2 - ANESTHESIA

15.8K 441 17
                                    

2 – ANESTHESIA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

2 – ANESTHESIA

"BIGYAN mo na kasi ng mommy si Neon, Xenon. Baka kapag may mommy siya ay makakapagsalita na siya." Dahan-dahang inubos ni Xenon ang kape sa tasang hawak.

"Easy to say." Matagal na niyang kaibigan si Timothy at ito din ang dahilan kung bakit nakabili siya ng bahay sa SeasonsVille ilang taon na ang nakakaraan. Magkaibigan sila since high school at para na rin niya itong kapatid.

"Maraming mga singles sa subdivision, lumabas-labas ka lang ay may makikita ka sa tabi-tabi. Mag-ingat ka lang minsan dahil mga wild animals ang mga iyan, hindi mo makukuha kung wala kang kalmot sa katawan." Natawa siya sa ginawa nitong pagkompara sa mga kapitbahay nilang babae. Matagal-tagal na siya sa SeasonsVille at dahil masyado siyang focus sa trabaho kaya hindi siya nakakalabas. Ang kapatid niyang si Rad ang uma-attend kapag may homeowners meeting at minsan ay nagbabayad nalang siya ng 'fines'. Presidente ng homeowners association ang kasama at ito ang dahilan kung bakit complete attendance ang kanilang mga meeting. Knowing Timothy he's very shrewd when it comes to discipline.

"Kaya pala may black eye ka noong isang araw."

"Nagpractice ako ng kick boxing noong araw na iyon kaya ako may black eye." Depensa nito. Sa dinami-dami ng babaeng na-link sa kaibigan ay wala ito ni isang ipinakilala sa kanila. Tim just loves playing around.

"Sayang at engage na si Pamela, maganda at mabait iyon."

"Gusto mong lunurin ako ni Nicolo sa dagat kapag nalaman niyang pinagka-interesan ko ang fiancé niya?"

"There's a lot of hot catch here in our place just like her." Turo nito sa kakapasok lang sa Summer Café. Agad na nagdugtong ang kanyang kilay dahil pamilyar sa kanya ang babaeng bagong pasok, kilala niya ito. "Bawal na pala iyan."

"Bawal?" Si Xelena.

"Engaged na si Xylee kay Darren." Mas lalong nagdugtong ang kanyang kilay. Kilala niya si Xylee.

"That's not Xylee."



"IS THAT YOU?" Tama! There's no use for her to lie and pretend that she doesn't know him. Damn! He still looks so handsome just like before, mas lumaki lang ang katawan nito at mas lalong tumangkad. Stop it Xelena may anak na iyan. Paalala niya sa kanyang sarili.

"Xenon, hi." Isang maliit na ngiti ang ibinigay niya dito. Kung dati ay kulang nalang ay lundagin niya at itali ang sarili sa lalaki ngayon ay gusto na niyang tumakbo at magtago. Damn it!

"Wow, it has been years. How are you doing?" he is still friendly as ever, ito iyong pinakaayaw niya sa lalaki. Dahil sa pagiging friendly nito ay maraming napapahamak na mga puso katulad niya, may aura kasi itong I'm safe and fall in love with me.

Black Magic : HEAL (COMPLETED)Where stories live. Discover now