"Stay here," mariin niyang sabi sa akin bago sinagot ang tawag.

Sinundan ko siya ng tingin. Seryoso siyang nagsasalita habang nakikipag-usap, halatang pinipigilan niya ang kaniyang ngisi.

Napatingin ako sa dalawang babae na nagtatawanan habang tinuturo turo ako. I cleared my throat while watching them. They stopped on laughing when I raised my brow. 

"Are you Flint's girlfriend?" 

Napatingin ako sa babaeng nasa gilid ko. Tumingin ako sa kabilang gilid ko upang tignan kung sino ang kinakausap niya. Nang marealize na ako ang kinakausap niya ay sinagot ko siya.

"Yes," I simply answered.

She smiled a little before she introduced herself. "I am his mom."

Nagulat ako sa nalaman. Napaawang ang bibig ko nang marealize na siya ang katawanan ng ama ni Flint sa lamesa kanina.

"I'm sorry for what my husband did earlier," she was sincere. "And I am sorry, too for what Flint did. I'm sorry he cheated." 

Bahagya akong umiling sa sinabi niya. "He didn't cheat. Rachel was lying," I said, defending my boyfriend.

"She is a liar, isn't she?" she laughed a little. "Kaya ayoko sa babaeng iyon. Pero mas ayoko sa'yo." 

Nakaramdam ako ng kahihiyan sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Dan. Napatingin ako sa kaniya nang kaniyang  hinawakan ang braso ko.

"Auntie..." 

"Dan, we're talking," she smiled at him.

"Auntie, kapag nalaman ni Flint iyan..."

"We're just having a talk, Dan. Keep your worries away," sabi ng ginang at muling ngumiti sa pamangkin.

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Dan bago umalis. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang lumayo siya ngunit patuloy ang panunuod niya sa amin. I smiled a little to assure him.

"Are you still studying? What's your course, hija?"

Humugot ako ng malalim na buntong-hininga bago siya sinagot.

"BS in HM po. Major in Culinary," magalang kong sagot.

Tumango-tango ito sa sinabi ko. "Good for you. But not for my son. Especially kapag nalaman iyan ng asawa ko. Ayokong nakikitang nahihirapan ang anak ko," her voice broke. "Ilang beses na siyang nasaktan. Ayoko na maulit iyon." 

Hindi ako nagsalita pagkatapos noon. Naramdaman ko ang sakit na nadarama ng ginang para sa anak niya. 

"Siguro ay hindi mo ito alam. Pero sobrang naghirap ang anak ko sa mga nakaraang mga taon. Nang mas pinili niya ang gusto niyang kurso," she paused so she can wipe her tears. "Mahal na mahal ko ang anak ko. Sonya, right? Sonya, please, layuan mo na lang siya," she pleaded and wiped her tears again.

Malungkot akong ngumiti sa kaniya. "Mahal na mahal ko rin po siya." 

Napaawang ang labi niya sa narinig.

"Kapag po ba iniwan ko siya, magiging masaya ba siya? Hindi ko ba siya masasaktan?" I paused. My chest hurt when I think of the possibilities.

"Ayoko rin po siyang masaktan..." I whispered. 

"Masasaktan siya! Pero ang selfish mo naman! Paano naman sa dad niya? Isipin mo iyon," naghihisterya na siya sa harapan ko.

Napalunok ako habang tinitignan ang ibang mga bisita na napapatingin dahil sa malakas na sinabi ng kaharap ko. Umiling iling ako sa sinabi niya, desidido nang tapusin ang usapan.

His Cold Touch (Japan Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum