13 - X-RAY

16.7K 481 69
                                    

            "GOOD MORNING Attorney Larriaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"GOOD MORNING Attorney Larriaga." Bati sa kanya ng police detective na kasama niya sa pagpunta sa dating condo unit na tinitirahan.

"Good morning too Gomez."

"Nagtanong-tanong na ang mga kasamahan ko dito kahapon nang ibigay na sa amin ng head namin ang go signal at ang permit." Tumango siya. "Karamihan sa mga nakatira dito ay mga bago, iyong iba naman ay walang matandaan sa mga nangyari at hindi rin natin sila masisisi dahil lampas isang dekada na rin nang mangyari iyon." Totoo ang sinabi nito dahil kahit siya ay wala ng maalala at kung meron mang kahina-hinala noon ay hindi rin niya malalaman.

"Nakausap ko rin ang head security ng condominium, pumayag ang may-ari ng halungkatin natin ang mga recorded CCTV footages pero hindi sila sure kung may na-saved pa ba na videos dati at iba na rin ang head ngayon." Dugtong nito.

"Let's try, there's no harm in trying." Habang papunta sa opisina ng security head ng lugar ay napabuntong-hininga siya.

"Mukhang may mabigat ho kayong problema."

"I do have one." At nailing na napangiti habang nag-flashback sa kanyang utak ang mukha ng taong nagpapahirap sa kanya ngayon. Yes, mahirap ang kasong hinahawakan niya pero hindi hamak na mas mahirap paamuhin si Xelena. Nakaka-frustrate ito, alam niyang may nararamdaman ito sa kanya at hindi naman iyon itinanggi ng babae pero ayaw siya nitong tanggapin. Sarado na ang utak nito na tanggapin siya sa buhay nito at hindi na niya pwedeng gamitin ang pamangkin dahil napagalitan na siya nito. But he is not Xenon Larriaga for nothing, he will move heaven and earth for her to accept his feelings. "A very hard case."

"Babae po ba?"

"Yeah, nililigawan ko."

"Mukhang na-busted po kayo." Natatawang biro nito.

"Ilang beses na rin."

"Kung ayaw po talaga ay marami naming magagandang babae diyan." Umiling siya sa suhestiyon ng pulis.

"I want her, siya lang ang gusto kong babae." Muli itong natawa dahil nagtunog desperado na siya, well, he is really desperate. "May nararamdaman din siya sa akin pero ayaw niyang tanggapin ang nararamdaman ko."

Kumunot ang noo nito. "May babae bang may gusto sa iyo at alam na may gusto ka rin sa kanya tapos iba-basted ka rin?"

"Meron, iyong babaeng nililigawan ko."

"Baka mali ang panliligaw mo attorney o kaya naman ay mali ang strategy ko. Pagselosin mo, mas mabilis na paraan iyon."

Magalang na ngumiti siya sa kausap. "I don't like the idea, she'll be hurt if I do that." Naramdaman niya ang mahinang pagtapik nito sa kanyang balikat.

"Maswerte ang babaeng mamahalin mo attorney, malas lang niya kung pakakawalan ka pa niya. You are the golden boy." Natawa lang siya sa sinabi ng may edad na pulis. Hindi niya masabi dito na kinakarma na siya sa mga pagtanggi niya noon kay Xelena. Parang nauulit ang dati but this time siya naman ang naghahabol. May isang bagay lang siyang pinagtatakahan, hindi nito sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit tumigil ito dati sa paghahabol sa kanya. He is pretty curious though. "Nandito na tayo."

Black Magic : HEAL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon