Chapter 1 - The interview

5.1K 184 40
                                    

GIANA DEANNE's

I am never, never late, and I'm not about to start now.

"Please malapit na Flash, konti na lang huwag kang mamamatay dito," bulong ko. I named my car, Flash, because he is  two minutes faster than a turtle.

Umaangat pa ang pwetan ko baka sakaling makatulong na iusog at mai-park ng maayos dito sa napakalaking garahe ng pamilya. Nakahanap ako ng pag-asa ng natanaw ko ang nakahilerang mga sasakyan. Lagpas sampu ata ang nandito kung hindi ako nagkakamali.

"Grabe, sobrang yaman nila," bulong ko. 

Pinatay ko na ang makina at handa nang lumabas. Kaya lang biglang may nag-park sa bandang driver side ko ng isang sports car. Sa sobrang bilis at galing niyang nag-park, one inch lang ang layo ng side mirror ko sa kanyang sasakyan.

"Urghh! Ang luwang ng garahe tapos siniksik niya talaga yung sasakyan niya kay Flash," reklamo ko habang sinisilip sa front window ko kung lumabas yung driver ng sportscar. Wala akong mahagilap na anino.

I rolled down my car window. Yes, I hand to hand crank it because my car was my parents, and was nearly twenty years old. Nakakarating pa naman ako sa aking paparoonan kahit sobrang bagal at tunog atungal ng aso ang tambutso nito. I lightly knocked three times on the heavily tinted window. After a minute, I didn't get any response so I decided to just confront the driver outside of his car. 

"Nauna ako dito noh, kaya dapat siya ang mag-adjust. At isa pa, pinag-hirapan ko na i-park si Flash ng halos bente minutos tapos uulitin ko? Magpapatiwakal na lamang ako kung ganun!" I murmured habang linalaktawan ko ang gears ng sasakyan ko.

"Ouch!" Nauntog ako sa kisame ni Flash sa sobrang pagmamadali.

Nang sa wakas ay nasa passenger seat na ako, mabilis kong binuksan ang pintuan at lumabas ng sasakyan ko. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad patungo sa harap ng sasakyan nito. Nanlaki ang mga mata ko nang wala na doon yung driver. Inikot ko ang aking paningin sa buong garahe pero wala namang ibang tao dito. 

I checked the time. Limang minutos na lang bago ako ma-late ng tuluyan sa interview ko. Wala akong nagawa kundi balikan ang shoulder bag ko sa loob ng sasakyan ko at nagmadaling tinungo ang front door ng mansyon.

Pinagbuksan ako ng dalawang maid ng pintuan. Tumambad sa akin ang sobrang luwang na living room at sobrang taas na kisame ng mansyon. Grabe, siguro dito nakatira si Cinderella. 

"Nasa Library si Madam. Kanina ka pa niya hinihintay," sabi ng maid at nagpatiuna na umakyat sa hagdanan. Tahimik lang ako na sumunod sa kanya.

Today, marked my interview as a Private Nurse for Ramona Aboitiz, a supermarket chain heiress. Ayon sa advertisement sa jobsite, may hypertension at diabetes ito kaya kailangan niya ng magre-remind dito sa kanyang mga medicines. 

Medyo linulukob na ako ng nerbiyos habang papalapit kami sa pintuan. Pakiramdam ko kasi hindi ako masyadong handa para sa interview na ito. Kahapon lang ako tinawagan ng secretary ng ginang para ipaalam na may interview nga ako sa kanya ngayon. The only thing that pushed me to do this is the fact that I badly needed a high paying job.

I checked the time from my wristwatch - 9:58 am.I am not late. I mentally pat my self at the back.

Kumatok ang maid ng tatlong beses at tsaka dahan-dahan na binuksan ang pintuan. The maid just held the door for me and let me in. Then, she left without saying another word. My eyes scanned the room and I see Mrs. Aboitiz sitting behind a huge office desk. She was drinking tea while looking at me from head to toe. Napalunok ako dahil yung mga tingin na ipinupukol niya ay parang sinusuri nito ang buong pagkato ko. I tried my best to smile confidently while walking towards her without tripping. Dinaig ko pa ata yung mga kalahok sa Miss Universe sa sobrang tuwid at diretso ang lakad ko.

Emergency GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon