Chapter VII

2.1K 147 45
                                    

[ɴᴏᴛᴇ: ɴɢᴀʏᴏɴ ᴋᴏ ᴘᴀ ʟᴀɴɢ ᴛɪɴᴀᴘᴏꜱ ʙᴀꜱᴀʜɪɴ ᴍɪᴘ4 ᴋᴀʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɢᴜꜱᴛᴏ ᴋᴏ ᴍᴀɢ-ᴜᴘᴅᴀᴛᴇ ꜱᴀɴᴀ ꜱᴀ ʜɪᴛ ʙʏ ᴘɪᴛᴄʜ ᴘᴇʀᴏ ᴅɪᴛᴏ ɴᴀ ʟᴀɴɢ ᴅᴀᴡ ᴋᴀʏ ᴅᴀᴋᴏᴛᴀ. ᴄʜɪɴᴇᴄᴋ ᴋᴏ ɴɢᴀ ᴘᴀʟᴀ ʏᴜɴɢ ʀᴇᴠɪꜱɪᴏɴ ʜɪꜱᴛᴏʀʏ ɴɢ ᴍɢᴀ ꜱᴜᴍᴜɴᴏᴅ ɴᴀ ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀꜱ, ʙɪɴᴜʀᴀ ᴜʟɪᴛ ɴɪ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ᴋᴀʏᴀ ʜɪɴᴅɪ ᴋᴏ ɴᴀ ꜱɪʏᴀ ᴍᴀɪ-ᴇᴅɪᴛ ᴘᴀ. ᴛᴀᴘᴏꜱ ᴋᴏ ɴᴀ ʀɪɴ ɴᴀᴍᴀɴ ᴀɴɢ ꜱᴛᴏʀʏ ɴɪʏᴀ, ᴘᴇʀᴏ ɴᴀᴋᴀᴋᴀᴅɪꜱᴍᴀʏᴀ ʟᴀɴɢ ɴᴀ ᴅɪ ꜱɪʏᴀ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ɴᴀ ɴᴀᴋᴀ-ᴘᴏꜱᴛ ᴅɪᴛᴏ. ʙᴀʟᴀᴋ ᴋᴏ ꜱᴀɴᴀ ɪ-ᴘᴜʙʟɪꜱʜ ʏᴜɴɢ ꜱᴛᴏʀʏ ɴɪɴᴀ ᴊᴀᴇ ᴋᴀꜱᴏ ʙᴀᴋᴀ ʟᴜᴍᴜʙᴏɢ ᴅɪɴ ʜʙᴘ ᴋᴀᴘᴀɢ ɴᴀɢᴘᴜʙʟɪꜱʜ ᴜʟɪᴛ ᴀᴋᴏ ɴɢ ꜱᴘᴏʀᴛꜱ  ꜱᴛᴏʀʏ. ᴛɪɴɢɴᴀɴ ɴᴀ ʟᴀɴɢ ɴᴀᴛɪɴ ʙᴀᴋᴀ ᴀɴɪɴɢɪɴ ᴜʟɪᴛ ᴀᴋᴏ ɴɢ ᴍᴜꜱᴇ ᴋᴏ ʀɪᴛᴏ ꜱᴀ ʟɢ.]

Dakota

“Tapos na ang holy week, pero, bakit pang biyernes santo pa rin ‘yang mukha mo?” Bungad tanong si akin ni Jae nung tabihan niya ako rito sa harap ng bar counter. May kumuha ng litrato namin nung nasa labas pa kami ng bar kaya malamang sila na naman ang pinag-uusapan sa social media, at nadamay pa nga ako. Base na rin sa sunod-sunod na pagvibrate ng phone ko sa bulsa ng jacket na suot ko. Malamang kasi sina Anica lang iyon. Siniguro ko kasi na hindi ako makikilala nung bumaba kami sa kotse ni Jae. Nakasuot ako ng bonnet, baseball cap talaga sana susuotin ko kaso kailangan ko itago yung buhok ko na hanggang ngayon ay neon orange pa rin, saka ko na raw pakulayan bago kapag naka-three months na kami sa training. Then black mask para matakpan bibig at ilong ko. Saka salamin, pero hindi sunglasses kasi aanhin ko ba yun? Gabi na. Yung salamin lang na parang suot ng mga nerd pero walang grado. Bagay naman sa akin, eh. Medyo bobo rin ako sa part kung saan nag-selfie ako at ipinost ang ayos sa facebook, kahit pa sabihing nakaprivate ang mga account ay malalaman pa rin ito nina Anica. Sila pa ba? Sila kaya ni Nino ang active sa social media. Pero sa twitter ata sila madalas na nagkakalat.

