"Alam ko naman yun daddy." Nakangisi kong sagot

"Diba, kuya?" Nakita ko ang pandidiri sa muka nito kaya binato ko siya ng unan

Nakangiti akong naghihintay dito sa sofa. Pagtingin ko sa wrist watch ko ay malapit na mag seven. Nakarinig ako ng busina sa labas kaya nagmamadali akong lumabas, bumungad sa akin ang lalaking demonyo.

Naka white polo shirt siya at khaki short. Damn, ang gwapo gwapo. Sumilay ang ngiti nito na lalong nagpalambot ng puso ko. It's melting. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Aalis po muna kami, Tita at Tito. Maaga po kaming uuwi." Magalang na sabi niya pag kapasok namin

"Wag mo na iuwi" sabat ni kuya

"David!" Reklamo ni Mommy

"Sige, mag ingat kayo." Sabi ni Daddy at tumingin sa akin "Behave."

Tumango lang ako sa kanila saka sila hinalikan sa pisngi at lumapit na uli kay Damon.

"Let's go?" Nakangiti nitong sabi, shet.

"Sure." Kumapit ako sa braso niya saka kami lumabas.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok naman ako. Bakit ang gwapo ng demonyong ito? Nakakainis.

"Nakita ko yung post mo sa insta, ikaw ha." Paninimula ko ng usapan ng pinaandar na niya ang makina

"Maganda ka naman doon."

"Am I pretty, Love?"

"Yes. Ikaw ang pinaka magandang babae sa mga mata ko."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya kahit hindi naman siya nakatingin. Sasabog na talaga ang puso ko! Unti na lang, Damon!

"Where do you want to eat?"

"I dont know. Ikaw na ang bahala" sabi ko sa kaniya

Ilang minuto lang yata ay nandito na kami sa may parking. Agad akong bumaba doon at kinuha ang cellphone ko. Bahagya pa siyang nagtaka

"Picture." Ibibigay ko sana ang cellphone ko ng hindi niya tinanggap iyon.

"Give me the best shot, Love." Ngumisi ito sa akin

Umupo ako sa unahan ng kotse niya at ibinigay lahat ng pose ko. May naka pikit, naka dila, naka pout, naka sandal, nakatayo, nakapamewang. Aish, basta lahat.

"Sasama ako." Lumapit siya sa akin at inakbayan ako

Nabigla na lang ako nung nag flash ang camera dahil naramdaman ko ang pag dampi ng labi niya sa pisngi ko.

What the actual fuck. It's so cute! Naka-akbay siya sa akin at nakakiss sa pisngi ko habang ako ay nanlalaki ang mata.

"Damn, you're so cute." Pagpupuri niya sa akin pero pinasadahan niya ako ng tingin "What the hell, Love? Sabi ko hindi maiksi."

"Wala na love e."

Nagulat ako na iwinallpaper niya iyon at ipinasa sa akin ang picture ko. Iwinallpaper ko din ang picture namin na iyon saka nag post sa insta.

"Love! Nasaan yung kita ang legs!?" Asar na sabi ko

"No, ako lang pwedeng makakita nito." Sabi niya at inilayo ang cellphone niya sa akin

"Makikita naman nila ako mamaya." Nakanguso kong sabi

"Kahit na. Hindi niya sinend yung ibang picture ko doon dahil kita daw ang legs ko, hmp.

C.Silvestre: Captured by love

Pagkatapos noon ay pumasok na kami sa mall na magkahawak ang kamay. Nagtitinginan pa yung ibang tao, like hello mind your own businesses!

"Sa arcade tayo" sabi niya kaya ngumiti lang ako

"Is this a date?"

"Yes."

Sasabog na talaga, help me please.

Naglaro lang kami doon. Hindi na kami naglaro doon sa kumuha ng stuff toy dahil pareho kaming naistress dahil wala kaming nakuha. Bagay naman kami, parehas bulok.

"Tara na, baka nagugutom kana." Hinawakan niya ulit ang kamay ko at ang ngiti ko na naman ay sobrang lawak

"Tara"

Ewan ko kung anong thai restaurant ang pinasok namin. Umorder lang ako ng pagkain na tingin ko ay masarap naman. Naghihintay lang kami ng order kaya naisipan kong buksan ang cellphone ko. Bumungad sa akin ang wallpaper ko, cute.

"Why are you smiling?' Tanong nito sa akin

"I'm just happy."

Pagkabukas ko ng insta ko ay bumungad sa akin ang mga comments nina leira. Mga siraulo talaga!

L.Mendez: Omg, so gorg.

G.Miranda: Hindi nag yaya!

Napatawa na lang ako sa comment ng dalawa. Nung itinago ko ang cellphone ko ay namangha ako sa mga pagkaing nakahanda. Sinimulan ko ng kumain. Naglabas ng cellphone si Damon at itinapat sa akin

Hawak hawak ko ang kutsara ko at susubo na sana ng inagaw ko sa kaniya yung cellphone niya pero inilayo niya

"Damon!" Suway ko sa kaniya pero itinago lang niya ang cellphone niya

Kain lang kami ng kain hanggang sa mag sawa kami. Pagkatapos ay binayaran na namin ang bill, at lumabas na doon. Magkahawak kamay pa din kaming dalawa ng lumabas.

"Walang forever"

Napairap na lang ako sa sinabi nung mukang junior high school pa lang na kasama ang mga kabarkada.

Bumili lang kami ng mga pagkain na pasalubong kina mommy. Naglalakad na kami ngayon papunta sa parking. 3 o'clock na kaya, bilis ng oras.

"Thanks for the date, love." Sabi ko ng pinag buksan niya ako ng pinto

"Anything for you."

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now