Agad hinila si Damon sa unahan pero nakangiti lang ito. What's wrong with him!?

"I nominate Daniel"

Halos magkapantay ang laban.

"Paano yan, pantay? Wala na bang boboto?" Agad na tanong ni Mika

Agad akong nakaisip ng paraan para hindi ko makasama si Damon. Okay na yung binabantayan niya lang ako, the hell I care sila Leira kase e. Naman oh

"Ako!" Agad silang napatingin lahat, oh-uh "boboto ako kay Daniel." Nakangiti kong tanong habang nakatingin kay Damon.

"Hindi pwedeng bumoto ang representative" ngumiti lang ito sa akin at saka tumingin sa harapan. Para akong binuhusan ng tubig, magrereklamo pa lang sana ako ng makita ko ang pagtawa ng mahina ni Damon kaya sinamaan ko ng tingin ito. "Back to zero!"

Nakatayo lang ako sa unahan habang sila ay nagbobotohan. Nagulat na lang ako ng mas maraming tumaas ng kamay ngayon kay Damon kesa kay Daniel. Ipinikit ko ang mata ko at nag dasal. Wag mo sabihing..

"Damon Foncio won!"

Halos nanlaki ang mata ko at napatingin sa board. Shete, isa lang ang lamang niya kay Daniel.

Bigla naman silang nagsigawan kaya naman halos mabingi na naman ako. Gusto ko na umuwi bwisit. Ngumisi lang ito sa akin at kinindatan pa ako. Mahulog sana mata mo.

Agad akong hinila ni Reina papunta sa gitna at ganoon din ang ginawa ni Mika kay Damon kaya magkatabi kami ngayon. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Chelsea Silvestre and Damon Foncio will be the representative of section 1 for Ms. And Mr. Saint 2020!" Agad silang naghiyawan.

"Sus bagay!"

"Section 1 for the win!"

Agad na akong nagmartsa patungo sa likod at hindi na pinansin ang mga sinasabi nila sa unahan. Importante lang pinakinggan ko at next week na iyon. Kailangan mag practice kami sa Saturday at Sunday para sa talent portion.

"Our ship is sailing~" rinig kong sabi ni Grace

"Mika! Pwede mag suggest? Tutal sila naman ang magpartner kailangan may name sila!" Sigaw ni Leira bago pa man lumabas sina Mika.

"Okay.dito ka.." tinuro ni Mika ang space sa tabi niya at nakangiting pumunta doon si Leira.

"May naisip ba kayo para sa loveteam." abot tengang sabi ni Leira sa unahan kaya napatayo ako.

"H-hoy! Anong loveteam!?" Sigaw ko sa kaniya

"Wag ka ngang kj. Wag niyo pansinin yan, attention please." Turo ni Leira sa sarili niya

Agad nagsuggest ang mga kaklase kong walang isip.

"Chelson!"

"Dasea." What the fuck!?

"Chemon." oh come on.

"Silfon." sasapakin ko si grace, pigilan niyo ako

"Vesio." anak ng putcha, ano yon beso beso?

"Seafon." okay, nakakatawa yon Leira.

"Vesfon." hatdog.

"Seamon."

"Seasoning!" Napatingin naman ako Kay Reina, pati ba naman ito.

Napailing na lang ako sa mga sinasabi nila. At nung natapos na ang katangahan nila, napagdesisyunan na lang nila na ang iname sa amin ay #DamonYoSea pero tumanggi ako. Kailan kaya titino mga kaklase ko? Ano yon, demonyo see?

#ChelsDamon, ayan. Ayan na lang ang sinabi ko dahil kung ano ano na ang sinabi nila. Anak ng, saan ba kami lalaban?

"Una na ako." sabi ko kina leira at Grace na ang lalapad ng ngiti ngayon. Umirap na lang ako.

"Ingat!" Sabi ni Leira.

"Alagaan mo yan!" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Grace.

"Lets go." Sabi nito bago ko pa man kunin ang bag ko.

Biglang may nagflash na camera at kay Grace iyon. Bumuntong hininga na pang ako at hindi na pinansin iyon.

Pagkatapos ng announcements na 'yon ay lumabas na ako.At sinong nasa likod ko? Yung demonyo este si DAMONyo.

"Hey. Are you in a hurry?" Agad na habol nito sa paglalakad ko.

"Nope. You, are you a dog?" Mataray na tanong ko kaya napatigil ito.

"I'm a human. Are you a bulldog?" Balik na tanong nito kaya naman nainis agad ako.

"Wag mo nga ako kausapin!" Inis na sabi ko at binilisan ang paglalakad ko.

"Lil sis!" Napalingon na lang ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Kuya na kasama si Lance. Nakapamulsa lang ito habang nakatingin sa amin.

"Uwi na tayo.." sabi ko agad at nakita ko namang napatingin si kuya sa kamay ni Damon kaya kinuha ko agad ang bag ko. "T-tara na" higit ko sa kaniya pero hindi ko man lang ito mahila dahil sa bigat nito.

Lumapit lang ito kay Damon at may ibinulong. Nakita ko pa ang pagngiti ni Damon bago tumabi sa akin si Kuya. "Let's go. Bro's, kitakits!"

Agad na kaming umalis doon at sumakay sa kotse.

"May pageant daw, kasali ka ba?" Tanong ni kuya

"Oo.." sagot ko.

"May naisip na kayong name?" Tumango naman ako "Ano?"

"ChelsDamon." sabi ko.

"Ang baduy naman!" Napatingin ako kay kuya at kita ko ang pandidiri nito sa muka niya.

"Mas baduy ka." sabi ko.

"Mas maganda yung SilseaFonda." What the fuck? Ito na ba ang pinaglalaban ng kuya ko?

Agad naman akong napatingin sa kaniya at hinampas ito. Mas baduy ka pa si kuya sa mga kaklase ko.

"Kasing pangit mo!" Sabi ko sa kaniya.

"Bagay kayo ni Damon.. boto ako sa kaniya, Chels.." agad akong napalingon rito.

"No.." seryoso kong sabi. "Bakit sa kaniya pumapayag ka?! I don't even know him even a bit!"

"Dahil kaibigan ko siya.."

"No. Ayoko sa kaniya." Pinal kong sabi. Hindi kailanman ako magkakagusto sa isang katulad niya. Sa ngisi pa lang niya ay halatang wala naman akong dapat ipag ka interes sa kaniya.

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now