-08-

545 16 1
                                    

Hindi ako pinapasok ni mommy sa school ng ilang araw para raw makapagpahinga ako. Sinabi pa nga niyang umuwi muna kami kila grandpapa pero sinabi kung okay na ako dito. Pero sa nag-enjoy ako kahit na hindi ako pumasok, dahil lagi akong nakakapunta sa bahay nila baby damien. Palagi ko siyang nilulutuan ng lunch at meryenda kasama narin ng drinks niya

"Honey, andito na tayo." Ani mommy sa akin

"Thanks, mommy." Ani ko at humalik sa pisngi niya bago lumabas ng kotse

Dahan dahan akong naglakad papasok sa campus

Kaaakyat ko lang sa 2nd floor ay naririnig ko na ang ingay sa room namin. Nang pagpasok ko sa room namin ay agad na tumahimik na para bang may dumaan na anghel

Napahawak ako sa strap ng bag ko at naglakad papalapit sa upuan ko

"Good morning, baby damien." Bati ko kay baby damien ng makaupo ako sa tabi niya

"Good morning." Bati niya sa akin at umayos ng upo

Pumasok na ang teacher namin sa mapeh na si sir joseph "Good morning class. Ready yourself in five minutes. Magpeperform kayo ngayon sa gymnasium. Hihintayin ko kayo doon." Ani sir at lumabas na ng tuluyan

"Ezra." Napatingin ako sa likuran ko ng marinig kung tinawag ako ni axel

"Bakit?" Nakangiti kung tanong sa kaniya

"Andoon sa locker ko 'yung mga gamit mo." aniya sa akin

Humarap ako kay baby damien "Kita na lang tayo mamaya, baby damien." Ani ko at kinurot ang pisngi niya

Sumunod ako kay axel papuntang locker niya

"Mauna ka ng magpalit. Babantayan kita." aniya at inabot sa akin ang dalawang paper bag

"Doon na ako sa girl's locker room." Ani ko sa kaniya

"Okay, I'll wait you at the gym." ani axel at pumasok sa comfort room nilang boys

Agad akong nagpalit ng damit ng makarating ako sa locker room naming mga girls. Hindi muna ako nagpalit ng sapatos dahil malayo pa ang gymnasium mula dito sa locker room namin

Inilagay ko paper bag ko ang uniform ko at lumabas na ng locker room ng makapag-ayos ako

Nang makarating ako sa gymnasium ay may nagsisimula na

Naupo muna ako sa likuran ng mga kaklase ko at nanuod hanggang sa kami na ang huli

Aminin ko nag-selos ako ng mag-perform si baby damien at 'yung kapareha niya. Kahit na nagtitinginan lang sila, nagseselos na ako. Bakit ba kasi hindi na lang kami ni baby damien ang magkapareha

"Ezra, magpalit kana ng sapatos." Ani axel na nasa harapan ko

"Ako na." Ani niya at kinuha 'yung paper bag kung saan nakalagay ang boots ko

Seducing the cold Heirloom of Servantes حيث تعيش القصص. اكتشف الآن