Agad na kaming umupo ni Damon sa gitna at ganoon din sila.

"Vision of love By Mariah Carey." saad ni kuya habang inaayos ang camera sa unahan

Nag istrum na kami ng gitara kaya naman nagkatinginan pa kami ni Damon kaya umiwas ako ng tingin. Ako ang unang kumanta kaya doon ko na itinuon ang atensyon ko.

Treated me kind
Sweet destiny
Carried me through desperation
To the one that was waiting for me
It took so long
Still I believed
Somehow the one that I needed
Would find me eventually

Siya na ang susunod na kakanta kaya naman nag abang ako.

I had a vision of love
And it was all that you've given to me

Napatitig na lang ako sa kaniya ng boses niya. Tss. Pagkatapos noon ay nag sabay na kami.

Prayed through the nights
Felt so alone
Suffered through alienation
Carried the weight on my own
Had to be strong
So I believed
And now I know I've succeeded
In finding the place I conceived

Matapos ng kanta namin ay tinignan agad namin ang kanta namin.

"Ayun oh! Titigan." Sabi ni Leira habang tumatawa.

Agad akong namula kaya naman sinapak ko siya sa braso. "Tss. Normal lang na may eye contact kami.." psh.

"Yieeeeeee. Kinikilig" saad ni Grace habang sinusundot ang tagiliran ko kaya naman pinalo ko ang kamay niya.

"Tigilan niyo nga ako.." sabi ko at umirap sa kanila.

Habang si Lance ay sinasapak sapak si Damon na halatang inaasar din nila Kuya.

"Damn bro. Nag bibinata kana" sabi ni Kuya habang tinatap ang ulo nito.

"Shut up." Sabi nito habang umiiwas sa sapak ni Lance

"Indenial king." Bawi ni Lance ng tumigil ito.

"May indenial queen din!" Sabat ni Leira

"Tara, miryenda." sabi ni kuya kaya dumiretso kami sa garden sa labas.

Tinawag ni Kuya si Manang at nagpadala ng makakain doon.

Humiwalay kami ng table doon sa mga lalaki at narito kaming tatlo ngayon.

"Cr lang ako ha?" Paalam ni Grace kaya tumango na lamang kami.

"Alam na ni Ate Leina na lalaban ka next week, uuwi daw siya." Sabi ni Leira habang nag c-cellphone.

Pagkatapos kasi ng party noong gabi, kinaumagahan ay bumalik na uli ito sa america. Isa kase siyang designer doon kaya naman kapag uuwi siya dito ay sandali lamang dahil marami pa siyang project doon.

"Talaga? Baka naman busy siya." sabi ko agad.

Umiling lang ito ."Tatapusin niya na daw ito hanggang bukas kase mag aasikaso pa daw siya. Mag papabook pa daw siya" tumango tango lamang ako "Aayusan ka daw niya, madami daw siyang pasalubong na damit."

Halos maibuga ko ang iniinom ko dahil sa sinabi niya. Damit!? Kailangan pa ba ng maganda doon!?

"Gaga ka sis. Kadiri ka talaga. Kung iniisip mo na kailangan maganda doon, aba tumpak! Tanga ka ba at lalaban ka ng pangit ka!?" Sigaw nito sa akin kaya sumimangot ako

"Wala naman akong alam doon." bawi ko. Totoo naman.

"Hindi ka nakinig ano? Sa monday, simula na ang rehearsal niyo. May practice kayo gaga." Sabi nito habang habang naka crossed arms.

"Ang tagal naman ni Grace." sabi ko, iniiba ang topic.

"Oo nga e. Puntahan ko ba?" Pinigilan ko na agad ito at sinabing hintayin na lamang si Grace.

Tumingin ako sa table nila kuya at napansin kong wala doon si kuya. Nasaan naman yon? Maya maya lamang ay dumating na si Kuya kasama si Grace. Dala dala yung pagkain namin kaya kumuha na kami doon.

Matapos naming kumain ay nagpahinga muna kami at nag tanghalian na kami. Maya maya lamang ay nagpaalam na sila kaya naman tumaas na ako sa kwarto at sinara ang pinto.

Dumiretso ako sa kama at tumitig sa kisame. Hays, gusto ko sana gumala bukas pero sige pipilitin ko. Ako na lang mag isa para naman hindi maingay, sa tuwing kasama ko yung mga lukarit na iyon ay napakaingay namin.

Agad kong tinignan ang cellphone ko ng makita ko ang text ni Leira at Grace.

From: Leirangot

Hey, Just got home.

From: Gracesilog

Hoy, call tayo mamaya nina leira

Nagtext lang naman ako sa kanila at binuksan ang laptop ko. Puro scroll lang naman ang ginagawa ko sa facebook ng mag chat si Damon. Agad ko itong binuksan.

Damon: What are you doing?

Wala man lang hi, hello dyan? Hindi ba uso sa kaniya yon? Tanong agad?

Chelsea: none. I'm just thinking if you were a dog

I sent an emoji.

Damon: Why? Do you find it cute?

Chelsea: No. It's a demon.

Damon: Oh really? Does it mean you always think of me?

Chelsea: No!

Damon: I want to see you

Agad bumilis ang tibok ng puso ko kaya naman hinawakan ko ang dibdib ko para kumalma pero halos sumabog ako sa inis ng mag reply uli ito.

Damon: I wanna see your angry face. You look like a bulldog

Magrereply na sana ako ng tumawag bigla si Leira sa gc, it's a video call kaya naman sinagot ko agad ito

"What's with your Face?" Bungad na tanong ni Leira sa akin.

"Wala. I hate Damon, he said I'm a bulldog!" Galit na sigaw ko.

"Calm down! Hahaha" sabi ni Grace.

"Psh, bahala kayo dyan" inis na pinatay ko ang laptop ko at humiga sa kama.

You look like a bulldog.

Fuck!

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon