Ayaw na ayaw ni kuya na kinakausap siya kapag badtrip siya kaya okay lang sa kaniya kahit hindi ko siya pinapansin.

Kanina pa ako naiinis sa kasunod ko. Kasunod ko na naman si Damon, sabagay trabaho niya nga naman 'yon psh. Binilisan ko pa ang lakad ko pero naaabutan niya ako.

"Are you mad?" Tanong niya, kasabay ko na siya maglakad dahil nakakapagod dahil may humahabol sa akin.

"Nope." Maiksing sagot ko at binilisan ko na uli ang paglalakad ko.

"Sure?" Paniniguradong tanong niya kaya hinarap ko na siya.

"Galit man ako o hindi, wala ka ng pakialam doon." Sabi ko sa mababang tono.

And this time, hindi na siya nakasunod sa akin. Nakahinga ako ng maluwag bago ako pumasok sa room. Tahimik lang ako na umupo doon sa gitnang upuan na katabi ay Sina Leira at Grace.

"Badtrip yan." Agad na sabi ni Leira nung kakalabitin ko si Grace.

"Bakit daw?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam. Ganiyan siya nung pagpasok niya" then she shrugged and started doing her things.

Napairap na lang ako sa kawalan habang hinihintay ang prof namin at hinihintay si Damon.

Kasalanan ko ba na sabihin yon? Magbabantay lang siya sa akin pero wala na siyang pakialam sa buhay ko. That's all. Psh. Ano naman kung hindi siya pumasok?

Nandoon lang naman siya girlfriend niya.

"Wag mo sabihing pati ikaw badtrip?" Agad akong napatingin kay Leira na nakakunot ang noo.

Umiling lang ako habang nakatingin sa pintuan. Nasaan na ba siya? Malapit ng dumating ang prof namin. May quiz kami, tanga ba siya!? Habang nakatingin ako sa pinto, nawalan na ako ng pag asa dahil ang pumasok ang prof namin.

Parang walang pumapasok sa utak ko pero nagsasagot pa din ako sa quiz namin. Nasaan na ba siya?

"Waiting for someone, huh?" Tanong ni Leira sa mahinang boses.

"Nope." Si Damon.

Si Leira lang naman ang makakausap ko dahil parang kahit siya ay lutang. Ano ba ang problema nito? Parehas sila ni Kuya, hindi makausap.

Para akong zombie na naglalakad para ipasa ang papel ko pero agad akong nabalik sa huwisyo ng makita si Damon na may pasa. Saan galing yun? Nagsorry pa siya sa prof namin na mamaya na kukuha ng quiz. Magiging nanay yata ako mamaya.

Matapos naming lahat sa quiz ay nag dismiss na yung prof namin kaya naman agad akong natameme. Hindi ko alam kung anong sasabihin at kung paano ako magsisimula.

Simple lang naman ang itatanong ko e. Kung saan siya galing at kung napaano ang muka niya. Pero hindi ko magawa, psh.

"Damon, anyare sa face mo?" Agad na tanong ni Leira.

"Wala 'to." Sabay lihis niya ng tingin at agad ding lumabas sa room.

Nung makaalis siya ay agad akong sumunod sa kaniya kahit tinatawag pa ako ni Leira na wag umalis. Promise, itatanong ko lang. Agad akong sumunod sa kaniya nung makita ko siya pero agad din akong napatigil nung makita kong lumabas at nagmamadaling pumunta kay Damon.

Nakita ko ang pag aalala sa muka niya kaso ako hindi ko kayang gawin yon. Agad na akong tumalikod at bumalik sa room

"Saan ka pumunta?" Tanong ni Leira pag ka upo ko, saktong pag dating ng prof namin.

"Restroom." Lies.

"You're not good at lying, you know that? Nasa left ang restroom pero sa right ka pumunta." Nakita ko ang pagtataka nito sa muka pero hindi ko na siya pinansin.

Tatlong subjects na ang lumipas pero wala pa din siya. Siguro nasa clinic, hindi na din masyado badtrip si Grace dahil dumadaldal na siya psh. Mas okay pa na badtrip siya dahil ang ingay ingay nila ngayon.

Pagkadating namin sa canteen ay bumili kami ng pagkain at pumunta doon sa dulo na table.

"Alam mo ba kanina nagsinungaling si Chels." Paninimula ni Leira pag ka upo namin doon sa upuan.

Agad nagliwanag ang muka ni Grace "talaga? Bakit?" Napairap na lang ako dahil ang kakapal talaga ng muka ng dalawang ito. Like duh, nasa harap lang nila ako

"Sa restroom daw siya pupunta, pero sa kanan dumaan." Sabi ni Leira habang kami ay nagsisimula ng kumain

"Mga sections ang nandoon." Sabi ni Grace.

Agad akong nabulunan sa kinakain ko kaya naman dali dali akong uminom ng tubig at sinamaan sila pareho ng tingin.

"So.. saang section ka naman pumunta?" Panunuri nito sa akin.

"Nagkamali lang ako." Lies again.

Umirap lang sila sa aking dalawa at nag tuloy sa pag uusap. Kinginang chismisan, ako ang pinag uusapan. Nag pa alam ako sa kanilang dalawa na pupunta lang ako ng restroom, pero this time totoo na.

Pagkapasok ko sa loob naabutan ko si Lexi. Wala ako sa mood makipag away sa kaniya kaya hindi ko na siya pinansin at pumasok sa cubicle. Pagkalabas ko ay nandoon pa din siya.

Nag retouch lang ako pero hindi katulad ng iba sa sobrang kapal psh. Pulbo lang naman 'to, pwe. Pansin ko na nakatingin siya sa akin, hindi ko alam kung meron ba siyang sasabihin o wala pero saktong pag harap ko walang sabi sabing sinampal niya ako.

"Slut!" Sigaw niya pero nakatingin lang ako sa kaniya.

"I don't know why still calling me a slut. Do you know me?"

Talagang nakakawala sa mood. Sinampal ko din siya, mas malakas kung paano niya ako sinampal.

"Wala akong ginagawa sayo kaya please lang, tigilan mo ako." Aalis na sana ako doon pero hinawakan niya ang braso ko, tanginang higpit. Ibabalibag ko 'to.

"Sa akin wala pero kay Damon meron." Pag kasabi niya noon ay lumabas na siya ng pinto. "You deserve that slap, same with me."

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now