"Inistorbo mo pa yung bata kanina" sabi ko sa kaniya kaya natawa siya bigla
"Ako sana ang lalapit kanina kaso inagaw nung bata at sinabi niyang siya na ang lalapit."
"Sus palusot" tumawa na ako
Bulok magpalusot nitong Raphael na ito, tsk. Tsk.
"You look good when you're happy." Nabigla ako sa sinabi niya kaya napatigil ako
"Yeah" yan na lang ang nasabi ko at umiwas ng tingin. Ano ba yan, self.
Ilang oras pa ang itinagal ko doon at nakikipagkwentuhan kay Raphael. Binabantayan niya lang pala si Aldus saktong nakita niya ako na malungkot ay iaabot na sana pero inunahan na siya ni Aldus. Aldus looks like a caring guy.
Baka marami 'tong maging babae. Palangiti si Aldus at may kasama siyang babae ngayon. Nagtatawanan sila pero napako ang atensyon ko doon sa taong naglalakad papalapit sa pwesto ko o sadyang nag iilusyon lang ako?
"Kuya Gio?" Bulaslas ko saka ako napatayo
Malamig ang awra ng lalaking ito. Anong problema nito?
"Hihiramin ko lang, Raphael." Nakita ko namang tumango si Raphael at pinuntahan na si Aldus. Hawak hawak ni kuya Gio ang braso at inalok akong umupo sa may bench
Sabi ko gusto kong magpahangin. Bakit nandito na ang dalawang 'to? Tsk.
"Oh" tinanggap ko naman ang ang inaabot niya sa aking ice cream na ang flavor ay Vanilla. Tinignan ko naman siya pero nananatili siyang seryoso saka tumabi sa akin
"Anong meron, kuya Gio?" Tanong ko dito na kumakain
He shrugged his shoulder
"Come on. You can tell me naman" pag aalok ko dito
Ako dapat yung nagsasabi ng problema ko pero heto ako ngayon, mag aadvice at makikinig ng problema nila.
"I just want to see you. Umiyak ka daw sabi ni Grace"
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya pero nakakapagtaka naman na pupunta pa siya dito. He can call me or just message me if he want to. Pero nag abala pa siya ng panahon at pumunta sa akin
"That's nothing."
"Boyfriend mo ba talaga si Damon?" Tanong nito
Natigil naman ako sa pagkain. Bahagyang natigilan. Hindi ko alam kung isasagot ko. I should answer yes.
"No." Pagtanggi ko
Hindi ko na papatagalin 'to.
"Akala ko ba?"
"Nagbibiro lang 'yon." I shrugged my shoulder and continue eating
Nung naubos na yung ice cream ko ay ubos na din ang kaniya. Kanina pa siya tingin ng tingin sa relo niya
"Are you going somewhere? You should go na." Sabi ko dito
"Yeah, I'll text you later." Humalik ito sa noo ko at umalis doon
Tumayo na din ako para lapitan si Raphael at Aldus na ngayon ay magkatabi na. Seryosong nag uusap kaya tumikhim ako para mapunta ang atensyon nila sa akin
"Sorry boys. Haha, aalis na ako" pagpapaalam ko dito
Nagulat naman ako ng biglang yumakap sa akin si Aldus
"Ate, kita uli tayo ha?" Tumango naman ako dito at ginulo ang buhok niya. Napabusangot na lang uli siya at inayos ang buhok niya.
"Ingat ka" sabi ni Raphael na nakatingin sa akin
"I will. Kayo din"
Nagwave pa ako sa kanila at nag abang ng taxi, nagugutom na talaga ako. Nagsabi ako na ideretso muna ako sa isang fast food chain. Laking papasalamat ko na hindi traffic ngayon, nag abot na ako ng bayad sa driver at bumaba.
Unti lang ang inorder ko at nagsimula ng kumain. Madami paring tao dito kahit marami na ang restaurant dito. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang taong gusto ko ng layuan at ang babaeng mahal niya. Bigla akong tumungo para hindi nila ako makita, papunta sila sa dereksyon ko o sa likod ķo. May space doon
Nung naramdaman kong lumampas na sila ay itinungo ko na at nagsimulang kumain na. Napapairap na lang ako sa kawalan
"Tanga ka naman Damon, pinagselos mo ba?" Rinig kong tanong ni Lexi
"Hindi, hindi nga ako kinakausap" nagdiwang ang puso ko sa narinig ko dahil alam kong ako ang tinutukoy niya.
"Kelan niyo ba ititigil yang laro na yan?" Bigla akong natigil sa pagkain. Hinihintay ko ang sasabihin niya at halos manlumo ako sa sagot niya.
"Hindi ko alam."
Binilisan ko na ang kain ko at kinuha sa pouch ko ang cellphone ko.
"Tatawagan ko" rinig kong sabi ni Damon kaya hindi ko na binalak na buhayin ang cellphone ko "Ayaw sumagot"
Napangisi na lang ako. Sa tuwing tinatawagan niya ako ay kasama niya si Lexi?
Umiinom na ako ng tubig ngayon para maka alis na ako.
"Insan, sabihin mo na kaya?"
Tangina, Insan!? Totoo ba yung narinig ko o guni guni?
Bigla kong nabitawan ang baso na hawak ko kaya natapon ito sa lamesa. Nagmamadali akong tumayo at naramdaman ko din na napatayo yung nasa likod ko. Agad akong tumungo para hindi nila ako makita, damn.
Buti na lang ay bayad na ako kaya umalis agad ako doon pagkadating ng mga crew. Lalabas na sana ako ng mabangga ko yung taong papasok, nanginginig na ako. Pinsan?
![](https://img.wattpad.com/cover/224604590-288-k519528.jpg)
YOU ARE READING
Stay still, My love. (chasing series #1) ✅
Teen FictionCHASING SERIES #1 Status: Completed. Date: April 16 - May 11 2020. (August 16, 2020.) Chelsea Silvestre. Chelsea's known as the maldita and pala away girl of the entire school. She believes that no man can make her chase because she's born to be the...
Kabanata 25
Start from the beginning