"You really want me to do it, huh?" Agad niya akong kinabig kaya naman napairit ako.

"Let go of me!" Inis na sigaw ko dahil hawak niya pa rin ang batok ko, ang lapit lapit niya!

"No. Five." napapikit na lang ako ng maramdaman kong may dumampi sa noo ko.

"Sign of respect." Nakangisi niyang sabi kaya nung nakabawi ako ay pinaghahampas ko siya.

"Manyak!" Sigaw ko sa kaniya habang hinahampas hampas pa din siya.

"You should thank me." Pang aasar niyang sabi.

Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating sina Leira na may mapang asar na ngiti. Nakita ba nila!?

"May kinuha lang ako, may kiss na sa noo. Paano pa kaya pag umalis ako sa bahay? Baka sa labi na." Iling iling na sabi ni Grace.

Lord, pakilubog ako please!

"Nakuhanan ko yon." proud na sabi ni Leira sa akin

Damn! Ayan yung kinabig niya ako. Aish. Agad kong kinuha ang cellphone ko at madiing nag type doon

To: Demonyo

Ugaling demonyo!

Agad kong tinago ang cellphone ko at nagsimula na sa gagawin namin.

"Kailangan matapos na 'to. Baka hindi makatiis 'tong dalawang ito." paninimula ni Grace at sinabi sa amin ang gagawin namin. Napairap na lang ako sa kaniya

 5 pages kailangan namin at patapos na ako. Nag vibrate naman ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon

From: Demonyo

Am I evil to you?

Inis na binagsak ko ang cellphone ko doon at kumuha ng sandwich na dala dala nina Grace kanina. Malapit na akong matapos, 11:21 na kaya. Kumakain lang ako ng biglang may kumuha ng tinapay na kakagatin ko na sana. Agad kong sinamaan ng tingin kung sino mang walang hiya ang gumawa noon

"Kanina pa kita kinakausap.." sabi ni Damon.

"Ha?" Maang maangang sabi ko.

"Sabi k-"

"Hatdog." irap ko sa kaniya "Akin na nga yan!" Sigaw ko sa kaniya habang pilit kinukuha ang tinapay ko.

Halos manlumo ako nung kinain niya yong tinapay ko. Demonyo talaga, walang hiya. Agad ko siyang hinampas hampas.

"Demonyo!" Galit na asal ko.

"Daming langgam!" Napatigil na lang ako sa paghampas at mapalingon sa dalawa.

"Tara na kain na tayo." Sabi ni Grace.

Agad kaming nagtinginan ni Damon at tinalikuran ko siya. Pagkarating namin doon sa kusina ay agad akong yumakap kay Tita Gina.

"Tita, inaaway nila ako.." kunwaring sumbong ko kay tita habang nakayakap.

"Hindi po ah." nakangusong saad ni Leira.

"Nanay mo teh? Nanay mo?" Pilit akong hinihila ni Grace sa pagkakayap ko kay Tita Gina.

"Akala mo hindi ka ganito kay mommy." sabi ko.

Napatigil na lang kami sa ginagawa namin. Kase si Leira yumakap kay Grace habang ako naman ay hinihila ni Grace tapos si Damon nakapoker face lang. Napanganga ako kung sino ang tumikhim.

"Kuya Gio!" Tuwang tuwang sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Nabuhat niya pa nga ako dahil patalon akong yumakap.

"Bigat mo na, Chels." Ibinaba ako nito saka ako kiniss sa noo.

"Nauna pa siya kuya?" Iritang sabi ni Grace pero napako ang atensyon ko sa taong demonyo na sobrang lalim ng tingin.

Nginisihan ko lang siya at tinaasan ang kilay. Selos?

Agad na silang kinausap nina Tita Gina at ito ako nakangising lumalapit sa lalaking nakapamulsa habang magkasalubong ang kilay niya. Agad akong bumulong sa kaniya pagkalapit ko, tumingkayad pa ako.

"Nagseselos ka ba?" Kahit ako ay nangilabot sa itinanong ko.

"Sino yan Chels? Boyfriend mo?" Tanong ni kuya Gio habang nakakunot ang noo.

Napatingin din naman ako sa kanila dahil halatang nagsusukatan lang sila ng titig. Agad akong umiling sa kaniya.

"No, Kuya." Pag tanggi ko, duh?

Napasinghap na lang ako ng biglang akong hapitin ni Damon sa bewang at agad sumilay ang maganda niyang ngiti.

"I'm her boyfriend. Damon Foncio and you are?" Nakangiti nitong tanong.

Lalong nagsalubong ang kilay ni kuya. Hays, walang makakaloko sa kaniya. Close kaya kami ni Kuya Gio at lalo namang alam niya lahat ng ginagawa ko. Lagi kaming bantay niyan nina Grace kahit dalawang taon lang ang agwat niya sa aming tatlo.

"Giovanni Miranda, fuck pang babae talaga yung apelyido." Mura niya pagkatapos magpakilala.

Sabay sabay kaming tumawa maliban na lang sa galunggong na ito na seryoso pa din.

"Kaya wala kang girlfriend!" Pang aasar ko, pilit kong inaalis ang pagkakahawak ni Damon pero hinigpitan niya lang ito.

"Duh, hindi bagay sa kaniya!" Sunod ni Grace

"Kuya Gio, irereto na lang kita sa mga baklush." Akala ko maganda ang sasabihin ni Leira pero mas lalo kaming napahagalpak ng tawa ng umalis ito.

Nakakapagtaka nga dahil wala siyang girlfriend. Mestiso, matangkad, makapal ang kilay, maporma umayos, mabango, masungit ack. Pero wala siyang girlfriend.

Pagkatapos noon ay binitawan ako ni Damon at nagsimula na kaming kumain. Dumiretso na ako ng garden para kuhanin yung laptop pati kay Damon, baka iwanan pa ng kupal na yon. Maglalakad na sana ako ng biglang may humablot sa laptop ni Damon.

"A..ako na" sabi niya at nagmamadaling umalis doon.

Anong problema non? Natatanga na naman.

Agad na kaming nagpaalam ni Damon kina Tita Gina habang kasama namin si Leira na nakasakay sa likod. Kanina niya pa kami dinadaldal dito sa loob, bakit parang ang layo ng bahay nito kapag maingay?

"So, what's the real score Damon?" Ngiting tanong nito sa lalaking deretso lang ang tingin sa unahan.

"Hindi pa ako nakakascore eh." Nakangising sabi niya, ano!?

"What the hell?" Bulalas ko sa sagot niya.

Humagalpak ng tawa si Grace sa sagot ni Damon at Reaksyon ko. Tumahimik na lang ako hanggang sa nakarating kami sa bahay nina Leira.

"Bye bye!" Sigaw niya.

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now