Binigyan ko na din si Damon na nakatulala, "Huy!"

"Sorry!" Paumanhin ko at nag give space para makapasok siya.

"Nagulat ka pa yata sa muka ko" tumawa siya

"Oo"

"Karibal"

"Busted agad"

Napairap na lang ako. Ano bang busted!?

"Mommy, si Marco" sabi ko dito saka hinila si Marco papunta kung nasaan sina Daddy at Mommy

"Hijo, nagkita ulit tayo" nakipagkamayan si Daddy kay Mommy at nakipag beso naman si Mommy kay Marco

"Talo na ba sa family vote?"

"Talo na agad"

Magkasulubong na kilay akong humarap sa mga abnormal kong frennies.

"Anong family vote?"

"May sinabi ba kami?" Iwas ni Leira

"Sa lakas ng boses mo" irap ko sa kaniya

Niyaya kami ni Kuya na pumunta muna ng garden, este sila lang pala dahil ayaw nila akong kasama. Si Leira at Grace ang kasama ko ngayon, psh. Napairap na lang ako sa lakas ng mga boses nila, akala mo ay nag dedebate sila. Paulit ulit din kaya hindi ko na napagilan makisali

"Sino ba yang tinutulungan niyo manligaw?" Tanong ko

Nagkatingin pa sila pareho saka umiling

"Wala"

"Ewan"

Napabusangot na lang ako sa mga sagot nila.

"Ewan ko ba! Ang baduy niya!" Iritang sabi ni Leira

"It's not baduy kaya! Macucurious siya kung sino iyon" umirap naman si Grace kay Leira

"Kung kani-kanino niya ipinaabot, malamang iisipin niya na ang nagbigay ang nanliligaw sa kaniya!"

Napatingin na lang ako sa kanilang dalawa, teka parang may connection ako sa pinag uusapan nila? Nung tinignan nila ako pareho silang tumayo at tumakbo palabas.

Mga abnormal!

Pinuntahan ko na lang si Mommy, "Mommy, sino yung nagpadala sa inyo ng flowers saka chocolate?"

Umalis ito sa may tapat ng oven saka umupo sa tabi ko," Kilala ko na, kaso secret nga lang" tumili si mama na parang mas bata sa akin

"Bakit may ganon?"

"Liligawan kasi dapat muna ang magulang, bago ang anak!" Pumitik si mama sa ere na parang bata kaya napanguso na lang ako ng magsimula na siyang magbake

Sino namang anak ang liligawan? Ako kaya? Gusto ko si Damon! Hmp.

Lumabas muna ako ng kusina. Dumiretso ako sa garden at naabutan ko ang mga boys na masinsinang nag uusap. Nagtago ako sa may bush, at nakinig sa usapan nila.

"Malapit na." Sabi ni Daddy

"Pero tito," ay grabe si Lance, chos! "Baka maunahan pa siya"

"Oo nga tito, malay mo" nag kibit balikat si Coco

"Hindi ako papayag" nakakunot na muli ang noo ni Damon

Magtataka pa lang sana ako ng may dalawang kamay na humawak sa braso ko at hinila ako papalayo doon

"Ikaw chismosa ka" sabi ni Leira sa akin, nasa sofa na uli kami ngayon

"Akala mo ikaw hindi" sagot ko sa kaniya

"May nagugustuhan ka na ba?" Nabigla ako sa tanong ni Grace na nakasalamin.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil once na malaman nila ipagkakalat nila yun. Like hello, nasa tabi lang namin siya!

"Ano namang meron sa salamin mo?" Takang tanong ko

Inayos niya ang salamin niya at kumunot ang noo, "Tinatry ko lang basahin ka, you know"

Binatukan ko siya sa sinabi niya at inalis ang salamin na suot niya, "Gaga, hindi ako libro"

Tumawa lang si Leira, kahit kailan hindi na naging seryoso 'to.

"Ano? Wala ka talagang nagugustuhan?" Ulit na tanong nito kaya umirap ako

"Wala bakit naman?" Tanong ko dito, hep! Dapat hindi nila malaman, duh?

"Weh?" Panunuri ni Leira

"Meron este wala nga!" Tinaas ko pa ang dalawa kong kamay dahil sa nasabi ko

"Gaga, narecord mo ba!?" Sigaw ni Grace kay Leira

Nakakaloka naman ng beauty 'tong dalawang ito. Nakilala ko silang mahinhin at tahimik. Ngayon naman, kulang na lang ay isigaw na nila sa tenga ko ang mga sinasabi nila

"Sorry, hindi hehe" nag peace sign pa si Leira, "Sino namang gusto mo?"

"Kailangan niyo ba malaman?" Tumango silang dalawa

Halatang naghihintay sila ng sagot, kaya hinila ko ang ulo nila saka ako bubulong

"Yung hindi tao." Ngumisi ako sa kanila saka sila tinawanan. Nakabusangot sila pareho

"Liar!"

"Ano ba yan!?"

"Anong sabi?' Nanlaki ang mata ko ng narinig ko ang boses ni kuya, paglingon ko ay nandoon silang mga lalaki.

"Yung hindi daw tao" nakabusangot na sabi ni Leira

"Kase yung gusto ko ay.." tumayo ako at tinignan silang lahat, sorry daddy hehe, sobrang pagiging makasalanan ang gagawin ko. Forgive me! "Yung kaya akong dalhin sa impyerno."

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now