Kung ako lang hindi ako gagawa ng account sa facebook at instagram, ang kaso pinilit ako nina September. Para raw mabilis nila akong matawagan. Para namang wala rin sila rito sa camp. Sila pa nga ang reason bakit pinagbawalan ako humawak ng bola nina Jae dahil nga may namiss akong practice namin kasi ayaw nila ako paalisin sa Argus building. Ito rin ang reason kung bakit mas uminit lalo ulo sa akin ni Uno. Nalaman kasi niya na ako ang dahilan bakit hindi siya pinapapasok sa Argus Building. Iniisip pa nga niya na iniiwasan ko raw siya. Hindi naman ito ang rason pero masisisi niya ba ako kung gagawin ko nga ito? Lagi na lang kaya niya ako inaaway ng walang dahilan. Pati paghinga ko nga ng malakas (ayon sa kaniya) ay kinagagalit niya. Anong gusto niya mamatay ako? Tsk.

Naibato ko ang stress ball na inabot sa akin ni Jae, saan niya ba kinuha iyon? Nasa bar kasi kami, pag-aari ni Tyson. Gusto pa nga niya na tingnan-tingnan ko ito kapag umalis sila. Siyempre hindi ako nagbigay ng komento. Alam ko kasing hindi niya ako papansinin kapag pinaalala ko sa kaniya ang edad ko — 17 pa lang kasi ako at huwag nga raw ako iinom ng alak hangga't hindi ako nagiging 21. Para namang gusto ko talaga uminom ng alak. Amoy pa lang hindi na kagusto-gusto, eh.

“So, bakit nga nakasimangot ka?” Ulit pa ni Jae sa tanong niya, right, hindi ko pa pala siya sinasagot.

“Bukod sa ayaw ko sumama sa inyo?” Lalong bumaba mood ko nung ngumiti lang siya sa akin na parang hindi nila ako sapilitang sinakay sa kotse kanina, kung siguro hindi sila ang gumawa malamang aakalain ng mga tao na dinudukot ako. “Ilipat ninyo ko sa Black Dormitory, wala akong pakialam kung mga sakit sa ulo ang nakatira doon, mas ayos na sila ang kasama kaysa si Uno. Idagdag pa si Anica, hindi ba mahigpit ang training ng mga volleyball player at araw-araw akong pinipeste ni Anica?” Totoo ito. Malayo ang ang training ground namin sa training ground ng mga volleyball players pero parang hindi nagti-training si Anica kasi lagi siyang nanonood sa practice namin, gustong-gusto pa siya ng mga kapwa ko trainees dahil nga marami siyang kuwento tapos ako pa ang madalas na paksa. Hindi ko nga sukat akalain na maraming interesado sa akin. Hindi naman tungkol sa paglalaro ko ang kinukuwento ni Anica, pero marami ang nakikinig sa kaniya kapag nagsalita siya kahit si Rize. Karamihan pa roon mga nakakahiya. Hindi ko nga alam if magpapasalamat ba ako kay Anica o maiinis kasi nung hindi niya ako kinukuwento sa kanila, madalas na sina Nino, Tres, Milan at Rize lang ang nakikipaglaro sa akin pero after one week na pagpunta niya sa training ground namin ay marami na kumakausap sa akin. Inaasar pa nga nila ako at mas lalo silang ginaganahan dahil hindi ako apektado at minsan sinasabayan ko pa pang-aasar nila.

Little GiantWhere stories live. Discover now