9 - AMBULANCE

14K 419 16
                                    

9 – AMBULANCE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

9 – AMBULANCE

SHE eyed the red roses Sebastian gave her intently. Gusto niyang maglaho iyon sa kanyang harapan dahil nasusuka na siya sa amoy ng oras na nakapalibot sa kanya.

"What is that?" inis na tanong niya dito.

"Red rose for you mukha ka na kasing kumakain ng galit lately." Ngumisi ito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay at hindi pinansin ang bulaklak na ibinigay nito. "Come on Xelena tanggapin mo na itong kawang-gawa ko. Marami akong biniling bulaklak para sa mga kasamahan natin na pinagkaitan ng love life."

"Gusto mong mahiwa ng scalpel? Gusto mong kunin ko iyang atay mo at ipakain sa mga buwaya?" inis na tanong niya. Wala na yatang katapusan ang inis na nararamdaman niya.

"Chill ka lang." natatawang ibinalik nito sa vase na nasa ibabaw ng nurse station ang red rose. "Maging mabait ka kasi para mabigyan ka ng mga bulaklak. Tingnan mo si nurse Amor ang dami niyang natanggap ngayong valentines." Mas lalong nag-init ang kanyang ulo sa sinabi nito. "Malapit ng matapos ang valentines day at single ka pa rin." She just zipped her lips tightly. Wala siyang balak na patulan ang biro ng kaibigan. "Tanggapin mo na itong red rose-." Tumahimik lang ito ng matalim niya itong tinitigan. "Joke lang. Ang ganda mo talaga Xelena, para kang Diyosa na bumaba mula sa langit para sa mga hamak na mortal. You are untouchable."

"Excuse me." Keysa sa lumala ang inis na naramdaman niya ay bumalik nalang siya sa kanyang quarters. Mas mabuting doon nalang siya dahil baka masapak lang niya ng wala sa oras ang kasama. Hindi iyon ang unang beses na ingudngod nito sa kanya ang pagiging single niya, may kaibigan talaga yatang ganoon, masaya ang love life kaya inaasar ang mga single. Napabuntong-hininga siya at napatingin sa digital clock na nasa ibabaw ng kanyang mesa.

"Eleven-thirty eight." Malapit ng matapos ang February fourteen at babalik na sa normal ang lahat ng tao. Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang kanyang instagram account, napangiti siya nang makita ang bagong post na picture ng kakambal niya. Ang unang picture ay masaya itong naka-upo sa gitna ng mga estudyante nito at ang pangalawa ay kasama ang fiancé nitong si Darren. Nag-scroll siya at nakita ang picture na katabi si Howard at iba pa niyang mga kapitbahay na masayang may ka-date. Inis na pinatay niya ang kanyang cellphone at itinago iyon sa bulsa.

Katatapos lang niya sa kanyang seven hours operation kaya pagod na siya at paglabas niya ng operating room ay mga bulaklak at kung anu-anong pulang bagay ang nakita niya. Literally, she is seeing red and feeling murderous too. Ipinikit niya ang mga mata at sa dilim ay biglang nagpop-up ang gwapong mukha ni Neon kaya napamulat agad siya.

Pagkatapos mag-walk out sa bahay nito ay hindi na siya muling nagpakita pa dito. Mukhang okay na rin ito dahil hindi na ito tumawag sa kanya. May bahagi ng puso niya na nakaramdam ng sakit pero siya ang nagdesisyon na huwag ng magpakita. Namimiss din niya si Neon at ang sabi ng Nanay niya ay okay naman ang bata dahil pinupuntahan pa rin nito iyon. Napakiusapan niya ang ina na tingnan muna ang mag-ama dahil busy siya mabuti nalang at pumayag ito.

Black Magic : HEAL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon