"Son. You're here," he looked in front and called Rachel. "Rachel, Flint is already here." 

Napatingin ako kay Rachel na bahagyang natawa. Tinakpan niya ang mukha niya na parang nahihiya. Ngumisi siya sa akin.

"Tito Raf, he's with someone. Who is she, Flint?" Rachel pointed at me, obviously teasing me.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Flint sa akin. Kinabahan ako sa nasasaksihan.

"Dad, this is Son-"

"Flint, bakit hindi mo samahan si Rachel?" the man didn't look at us. 

Naramdaman ko ang pagnginig ng boses ni Flint nang magsalita siya. "Hear me first. Please? This is Sonya, my girlfriend."

Pagkasabi niya noon ay maraming mata ang umaligid sa amin. Ang babaeng katawanan ng ama ni Flint ay gulat na napatingin sa akin. Napatingin rin sa amin si Dan at ang kaniyang ina, nakaawang ang mga labi na wari mo'y gulat na gulat sa narinig. Pinantayan ko naman ang mapanghusgang tingin ni Rachel sa akin, ngumingisi at kala mong nandidiri.

Nakaramdam ako ng kahihiyan nang marami ang napatigil sa ginagawa at nagsimulang mag-usap nang nakatingin sa banda namin.

Kumirot ang puso ko nang saglit na tumingin sa akin ang ama ni Flint, agad ding nag-iwas nang makita ang mukha ko. Para akong hindi dapat tinitignan. Uminit ang mukha ko nang pinagtawanan kami ng mga taong nasa lamesa. 

"Rachel, kamusta kayo ng anak ko?" tanong ng lalaki kay Rachel, hindi pinapansin ang anak.

"We're doing fine po in our training. Medyo busy po," she smirked at me. "But it was fine. Sabay po kaming nagpapahinga sa condo niya kapag gabing gabi na po ang uwi."

Napaawang ang labi ko sa narinig. Pinanatili ko ang tingin mo sa harapan kahit na nakita ko ang pagtingin ni Flint sa akin. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin.

"Sonya..." he paused. "Rachel, what are you-"

"Flint, hindi naman na sikreto..." she cut him off and then laughed.

Huminga ako nang malalaim at kinontrol ang namumuong luha sa mga mata ko. 

"Sonya, let's go." 

Naramdaman ko ang hawak ng kung sino sa akin. Tumulo na ang mga luha ko nang makita si Dan na hinihila ako paalis doon. 

Bago pa tuluyang makalayo sa lamesang iyon ay narinig ko ang malakas na pagtawag ng kung sino sa pangalan ni Flint.

"Dan-" 

Humarap si Dan kay Flint na nakasunod sa amin. 

"Bumalik ka roon. Tangina, iuuwi ko si Sonya," galit niyang sabi.

"She is my girlfriend, Dan," mariing sabi ni Flint. 

"She is my bestfriend, Flint. Ayusin mo ang gulo roon at iuuwi ko si Sonya. Huwag mo siyang idamay." 

Marahas kong pinunsan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. 

"Flint..." I looked at him. "Bumalik ka na roon."

Napaawang ang labi niya nang makita ang mukha ko. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

"I'm sorry. We'll fix this, okay? I love you." 

I unconsciously nodded at him.

"Tara na," hinila ako ni Dan paalis roon.

Dire-diretso lang ang lakad namin palabas nang matigil kami dahil sa nakatanggap si Dan ng tawag. Nagpalipat-lipat ng tingin sa Dan sa akin at sa kaniyang phone, nagdadalawang isip kung sasagutin muna ba iyon o hindi.

His Cold Touch (Japan Series #1)Where stories live. Discover now