Chapter 1

363 17 7
                                    

01
Sana.


"Nasaan ka?"

Abala ako sa pamimili ng libro dito sa national bookstore nang tumawag ito si Yazie. Kumuha ako ng isa at tinignan.

"Nasa national bookstore bakit?" sagot ko.

"After mo dyan deretso ka sa classmate bar,"

"Inoman?" tanong ko muli ano na naman kayang kalokohan ng mga ito. "Oo malamang jusko ka! Parang di na bago huh!"

Napataray ako sa hangin."Bakit anong meron?"

"DJ na daw dito si Bright kaya manlilibre daw sya ano? G ka?"

"Oo G! Sunod ako pagkatapos ko dito." sabi ko at binaba na ang tawag.

Linagay ko naman sa cart yung librong napili ko at muling nag hanap lumingon ako sa taas baka merong maganda kaya may napansin ako parang gusto kong tignan kaya inaabot ko ito ang kaso masyado akong maliit at di ma abot iyon. "Shit naman ito!"

Tumalon na ko ngunit wala pa rin. "Sige na come to mame!" inis ko sa libro ngunit nagulat ako nang may kumuha nun bumaling ako sa katabi kong lalake. Naka corner sya sa'kin dahilan para ma amoy ko ang aromang pabango nya.

He's wearing a T shirt grey and black pants. Matangkad, maputi, kahit magulo ang buhok ay gwapo pa rin ito, matangos ang ilong at may mapupulang labi. Ngumisi ito. "You're so small."

Ay nang insulto pa, gwapo sana  kaso nang iinsulto eh. Sayang naman. Tseh!

"Are you insulting me?" pag tataray ko.

"No. I'm just saying the truth." he said in a husky tone. Shit. Sa libro ko lang ito nababasa eh. No. No. Azalea the fictional character does not exist.

Linahad ko ang kamay ko tila inaabang ang librong napili ko. "Akin na ang libro."

Iniwas nya ito sa'kin. "Ako ang nakakuha kaya akin na ito."

Na inis ako. "Ako ang unang naka kita kaya akin na iyan." umiling iling ito. "No. Pinaghirapan ko itong makuha kaya sa akin ito."

Mas lalo pa kong na inis sa tono nyang tila nang pipikon. "Marami pa naman 'yan eh!" baling ko sa taas ngunit na pangiwi ako na wala na pala nag iisa na lang iyon. "Shit naman! Wala ng stock?"

"So paano ba 'yan? Wala na akin na ito huh?" inis akong bumaling sa lalakeng tu. "Di sayo! Lamunin mo sasak mo sa banga mo. Tsk!" inis ko kaya tinalikuran ko na sya.

"Nakakaasar na nilalang! Apaka madamot, gwapo na nga sana patapon ang ugali, tsk tsk kawawa ang magiging asawa nya."

Gusto ko pa sana bumili pa ng libro ang kaso na badtrip ako sa lalakeng iyon kaya pumila na ko sa counter. "Oh small world ka sunod pa talaga tayo," bumaling ako sa likod sya na naman sa sobrang inis ko inapakan ko ang nike nyang sapatos na kulay puti. "Ouch! Shit!"

Na pangisi ako. "Paghihiganti sa pang iinsulto mo sa'kin." kiniskis ko pa ang flat shoes ko para ma dumihan iyon bumaling naman ako sa isa. "Pag kuha sa libro ko na dapat ay akin."

"Smally girl stop it!" he said.

Pero makulit ako diniin ko muna ang pagtapak ko at tinalikuran ko na sya dahil may mga tao na nakatingin samin.

Narinig ko ang singhal nya at reklamo ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at tumungo na sa counter.

Nasa kabilang counter naman sya kaya lumingon ako binayad nya na yung book na gusto ko. Napa nguso ako. "Akin dapat iyan eh."

"3,500 pesos po lahat,"

Kinuha ko ang walet ko sa chanel kong sling bag ko. 4,000 ang binigay ko habang sinusuklian lumingon muli ako sa lalake masama ang tingin nito ngunit na pikon ako nang pina ingit nya sa'kin ang libro. Aba!

"Wala ka nito!" aniya sabay dila tinarayan ko na lamang sya at kinuha ang sukli ko at paper bag na puno ng libro at tinalikuran na sya.

Inis akong lumabas sa national book store at dumeretso sa tabi nitong starbucks at nag order ng ice coffee para naman mahimasmasan ang ka badtripan ko ngayong araw.

Umupo ako habang hinihintay iyon ngunit na gulat ako nang pumasok ang binatang naka salamuha ko kanina. Small world nga! Naka ngisi itong tumingin sa'kin at dumeretso sa counter para mag order.

"For Ms. Azalea po." tawag sa'kin ng waiter kaya muli akong tumayo para kunin iyon. "Thank you." ngiti sa'kin ng lalake ngumiti ako pabalik at muling bumalik sa inuupuan ko para kunin ang paper bag.

Ngunit nadaanan ko ang lalake. "Azalea.. What's a nice name." inis akong tumingin dito. "Damn you bitch!" tumawa ito. "Smally girl." dahil sa pang iinsulto sinipa ko sya sa binti.

"Oww fuck!"

"OA mo! Mahina lang 'yun pasalamat ka hindi sa bayag!" inis ko pa. "Sana di na tayo mag kita pa."

Ngumisi ito sa'kin at linapit nang bahagya ang mukha nya sa tenga ko at bumulong. "Let's see Ms. Smally girl."

Sinapak ko ang dibdib nya at tinalikuran ko na sya at kinuha ang paper bag para lumabas na sa Starbucks na iyon.

"Damn you!" sigaw ko dahilan upang tumingin ang mga tao sa'kin.

Shit. Nakakahiya. Dahil sa kahihiyan lumabas na ko sa mall na iyon at nag hanap na ng taxi.

Habang nag hihintay tumawag naman sa'kin si Yazie. "Oh?" inis ko.

"Oh bakit parang uminit ulo mo?" she asked.

"Chika ko later." I reply.

"Ok?" patanong sa boses nya. "Na saan ka na ba?"

"Imong heart."

Tumawa ito. "Saan nga?"

"Pasakay pa lang. Ops Taxi!" pag para ko sa taxi kaya huminto ito at sumakay ako. "Sige na see you later!" I said and then I hang up.

"Sa Quezon Ave po sa Classmate bar,"

Tumango ang driver at umalis na ngunit lumingon ako sa labas na dapat hindi ko na lamang ginawa pa na kita ko sya na may ngisi sa labi at kumaway pa.

So ako bilang anghel slash a bad girl ngumiti ako nang kay tamis at inangat ang gitnang daliri para pakyuhan sya.

"Pakyu!"

Nakita ko ang pag tawa nya kaya tinarayan ko na lang at hindi na sya nakita pa.

Sana hindi na kami mag kita pa. Sana!

In Engraving The Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon