas na ito ng hospital kaya kailangan din niyang magpaalam dito. Hindi naging malala ang naging lagay nito at napabuti din ang pagsama niya sa bata para gumaling ito. Nakakapagsalita na ito pero ramdam pa rin niya ang reservation nito sa ibang tao. Palaging kasama niya sa silid si Xenon at ginawa niya ang lahat para hindi lang sila magkaroon ng kahit kaunting oras na magkausap. Kapag tulog si Neon ay nagpapaalam siyang pupunta sa kanyang mga pasyente kahit na ang totoo ay nasa quarters lang siya.

"Mommy!" napangiti siya nang marinig ang boses ni Neon. Ilang beses din niyang sinabi dito na hindi siya ang mommy nito pero ayaw pa rin nitong tumigil sa pagtawag sa kanya ng ganoon. Ang ikinainis lang niya ay hindi ito sinasaway ni Xenon. Napatingin siya sa gwapo at bibong bata nang mapansin na hindi lang si Xenon ang nandoon sa silid, may isang matangkad at gwapong lalaki din doon.

"Good morning, Doctor Rosal." Bati ng bagong mukha. Lumapit siya dito pero binuhat muna niya si Neon na unang sumalubong sa kanya, wala na ang IV sa braso nito kaya malaya na itong nakakalakad. "I'm Doctor Uy, I'm Neon's doctor." Na-mention na rin ni Xenon sa kanya ang tungkol sa kaharap.

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "It's nice to finally meet you Doctor Uy." Napansin niya ang kakaibang ngiti sa labi ng kaharap.

"Well, Xenon didn't mention that you're really beautiful." Sanay na siyang naririnig ang bagay na iyon, iyong iba ay out of courtesy lang at minsan naman ay biru-biruan lang din kaya hindi na siya na-o-off guard kapag may pumupuri sa kanya. Pakiramdam kasi niya ay normal lang siya, kung maganda siya malamang ay hindi siya paulit-ulit na binasted ni Xenon dati.

"I think that's not worth mentioning for." Aniya dito at mukhang ito ang nagulat sa kanyang naging pagsagot. Most women will get flustered when they were praised by a handsome guy like this one, but she's not one of those women.

"Mommy, short hair." Narinig niyang wika ni Neon. Ginulo niya ang buhok ni Neon at ngumiti.

"It's very hot now that's why mommy got her hair cut."

Black Magic : HEAL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon