"Chelsea!" Bahagya akong napatalon sa sigaw sa labas kaya dali dali kong binuksan ang pintuan.

"Ay kalabaw!" Gulat na sabi ko habang nakatingin kay Kuya.

"Ako kalabaw? Ang gwapo ko namang kalabaw." Agad siyang pumasok sa kwarto at umupo sa kama ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Ano nang score?" Tanong niya na ikinagulo ng utak ko.

"Ano bang iscore yan!?" Sigaw ko sa kaniya.

Kanina ko pa naririnig yang letcheng score na yan. Tatanungin ko lang sila mommy pagbaba ko.

Napasuntok sa hangin ang kapatid ko habang nanlulumo. "Mahinaa talaga ang ugok na 'yon!" Sabi niya at iniwan akong tulala dito.

Tangina, ano bang score!?

Pagbukas ko ng laptop ay halos mabato ko na 'to ng lumabas ang word na score. Psh, hindi ko na bubuksan yan. Agad na akong nagpalit ng damit at inis na bumaba patungo sa sala kung nasaan sila at nanonood

"Mommy," panimula ko kaya napatingin siya "Nag ka iscore ba kayo ni Daddy?"

Muntik ng mabulunan si Mommy kaya hinimas agad ni Daddy ang likod nito.

"Nak, syempre may score." Ngiting panalong sabi ni Daddy

Damn? Ano bang score yan!?

Hindi ko na lang sila pinansin at binuksan ang cellphone ko. Nag chat sila sa gc.

Grace: ano daw score?

Leira: wala pa daw e

Grace: bagal talaga noon!

Leira: sabihin mo bulok!

Grace: kung ako yon, naunahan ko na. Mahina siya

"Goodmorning" nakangiting bati sa akin ni Grace pagkapasok ko ng room, si Grace na bahalang magpasa noon noh.

"Morning." bati ko saka umupo.

"So ano na?" Kumunot naman ang noo ko at tumingin kay Grace.

"Don't tell me wala pa ding score!?"

Napatingin na lang ako ng biglang humagalpak ng tawa si Leira sa tabi ko habang hinahampas ako.

"Aray!" Reklamo ko sa kaniya.

Ano bang problema ng mga 'to? Ano bang score yan!? Lintik na yan, hindi na ako pinatulog ng score na yan!

"Can someone explain me what the hell is that?" Inis na sabi ko.

Napamunot na lang ang noo ko nung pumasok si Damon at lahat ng kaklase ko ay tumingin sa akin.

"Anong score?" Sabay sabay nilang tanong sa akin.

Halos mapamura ako sa inis sa tanong nilang lahat. Punyeta, ano bang score!?

"Shut up!" Inis na sigaw ko at tumayo.

"Ms.Silvestre?" Bigla naman akong napaupo nung tawagin ako nung prof namin. Napasuntok na lang ako sa hangin sa inis, rinig ko pa ang hagikhik nina Leira sa tabi ko kaya umirap na lang ako.

The hell.

"Score pa more." asar sakin ni Grace.

"3 points." dagdag ni Leira.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil inis na inis na ako. Babangasan ko 'tong dalawang ito!

Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso na kami sa canteen para kumain, sasabay daw kami kina kuya sabi ni Grace. Siya pa mismo nagyaya.

"Let's go mga pagong." nakabusangot na sabi ni Grace at ako naman ay padabog na sinakbit ang bag ko nung pilit kuhanin ni Damon.

"Ako na nga, naputol ba kamay ko?" Sabi ko at tinabig ang kamay niya.

"Lq." sambit ni Leira

"Ano!?" Sabay na sigaw namin ni Damon kaya nagkatinginan kami.

"Duh!" Tumalikod na ako sa kaniya at naunang maglakad.

Napairap na lang ako ng bigla akong akbayan ni Damon. Mabilis pa sa alas kwatro kong inalis ang kamay niya pero hinawakan niya lang ang kamay ko at lumapit sa akin.

"Love." Agad nagtayuan ang balahibo ko sa batok kaya agad ko siyang itinulak.

"Kadiri!" Sambit ni Grace at hinila si Leira paalis.

"Damn you." Iritang sabi ko at binilisan maglakad.

"Are you in a hurry, Love?" Aish, why this man is annoying!

"Don't call me love, yuck" nandidiring sabi ko.

Inilabas niya ang phone niya at narinig ko ang boses niya. Ito yung sa kotse niya.

'Last but not the least, I'll call you love.. wether you like it or not'

"Okay, you won." Inis na sabi ko at hinampas ang kamay niyang muling aakbay sa akin.

"Aba, hindi na kayo umalis dyan? Gutom na kami" Sabay irap ni Leira sa akin.

Pagdating namin sa canteen pansin kong halos natahimik sila. Damn, bakit? Nakakakaba psh. Agad akong kumaway nung makita ko si Marco.

"Marco!" Agad akong tumakbo papunta sa kaniya at niyakap siya.

"Shit, gago nagwawala si Damon!"

"Pigilan mo!"

"Damon, calm down."

Rinig ko ang boses nila na ikinangisi ko. So my love is jealous? Sabagay, i don't mind. Mas hinigpitan ko ang yakap ko kay Marco na halatang nagulat pero maya maya lamang ay gumanti ito ng yakap. Success!

I wanna see his angry face, right now.

"Back off, dude."

Nakangiti akong nagpapahila kay Damon habang ang higpit ng hawak niya sa braso. Love, why so angry. Napapaghalataan, wag mo sabihing nahulog na agad ang kupal na 'to? Tsk. Nag peace sign lang ako kay Marco.

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now